Chapter 38.

8.4K 91 4
                                    

Arissa's POV

"Babe oh. Inom muna."

Napalingon ako. Siyempre, si Alvin. Tumabi siya sakin tas inakbayan niya ako.

Alvin: "Babe, relax. Okay na lahat."
Ako: "Eh babe bukas, pano pag~"
Alvin: "Everything will be perfect."

Yes, tama hinala mo. Bukas na kasal namin! Yaaaaaaaaaaay! It has been one month since nagkabalikan kami. Nakakastress naman kasi. Pero so far, so good. Si Adrian, best man siyempre. Tapos groomsmen si Jacob pati si Lance tsaka si Paolo. Oh diba? Instant close sila. Maid of honor ko? Sino pa ba? Edi yung best friend kong loka loka. Bridesmaids? Si Pauline, si Janna, si Ate Sab. Perfect! Hahahaha. Tapos yung iba taga kompanya na lang tsaka iba pang kapamilya. Malalakad na din ako sa altar. Yaaaaaay! Photographer? Maj. Naman! Matagal nawala yung babaeng yun eh. Daming photoshoot all over the world. High class si ate eh. 

Ako: "Ewan ko ba parang kinakabahan ako."

Totoo. Halos hindi na ako makatulog. As in, kabadong kabado ako. Hindi ko naman alam kung bakit. Ano bang meron? Ugggggh.

Alvin: "Wag ka nang kabahan. Anuman ang mangyari, kasal pa rin naman tayo eh. Hahaha!"

Nagulat ako nang biglang may nambatok sa likod ko.  Sino pa ba?

Ako: "Aray naman, Jane!"
Jane: "Alam mo ikaw babae ka! Hindi ko alam kung ano pang inaarte mo dyan! Ikakasal ka na bukas, Anong kaba kaba? Gusto mo pektusan kita!"
Paolo: "Ah, Arissa. Pagpasensyahan mo na to si Jane ah. Alam mo naman. . '

Oo nga, kailangan ng pasensya nito eh. Kayo, alam niyo ba? Malamang hindi. Akalain niyo yun, buntis si bruhita. Di ka nagkamali ng binasa, buntis siya. As in, with child. In denial lang pala nung inaasar siya ni Paolo. Abnormal talaga to.

Adrian: "Bakit si Sab ko hindi ganyan?"

Oo na, lahat na sila nagbuntis. Nagbuntisan silang lahat. Hahahaha. 

Sab: "Minsan Jane, sama ka sakin. Magyoga tayo!"
Paolo: "Di niya yun kaya!"
*tawa kaming lahat tapos binatukan ni Jane si Paolo*
Jane: "Kapag Jane, di na kaya agad? Di ba pwedeng trying hard muna?"
Paolo: "Sorry na, mahal naman kita eh."
Jacob: "Nako! Wag nga kayong ganyan! Baka maimpluwensiyahan niyo kapatid ko!"
Janna: "Kuya naman!"
Ako: "Kunwari ka pa eh may saltik ka din!"
*tawanan kami ulit*
Janna: "Kuya, may saltik ka pala eh!"
Pauline: "Hay nako, mamimiss ko to."

Napalapit narin naman kasi ang loob namin kay Pauline. Babalik na siya ng France at babalikan ang akala niyang hindi niya mahal noon na narealize niyang mahal niya talaga.

Ako: "Mamimiss ka namin!"
Pauline: "Hoy, walang mawawala sa airport ah. Mawala, may batok."
Jacob: "Eh pau, may pictorial ako eh."
Pauline: "Hay nako. Onga pala, Mr. Heartthrob ka."
Lance: "Penge namang chicks!"
Alvin: "Hoy, naririnig ka nang anak mo!"

Tinignan namin si Alden na walang kamalaymalay. Naglalaro lang. Hahaha. Nagmomodel na ulit si Jacob. Sabi niya, wala nanaman daw kokontra pag pinagpantasyahan siya. Kapal talaga nito. Nakuha naman ni Lance ang custody para kay Alden. Siya ang ring bearer namin.  

 It's amusing to see how much we've changed in one month. One whole month. It's funny to see  how my life turned from super depressing to ecstatic. 

Jacob: "Arissa, usap tayo! Tayong dalawa lang! Halika!"
*nagsound effects sila den den den den*
Alvin: "Hoy, ibalik mo asawa ko ah!"
Janna: "Wag na, Kuya! Kidnap-in mo na!"

Tumayo ako tapos sumunod ako kay Jacob.

Ako: "Oh bakit?"

Niyakap niya ako. Niyakap ko na din siya pabalik.

Jacob: "Mamimiss kita."
Ako: "Ano ba yan! Andrama mo naman eh! Baka mahawa pa ako niyan!"
Jacob: "Masaya ako naging parte ka ng buhay ko."
Ako: "Ako din naman eh! JACOOOOOB! Wag kang ganyan."
Jacob: "I'll always love you . . "
Ako: "Ganun din naman ako."
Jacob: "Be happy with him, okay?"
Ako: "Yes. And go ahead, find your true happiness."
Jacob: "Wala lang, drinamahan lang kita." *tawa*
Ako: "Ugok ka talaga!"

Binitawan niya ako. Tapos tinawag na kami ni Alvin.

Alvin: "Tama na yan, selos na ako. rehearsal naaaaaaaa!"

Nagtawanan na lang kami at bumalik. Tapos ayun, nagrehearse kami. Fast forward na. Uwian na namin. Tapos na rehearsal. Hinahatid ako ni Alvin ngayon kila Papa. Bawal magkitaan ang Bride and groom diba? Hahaha! Nasa tapat na kami ngayon nang bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto tapos bumaba ako.

Alvin: "Babe, ikakasal na tayo."
Ako: "Kasal nanaman tayo ah?"
Alvin: "Oo nga pero this time, ikakasal na tayo for the right reasons."
Ako: "Yeap, for the right reasons."
Alvin: "It has been three years. since I married you. Three years."
Ako: "Antagal narin pala no? Pero parang kailan lang. . "
Alvin: "Hindi man tayo laging okay noon, pero. . I was happy." 
Ako: "Ako din naman. Lahat naman ng relationships, may ups and downs."
Alvin: "And we got through all of them .  "
Ako: "Nakakatuwang isipin na bumabalik at bumabalik tayo sa isa't isa."
Alvin: "Ano bang sinabi ko? We're meant to be together."
Ako: "Asus. Sige, magpakilig ka lang."
Alvin: "Sige na, babe. Gabi na. Get some rest. I'll see you tomorrow, Mrs. Castellana."
Ako: *ngisi* "I'll see you too. Ingat ka ah. Pahinga ka din."
Alvin: "Yes, boss! I love you."
Ako: "I love you, too."

Hinalikan niya ako ng mabilis tapos pinanood ko siyang makalayo. Pumasok ako sa loob tapos nakita kong nagtatawanan si Papa at si Mama Sonia. I'm glad to see my father happy.

Papa: "Andyan na pala ang unica hija ko."
Mama Sonia: "Nako, hija. Magpahinga kana. Ikakasal ka bukas! Dapat blooming."
Ako: *tawa* "Opo, Mama Sonia. Sige po, good night po!"

Lumapit ako sa kanila tas niyakap ko sila.

Papa: "Oh anak, bakit?"
Ako: "Wala lang, Pa. Salamat lang po talaga sa lahat ng suporta niyo."
Mama Sonia: "Nako, kaya mahal na mahal ko tong anak mo eh! Ang lambing!"

Binitawan ko sila.

Ako: "Good night na po talaga."

Umakyat ako tas nagshower. Bago ako matulog, nagdasal ako at binulungan ang isang napakaimportanteng tao sa buhay ko . .

"Mama, ikakasal na ako bukas. Sana po nandito kayo no? Pero alam ko namang mararamdaman ko kayo dun. Wag lang kayo mananakot ha? I miss you so much, ma. You are my guardian angel. Actually, kinakabahan nga po ako eh. Sana ho, wala lang to. Protektahan niyo po ang mga mahal ko sa buhay. At sana po, masaya kayo diyan kasama si Papa God. I love you, ma! Good night po!"

Tapos ayun, nakatulog na din ako.

___________________________________________________________________________

"Rise and shine, bruhita! It's your wedding today!"

Sabi ni Jane sabay tanggal ng kurtina. Nasilaw tuloy ako.

Jane: "It's a beautiful morning. Andito na ang make-up artist mo, teh. Kaya ano pang ginagawa mo diyan at maligo ka na!"

Tumayo ako at tumitig sa sarili ko sa salamin.

"This is it."

Liz's POV

Holaaaaaaaaaaa! Porket masaya na sila, wala na agad akong plano?

Hindi ko naman hahayaan na maging masaya sila nang ganun ganun lang?

Walang hiyang babaeng yun. Akala ko labas na sa eksena, yun pala siya pa rin ang bida.

Nanahimik lang ako nang isang buwan. Para maging kampante silang lahat.

Pero hindi naman ako ganun lang kadaling mawawala.

Sabi nga nila. . .

Ang masamang damo matagal mamatay,"

Ngayon, ikakasal na sila. Well, like I care?

Hindi ko naman hahayaang maging masaya ang araw na to.

Akala niyo happy ever after na?

PUWES. .

HINDI PA.

Hahahahahahahahaa.  

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon