"Arissang sarap sabunutan sa sobrang ganda."
Aray naman ha. Makahila ng buhok tong baliw na to. Si Jane. Bestfriend ko since pre-school. Actually, parang kapatid na nga turing ko dito kahit wala to sa sarili most of the time. Nagdecide kasi akong ayain siya ng mall since hindi kami nagkita last week. Bonding time lang.
Ako: "Ano ka ba. Maganda ka din, loka!"
Jane: "Pero jusko, tumingin ka nga sa paligid mo, teh. Halos lahat ng lalaki nakatingin sayo. Kung alam lang nilang wala silang binatbat sa asawa mo. "
Sus. Asawa kamo sa papel. Hay nako.
Jane: "Wala paring development sa inyo? Kahit hug man lang? Wala talaga? Grabe naman. Tapatin mo nga ako, santo ba yang asawa mo o bading?"
Tawa nalang ako. Hay nako, best friend. kung alam mo lang ang alam ko. Syempre, bawal ko sabihin sayo na nagrereport sakin yung sekretarya ni Alvin kapag may date siya. Babaero. Pero kahit alam kong mambababae siya, nasasaktan pa rin ako. Weird no?
Jane: "Eight months na kayong kasal, wala pa rin. Ano ba yan? Kasal ba talaga kayo?"
Sana nga hindi nalang kami kinasal eh. Sana joke time lang to, o kaya naman panaginip lang. Tas paggising ko, back to being 14. Hay nako. Buhay nga naman. Sige, Jane. Gatungan mo lang ang katangahan ko.
Ako: "Tara na nga. Samahan mo na lang ako magmall."
Jane: "Mabuti pa nga."
Ako: "Teka, magpapaprint lang ako ng pictures. Tignan mo oh."
Hinarap ko yung cellphone sa kanya. Mga candid photos yun ni Maj nung umalis kami. Charot. Eh sa maganda ako dun sa mga pictures na yun eh.
Jane: "Edi ikaw na, Arissa! Ikaw na maganda, ikaw na papasang model. Leche flan!"
Ako: "Baliw! Tara na nga! "
So ayun. Pinaprint ko yung mga pictures tapos inipit ko sa wallet ko. Then there nagikot kami as in halos lahat ata ng store napasaukan namin. Makakapagod pero enjoy din. Daming mura eh di naman sale. Sa sobrang pagod, nagdecide kaming magmerienda sa isang Japanese restaurant. Sa tapat, may jewelry shop. Eh mahilig pa naman ako sa mga pendant. Tinignan ko yung nasa display. Nakita ko yung necklace na may musical note and heart. (See Multimedia) Bigla ko tuloy naisip si Mama. I wish she was still here, sana nandito siya para tulungan ako. Wala na, gusto ko nang umiyak. Nahihirapan na ako, sa lahat. Lalong lalo na sa aming dalawa ni Alvin. Bakit kasi kailangan ko pa siyang mahalin? Araw araw, halos mapatay ako ng mga salita niya. Tapos yung pambababae pa niya. Wala naman akong inasahan pero jusko naman, kahit konting respeto lang. Hay.
Pumasok nalang ako sa loob para tanungin kung magkano. Medyo may kamahalan kasi bagong labas. Binuksan ko yung wallet ko, nalungkot tuloy ako lalo. Hindi ko mabibili. Tapos kung mabibili ko naman, sisigawan lang ako ni Alvin. Ulit. Lutang akong naglakad palabas ng store nang biglang may bumangga sakin. Dahil wala ako sa sarili, napaupo ako. Shyems. Nakakahiya. Nakadress pa naman ako, buti nalang nagshorts ako. Tinulungan ako tumayo nung nakabangga sakin.
Hala, ang gwapo. Sobra. Parang artista. Nakaputing polo lang pero iba na yung dating. At makashades! Parang may foreign blood, ang ganda ng jawline, matangos ang ilong at maputi. Sayang nakashades, di ko makita yung mata.
"Sorry, miss."
"No, it's okay. Sorry. Hindi kasi ako masyado nakatingin sa dinadaanan ko eh. I'm really sorry."
Nginitian ko na lang.
"I like your smile."
Wow, si kuya, straight forward.
BINABASA MO ANG
Never Letting Go. (Completed with updates)
Fiksi Remaja[©annetamadmo] Arissa Serenity Garcia. Pinakasalan si Alvin Castellana kasi yun ang gusto ng mga tatay nila. Pero lihim na mahal niya talaga ito, simula dati pa. Eh paano kung nagpakasal nga kayo eh halos daig pa ng demonyo ang pagtrato niya sayo? S...