Chapter 26.

8.8K 96 0
                                    


Alvin's POV

Nanaginip ba ako o talagang niyayakap ako ni Arissa? Halos dalawang taon ko siyang hindi nahawakan ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap isipin na kayakap ko siya ngayon. Parang naging worth it lahat ng sakripisyo ko. Nagbitaw din kami. Tapos natahimik.

Ako: "Anong ibig sabihin nun?"

Sabi ko paglingon ko sa kanya, nakatungo lang.

Arissa: "Hindi ko alam. "
Ako: "Mahal mo pa ba ako?"
Arissa: "O-hindi-ewan!"
Ako: "Anong . . ."
Arissa: "Mahirap paniwalaan, Alvin eh."
Ako: "Ang alin?"
Arissa: "Gusto kong maniwala na mahal mo ako pedro ang hirap."
Ako: "Anong kailangan kong gawin?"
Arissa: "Patunayan mo." 
Ako: "Paano?"
Arissa: "Aba, malay ko. Bat ako tinatanong mo?"

Napangiti ako. Kasi . . parang nagkaron ako ng kahit konting pag-asa na. . baka mabalik pa kaming dalawa sa dati. Pero, kailangan ko munang patunayan, iparamdam sa kanya. At sa tingin ko naman, magagawa ko yun.

Ako: "Bukas, aalis tayo ah."
Arissa: "San tayo pupunta?"
Ako: "Lalabas."
Arissa: "Wala yun sa usapan ah."
Ako: "Usapan natin, ako lang kasama mo. Kaya kahit saan ako magpunta, dapat nandun ako."
Arissa: "Sige na, dun na ako sa kwarto ko. "

Hinayaan ko siyang umalis. Ngayon, magpplano ako para bukas.
Hindi niya makakalimutan yung bukas. Hindi talaga.

Arissa's POV

Hindi ko na alam kung anong iisipin. Kung anong dapat  maramdaman. Kung saan pa ako lulugar. Hindi ko na rin alam, nagulo lahat. Dahil dun sa paguusap namin. Dapat hindi ko na lang inalam pero . . nagiba paningin ko sa lahat. Pero wala naman akong pinagsisisihan sa mga naging desisyon ko. . naguguluhan lang. Alam kong mahal ko si Jacob pero ewan. Hindi ko na alam. Makatulog na lang. Tadhana na bahala sakin . . pero tama ba yun? Puso ko na lang. 

_______________________________________________________________________

Nagulat ako pagbukas ko ng mata ko . . umaga na. Ang weirdo ko. 3 pm ako natulog tas ngayon 6 na ng umaga? Hindi naman ako pagod. Slight lang? Pero parang ayaw kong bumangon. Tinext ko si Jacob ng I miss you. Totoo naman kasi. Siya kasi usually panimula ng araw ko. Nakasanayan ko na minsan, paggising ko, nandun siya. . nagluluto sa apartment ko. O kaya, nakaupo sa sofa, nanonood ng cartoons. Nagulat ako tumatawag siya. . sinagot ko.

Jacob: "Hi love."
Ako: "Bat gising ka? Ang aga ah."
Jacob: "Tambak ng trabaho. Hindi pa ako natutulog. "
Ako: "Ano ka ba. Love naman. Umuwi ka na nga at matulog. "
Jacob: "Mamaya na. . kausap pa kita eh. Namiss din kita."
Ako: "Asus. Wag mo pabayaan sarili mo ha."
Jacob: "Oo naman! Ikaw, kamusta ka naman diyan?"

Naguguluhan. Nahihirapan. Hindi alam kung anong gagawin. Hindi makapagisip ng maayos.

Ako: "Okay lang naman ako dito. Wag mo akong alalahanin. Ikaw?"
Jacob: "Pagod lang pero okay na rin. Nakausap na kita eh."
Ako: "Ikaw talaga. Bolero kahit kailan."
Jacob: "Mahilig lang talaga magsabi ng totoo."
Ako: "Asus. Nakangiti nanaman ako. "
Jacob: "Kinikilig ka talaga ah."
Ako: "Ikaw din naman eh. "
Jacob: "Para tayong high school, ang sarap sa pakiramdam."
Ako: "Oo nga eh. Palibhasa, pareho tayong isip bata."
Jacob: "Hindi ah, sadyang nagmamahalan lang."
Ako: "Loko loko ka talaga! Sige na, pahinga ka na. Tawag ako ulit mamaya."
Jacob: "Sige, love. Ikaw din, try mo matulog ulit. I love you."
Ako: "I love you too."

Binaba ko yung phone. Mahal niya ako. Mahal ko siya pero hindi ko lang talaga alam kung. . masasabi kong . . ewan. May karapatan naman akong maguluhan diba? Meron nga ba?

Tinignan ko yung mga gamit sa kwarto ko. . Naalala ko may memory box nga pala ako sa ilalim ng kama ko. Kinuha ko tas binuksan ko. . 

Bulaklak na binigay sakin ni Alvin nung 14 palang ako. Pictures namin. Papel kung san sinulat niya yung pangalan ko. Mga regalo niya kada birthday, kada Christmas. Lahat pala ng nandito. .tungkol sa kanya. Lumabas lang kung gaano siya kaimportante, kung gaano kalaking parte siya ng buhay ko. . simula pa dati, hindi ko na kinailangan maghanap ng iba, dahil alam kong siya ang mapapangasawa ko, kasama ko. Hindi na ako umangal kasi mahal na mahal ko siya. Simula nga 6 palang ako, kalaro ko na siya, crush.  Nagreminisce ako.

 *flashback ; Arissa @ 6*

 "Alvin, alvin, tulong!"

Sigaw ko. Nasa monkey bars ako. Hindi ko kayang umabot hanggang sa dulo. Masyadong maliit yung kamay ko. Nasa gitna palang naman ako.

"Arissa, sasaluhin kita. Wag kang magalala. "

Napatingin ako sa baba, nandun siya, nakangiti. Nilalahad yung dalawa niyang braso. Pumikit ako tas bumitaw sa bars. 

Nadaganan ko siya. Malamang nasaktan siya.

"Alvin, okay ka lang ba? Sorry ha."
"Okay lang ako, ikaw? Wag kang magalala. Lagi naman kitang sasaluhin pag nalalaglag ka eh."

Lagi naman kitang sasaluhin pag nalalaglag ka eh.
Lagi naman kitang sasaluhin pag nalalaglag ka eh.

At pinangako ko sa sarili ko. . na siya ang makakatuluyan ko.

*end of flashback*

 Nagreminisce lang ako ng nagreminisce tungkol sa lahat ng pinagdaanan naming dalawa. DI ko na namalayan yung oras. Tatlong oras din pala akong nagisip. 9 na. kinatok ako ni Alvin. Sabi niya, magayos na daw ako. Kaya sinunod ko na lang siya. Naligo ako, tapos nagsuot ng blue na summer dress tapos nagflats. Hindi siya maikli, nasa baba pa ng tuhod kaya okay lang. Pinatuyo ko tas sinuklay yung buhok ko. Inayos ko bag ko tapos bumaba. Nagulat ako pagbaba ko. . 

"Alvin?"

Si Alvin ba talaga to? Nakav-neck na plain, nakajeans at nakarubbershoes tas nakashades? Uy, blue din oh. Anong nangyari sa polo, black pants, black shoes?! Halos himatayin ako pagtalikod niya. . ang gwapo. Mas lalo siyang gumwapo. Tapos nakangiti siya. Hindi katulad dati na seryoso. Kyaaaaaaa~ pero, hindi. Jacob. Loyalty. Jacob. Loyalty.

Alvin: "Ganda ah."
Ako: "Psssh. Nakakapanibago."
Alvin: "Bakit? Dati naman ganito na ako manamit ah."
Ako: "Hindi kaya. Saan ba tayo pupunta?"
Alvin: "Sa mall."
Ako: "Ha? Magmamall tayo?"

Ano bang nangyayari sa mundo? Bakit biglang. ..ganito?

Alvin: "Oo nga. Tara na."

Hinawakan niya yung kamay ko tapos lumabas kami. Nagulat ako ng nilagpasan niya yung kotse.

Ako: "Huy! Yung kotse."
Alvin: "Hindi tayo magkokotse."
Ako: "Ha? Bakit?"
Alvin: "Wala lang. Magcocommute tayo. Ayaw mo?"
Ako: "Hindi naman sa ganun."
Alvin: "Tara na, date na tayo."

Napatigil ako sa paglakad. TInitigan niya ako habang nakangisi. 
Bakit biglang simple tong aroganteng to? 

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon