Chapter 33.

7.5K 103 3
                                    

Arissa's POV

Pagkagising ko, I felt drained. Physically and emotionally drained. And then I realized that I'm back to where I was two years ago. Sinusubukan kong wag umiyak pero hindi ko mapigilan. Yung sagutan namin kahapon, hindi ko makalimutan. Pati siya.. hindi ko makalimutan. Pero feeling ko, hindi ko na talaga siya makakalimutan ever. Kasi siya si first love, greatest love? Lahat na ata. He once meant everything to me.

Pero tama na. Kapag naaalala ko yung mukha nung batang yun, naiisip ko na hindi ko kayang maging masaya knowing na may nasira akong "pamilya". I packed my stuff. Kinuha ko at tinitigan yung wedding picture namin. Sayang. Yun na lang yung nasasabi ko sa utak ko. Sayang lang. 

Oras na para magmoveon. I just want to forget about him and love Jacob instead. Tinitigan ko si Baby Arvin. This teddy bear means a lot to me. Tinangka kong iwan pero hindi ko napigilan, kinuha ko na din. Tapos nun, bumaba ako. 

Walang tao? Pumunta ako sa dining. . may pagkain, sulat, tapos brown envelope.  Malamang inuna ko yung sulat. 

"Hi babe! Pagbigyan mo na, last na nga eh. Kamusta ka na? Miss na kita agad ah. Miss mo na ba babe mo?  Sorry nga pala. Ilang beses na ba kita napaiyak? Wag mo na bilangin, alam ko naman madami. Alam mo ba, babe. umiiyak ako ngayon. Kasi mamimiss kita. Hindi ko naman ginusto na ganito eh. Kaso, hindi ka naman magiging masaya sakin. At ang gusto ko lang naman, lahat ng mas makakabuti para sayo. Kaya kahit ganun, pipilitin kong tanggapin. na tapos na tayo. gaya ng sinabi mo, mahirap pero kakayanin ko para sayo. Puro nalang kasi sakit at problema dala ko sayo. Ayaw ko na ng ganun. Thank you. Kasi pumasok ka sa buhay ko, kasi naging asawa kita, kasi napasaya mo ko, napangiti mo ko ulit, kasi tinuruan mo ko kung paano magmahal ng totoo. Nakita ko yun sayo. Alam mo ba nung mga bata pa tayo, crush na kita? Kaso nung tumanda tanda na tayo, nagrebelde ako. So thinking about it, mali pala. Ikaw pala first love ko. And I guarantee you, you will be the last. Kahit anong mangyari, nandito lang ako para sayo. At sana, one day, kung magkita man tayo ulit, sana makita kitang nakangiti at masaya. Mahal na mahal kita, Mrs. Arissa Serenity Garcia Castellana. Ang sarap naman nung pakinggan. I know it wouldn't last though. Pinirmahan ko na yung papeles, andyan sa loob ng brown envelope. Nanghihinayang ako satin, babe. We were happy once. You were my only happiness and you still are. I wish you and him the best. Aalis na nga pala ako, I'll be leaving for Cali, tomorrow night. Business. Siguro dun ko nalang igugugol oras ko. Hmm. Wala na akong masabi. I'm willing to live a life looking back at the past for you to have a better future. I love you. And I never thought that I would love and need someone this much. I can't believe this. . but I'm letting you go.

But my love for you would never change. Ikaw pa. True love yata kita! "

Wala, iyak na naman. Iyak na naman ako ng iyak. Kahit wala siyang ginagawa, napapaiyak pa rin niya ako. Halos ilang minuto din ako naiyak. Hanggang sa nacontain ko na yung sarili ko, kumain na lang din ako. Tapos kinuha ko yung envelope. Umalis na ako at umuwi sa bahay. 

Pagpasok ko, sinalubong ako ni Papa. . 

Papa: "Anak."

Tumakbo ako tapos niyakap ko siya. Hulaan niyo kung anong ginawa ko. . umiyak!

Papa: "Anak, magiging okay din lahat."
Ako: "Eh papa kasi. . "
Papa: "Alam ko namang mahal mo pa siya."
Ako: "Huh? Ano po?"
Papa: "Dumaan siya dito kanina, nagkausap kami."
Ako: "Ano pong pinagusapan niyo?"
Papa: "Sino pa ba? Edi ikaw! Noon pa man, alam ko ng mabuting lalaki si Alvin."
Ako: "Alam ko rin naman yun, Pa eh. Pero ibang usapan na yung . ."
Papa: "May anak na siya?"
Ako:  *tumango*
Papa: "Bakit kami ng Tita Sonia mo? "
Ako: "Pero papa. . ayaw ko ng masaktan ulit."
Papa: "Sa lahat ng relasyon, nagkakasakitan. Hindi naman yun maiiwasan eh. All of us get hurt because of love, but we still love anyway, Why? Because the happiness that love brings is worth so much more than the pain. "
Ako: "Papa naman eh. Pinapaiyak mo ako lalo eh."
Papa: "Think about it, anak. Ano bang mas mahalaga sayo? Yung saya na dinala niya sayo o yung sakit na bigay ng pagmamahal mo? Si Jacob din. Isipin mo. Mahal mo ba siya kasi mahal ka niya? O mahal mo siya kasi mahal mo lang siyang talaga?"
Ako: "Hay nako, Papa. Sige na po. Akyat na ako."
Papa: "Basta ako, anak. Kung san ka masaya, dun ako."

Umakyat ako sa taas ng kwarto, tas binagsak yung sarili ko sa kama. Nagvibrate yung phone ko. Inayos ko muna yung boses ko. Haha. pwede ba yun? Si Jacob kasi eh. Tapos sinagot ko.

Jacob: "Hey, love."
Ako: "Hi. Na kila Papa ako ngayon."
Jacob: "Talaga? At least, malapit lapit lang. Susunduin kita mamaya ah."
Ako: "Susunduin? Ha? Bakit?"
Jacob: "Love, okay ka lang? Rehearsal kaya ng kasal nila Jane ngayon?! Bukas na siya ikakasal?"
Ako: "Ay, onga pala! Sige, love! Tawagan ko lang si Jane! Pick me up at 12!"
Jacob: "Okay, see you! Love you!"

Hindi na ako naksagot dun sa. .. I love you. Tinawagan ko si Jane. 

Jane: "Bruhita!"
Ako: "Makabruhita naman to. Ayieee! Ikakasal ka na bukas."
Jane: "Oo nga eh, excited na ako! Kaso parang kinakabahan na rin."
Ako: "Ikaw? Marunong ka pala nun?"
Jane: "Gaga, may pagkanormal din ako. Hahaha. Ikaw? Kamusta ka na?"
Ako: "Anak nga ni Alvin yung bata. Aalis na siya ng Pilipinas bukas ng gabi."
Jane: "WHAT?! Pero teka, ganun lang? Hahayaan mo lang?"
Ako: "Mas mabuti ng ganun. Tsaka si Jacob, di ko kayang saktan yun." 
Jane: "Martyr! Nako, mamaya, pagpunta mo sa rehearsal! Malakas na tadyak abot mo sakin! Psh! Sige na, byebye!"
Ako: "Bye!"

Tama ba tong ginagawa ko? Hmm. Bahala na kung saan ako dalhin.

Alvin's POV

Kuya: "Alvin, sigurado ka na ba dyan?"
Sab: "Oo nga! Sayang. May pagkakataon ka pa."
Pau: "Vin, kung napipilitan ka lang dahil kay Papa, wag na."

Yan. Yan ang una kong narinig sa kanila pagkatapos kong magkwento.

Ako: "Sigurado na ako. Wala na akong pagkakataon kasi matagal na siyang bumitaw. At hindi ako napipilitan. It's a good opportunity."

Tinititigan lang nila ako.

Kuya: "Alam mo namang sinusuportahan kita sa mga desisyon mo diba, pero. . parang may mali ata sa ginagawa mo ngayon."
Ako: "Wala naman eh. Nakapirma na ako sa annulment papers. Ikaw maghahandle ng kompanya. Magiging masaya si Arissa, masaya nanaman kayo dito. Papadalhan ko naman ng sustento yung bata. Oh? Anong mali dun?"
Pau: "Masaya nga kami. Pero, ikaw? Magiging masaya ka ba?"
Alvin: "I have been selfish my whole life. It's time that I think of what's best for her."
Sab: "So, wala na talagang makakapigil sayo?"

Si Arissa lang. Siya lang makakapigil sakin.
Pero umasa naman akong pipigilan niya ako.

Ako: "Wala na. I've made up my mind and I'm leaving." 

But, what they don't know is. .. I'm leaving. . for good.

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon