Chapter 17.

9.4K 127 5
                                    

Arissa's POV

Ang sakit ng ulo ko. Sobra. Buong katawan ko masakit. Bubuksan ko na dapat mata ko ng biglang. 

"Babe, sorry ha. Ako may kasalanan. Naririnig mo kaya ako? Wag ka magalala, hindi naman ako aalis sa tabi mo eh. Pag gising mo, nandito lang ako. Nasaktan na naman kita. Ulit. Paulit ulit na lang kitang nasasaktan. Pero alam mo ba, kapag nasasaktan kita.. doble sakit sakin? Minsan iniisip ko kung lumayo na lang kaya ako sayo kesa masaktan pa kita? Pero ang selfish ko. Masasaktan kasi ako kapag lumayo ako sayo kaya hindi ko kayang gawin yun. Hindi ko talaga kayang mawala ka. Bago ako matulog, tinatanong ko kung ano bang kabutihan ang ginawa ko at dumating ka sa buhay ko. Ikaw nagpabago sakin.. hindi lang ako pati buhay ko .. "

Si Alvin.. umiiyak. Mapapaiyak ako nito eh. 

"Yung babae kagabi? Si Pauline yun. Naikwento ko na ba siya sayo? Hindi pa siguro. Siya yung girlfriend ko bago tayo magpakasal. First love ko. Tinakasan kasi niya yung papakasalan niya sa France, kaya ayun. Ayaw na siyang makita ng mga magulang niya. Sakin tumakbo. Hindi ko natiis. Yung nakita mo kagabi? Pagkakamali yun. Malaking pagkakamali. Kung inintay mo lang siguro, sana narinig mo. Sinabi ko sa kanya na mahal na mahal kita, ikaw lang. Narinig mo na ba yung quote na .. "First love never dies but true love can burn it alive"? Nung una kong narinig yun, sabi ko.. hindi yan totoo. Hindi ako naniniwala. Mahirap tapatan ang first love. Aaminin ko nung unang tatlong buwan nating kasal, hindi ako naging tapat sayo. Galit pa nga ako nun sayo eh. Kasi sinisi kita sa pagkawala ni Pauline sa buhay ko. Hangga't sa nasanay akong nandyan ka sa tabi ko, tiniis mo lahat ng pagpapahirap na ginawa ko, hindi mo ko iniwan, hindi mo ko binitawan. Nung dumating si Jacob, akala ko nung una.. nasasaktan lang pride ko, ego. Pero nung tumagal, dun ko nalaman na mahal kita. Mahal na mahal. Tanga ko din nun eh no? Kailangan mo pang mawala para malaman ko kung gaano ka kahalaga. Ngayon, alam ko na kung gaano ka kahalaga. She may be my first love and that would never change. But with you, I experienced what true love felt like. You're my true love, one and only, lahat na. Sana paggising mo, mapatawad mo ko. Alam kong hindi ganun kadali pero... sana lang.. mahalin mo pa rin ako."

Pigil ng iyak. Ang weird kasi kahit nasaktan ako ng sobra, mahal ko pa rin siya.

"Kita mo nga naman, babe oh. Umabot ako. 11:59. Happy birthday. I love you so much. Mahal na mahal na mahal kita. Pahinga ka ha. Nandito lang ako. "

I felt him kiss me on the forehead.

In that moment, I was sure.

That he loves me. That I love him.

That this is love.

__________________________________________

Pagbukas ko ng mata ko, ang silaw. Umaga na pala. Tumingin ako sa gilid ko... si Alvin natutulog.  Tinry ko igalaw yung kamay ko kaso may swero, ang sakit ng buong katawan ko. Napaaray ako. Napaiyak na din ako, ang sakit talaga. Dahil sa aray ko.. nagising tuloy si Alvin. 

Alvin: "Babe.."

Ako: "Ang sakit. "

Hinawakan niya yung kamay ko.

Alvin: "Teka lang, tatawagin ko lang yung doctor. "

Tiniis ko na lang. pero naiiyak talaga ako. Ang sakit talaga. Bumalik si Alvin kasama doktor. Tinabihan ako ni Alvin tas hinawakan niya yung kamay ko. 

Doc: "Anong nangyari?"

Alvin: "Sabi niya masakit daw."

Doc: "Kailangan na ng painkillers. Bawal masyadong gumalaw. No twisting and reaching down or up and any other activity involving the movement of the back and arms.  May bali po ang rib cage ng pasyente. Nagkaroon din po ng bleeding because of the minor head injury. I advise three days of pure rest, ioobserve muna namin. Then we'll decide if we can discharge you. "

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon