Chapter 8.

12.1K 171 1
                                    

Arissa's POV


Nagreply ako dun sa message, hindi ko na natiis eh. 

To: +63915-----------
"Kilala ko asawa ko. Kung sino ka man, please. Wala kang mararating, nagaaksaya ka lang ng oras mo. So ngayon palang, tigilan mo na to."

Humarap ako sa tulog na Alvin. Nakayakap pa rin siya sakin. Tinitigan ko yung mukha niya. Mukhang anghel... pag tulog. Hinawakan ko yung pisngi niya. Wala ka namang tinatago sakin diba? Hay. Apektado ako sa message kasi alam kong madami talaga akong hindi alam. Bakit ganon? Sino ba kasi yun? At paano naman niya nakuha number ko?

"Wag mo na akong titigan, matulog pa tayo. Inaantok pa ko."

Pumikit nalang ako tas naramdaman kong humigit yung yakap niya sakin. Huling araw na pala namin sa Batangas. Natatakot ako. Sana pagbalik ng Manila, ganito pa rin. Sana hindi lang to basta panaginip. 

______________________________________________________

Meong kamay sa pisngi ko. Gaya gaya pala to si Alvin eh, tinititigan lang ako. Pagbukas ko ng mata ko, napasigaw ako. Iba. Ibang tao. Hindi ko makita yung mukha. Tinakpan nila ako ng itim na tela. 

"Mamamatay ka, Arissa! Mamamatay ka din!"

Unti unti akong nalalaglag. Napasigaw ako.
Tas naramdaman kong may nangaalog sa katawan ko. 

"Arissa! Arissa!"

Pagbukas ko ng mata ko, umiiyak pala talaga ako.

"Alvin!"

Napayakap ako sa kanya. Thank God.

" Tahan na, panaginip lang yun lahat. Nandito ako."

Hinihingal pa rin ako. Niyakap niya ako hanggang sa kumalma ako. Ano ba namang panaginip yun? Bat naman ganyan? Tumayo si Alvin, may kumakatok pala. Room service. Dito nalang pala kami kakain. Lumipat ako sa couch, may maliit naman na table eh. Tumabi sakin si Alvin.

"Kain na, babe."
"Thank you."

Pinilit ko kumain kahit wala talaga akong gana. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. 

Alvin: "Ano ba kasing napanaginipan mo?"
Ako: "Pagbukas ko ng mata ko, wala ka. Ibang tao. Tinakpan niya yung mukha ko tas sabi niya mamamatay daw ako. Tas para akong nalalaglag. Ewan ko ba."
Alvin: "Late ka kasing magising eh. Hindi ko masasabing kada bukas mo ng mata sa umaga, nandun ako. But I can assure you that every single time you go to sleep at night, I'll be there. Watching over you."
Ako: "Kinikilig ako. Bumabawi, bumabawi. Mr. Castellana, hindi mo lang alam eh mas maaga pa akong gumigising kesa sayo."
Alvin: "Ikaw? Eh ayaw na ayaw mo ngang gumigising ng maaga."
Ako: "Ginagawa ko kaya para sayo."
Alvin: "Para sakin?" 
Ako: "Ay hindi, para kay mang Felix! si Mang Felix! Kakasabi nga lang eh."
Alvin: "*tawa* Ano namang ginagawa mo para sakin, ha?"
Ako: "Ako lang naman gumagawa ng almusal mo tsaka naghahanda ng gamit mo. Sosyal ka eh."
Alvin: "Weh? Si Manang kaya."
Ako: "Ginigising ko lang si Manang, para hindi mo mahalata. Alam ko kasing kapag nalaman mong ako nagluto, hindi mo kakainin."
Alvin: "Paano mo nalaman kung ni hindi mo pa nga nasusubukan?"
Ako: "At least, ngayon, alam mo na."
Alvin: "Thank you. Masarap lahat."

Hindi ko namalayang naubos ko na pala yung pagkain. Pati siya na rin.

Alvin: "Sino unang maliligo?"
Ako: "Ikaw na, ang baho mo na eh."
Alvin: "Hoy, hindi ako maba~"
Ako: "Maligo ka na laaaaaaang."

Nakinig din. Tas nakita kong umilaw yung phone ko. Kinuha ko. Nako, kapag ito yung eksaheradang unknown texter, nako~ AY, SI JACOB! Kilig. Hahahaha.

"Good morning, Serena! How are you? Kamusta tulog? Miss na kita ah. Ako, miss mo? I hope to see you today.  Wear your smile ha? Kain ka ng madami. Wag pabayaan sarili. Pag kailangan mo ko, text mo lang ako. "

Ang sweet talaga ni Jacob. Nakakakilig talaga ng bongga. Feeling ko bumalik ako sa High School years ng buhay ko. Ligawan stage. Hahahaha. Kaso bawal na akong ligawan, friends lang. Bait ko eh. Pero ang gaan gaan  talaga ng loob ko kay Jake. Ewan ko kung bakit. Nagreply ako.

"Morning, Jacob. Masama panaginip ko pero okay lang naman. Ikaw? Miss ko? Hindi eh. Hahahajk. Opo, sir! Para kang si Papa niyan eh. Ikaw, kamusta ka?"

Maya maya, nagreply din. . .

"Maganda na talaga, morning ko. Nagreply ka eh. Ayaw mo nun? Protective? concerned lang. Okay lang, katext kita eh."

Sumagot ako . . 

"Osige na. kung concerned, edi concerned. Ang landi mo. Nakakaloka ka."

"Concerned talaga. Sayo lang ako malandi no?!"

"Ano ka ba! Kasal na kaya ako. Abnormal ka."

"Edi best friend mo na lang ako. Siguro naman dun, walang masama?"

"Ganun, close na tayo agad? May sinabi akong masama? Eto talaga, nangunguna eh."

"Close na tayo. So close yet so far. Sana manguna din ako sa puso mo."

"HAHAHAHA. Langya to. Ang aga aga pa oh. Makabanat ka."
"Kaya nga eh. Ang aga aga palang, ikaw na nasa isip ko."

 "Ganyan ba pag best friend?"

"Sorry ka, malandi best friend mo. Hahaha. joke lang. Syempre, pag may best friend ka, yun yung unang taong iniisip mo. Kasi isa siya sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo."

"Naks. Importante na ako agad?"

"Kasing importante ka sakin ng battery sa cellphone, dial tone sa telephone, calcium to my bones, bola sa ping pong, panghampas sa gong, Ann Darrow to king kong, right to my wrong, inday to this Dodong. Gets? Huy, original yan."

"HAHAHAHAHA. Ang corny corny mo! Pero in fairness, pwedeeeeee!"

Ang corny pero kiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiig.

"Hoy, Arissa!" 
"Ay, nalaglag ang bakla!"

Sus, si Alvin lang pala. Joke, si Alvin aking mahal.  

Alvin: "Sino yang katext mo? At kanina ka pa ngiti-ngiti dyan. Hindi mo pa ako napansin."
Ako: "Si Jacob."
Alvin: "Si Jacob na naman!"
Ako: "Maka-naman ka! Ngayon ka lang kami nagkatext nung tao."
Alvin: "Nagkasama naman kayo."
Ako: "Nagseselos ka na ba?"
Alvin: "Bat naman ako magseselos? Sabi ko nga sayo, diba? NEVER."
Ako: "Ah, so hindi ka pa nagseselos? Sige na nga, tawagan ko na~"
*inagaw sakin ni Alvin yung phone*
Ako: "Hoy! Akin na yan!"
*inoff niya yung phone*
Ako: "Bat mo in-off? Baka naman may tumawag!"
Alvin: "Sino? Si Jacob?!"
Ako: "Malay mo. Si Jane, mga kaibigan ko! Oh di naman kaya si Papa!"
Alvin: "Makakapaghintay yung mga kaibigan mo! At tsaka kung tatawag naman si Papa, at hindi ka sumasagot, sakin  yun tatawag kasunod."
Ako: "Alvin naman ehhhh. Akin na."
Alvin: "No, you will spend this day with me and with me only."
Ako: "Ano namang gagawin natin?"
Alvin: "Dito lang tayo sa kwarto."
Ako: "H-HA? ANONG GAGAWIN NATIN DITO SA KWARTO? BAKA RAPE-IN MO KO!"
Alvin: "Kung ano anong iniisip mo! Bat naman kita rarape-in? Mangarap ka muna, Arissa! Manonood lang tayo ng dvd. Ito, kababaeng tao."
Ako: "Ganda ko kasi eh! Tara na, nood na tayo!"
Alvin: "Pagkatapos ng tatlong movies, magready ka na ha. 
Yaaaay. Fun, fun, fun! 

Jacob's POV

Limang oras na. Hindi pa rin siya nagrereply sa text ko. Try ko kayang tawagan? Not available? Naka-off? Hay. Bat naman niya i-ooff yung phone niya? Well, kung hindi ko siya makakasama ngayong araw dito sa Batangas. Gagawin ko lahat para maksama siya. Nang may bigla akong naisip! Napakagandang plano, yes!

Good luck, Castellana. Alam kong maaasar ka sa gagawin ko but..
all for Arissa!

Alvin's POV

Pauwi na kami. Nilalagay ko na lang yung mga gamit sa kotse.

Ako: "Game na, babe?"
Arissa: "Tara, uwi na tayo!"

Ng biglang . .dumating si Yñiguez. Ano na naman ang ginagawa nitong singit na to?

Jacob: "Hi Serena. *kindat*" 
Arissa: "Hello, Jakeee!"

Bwisit talaga to. Eto namang si Arissa, feel na feel. 

Ako: "Anong ginagawa mo dito?"
Jacob: "May tool box ka?"
Ako: "Meron, dito... "
Ano ba yan, wala pa.
Ako: "Wala pala, naiwan ko sa isang kotse."
Jacob: "Nasira yung kotse ko eh. Wala pa naman akong driver. Pano na to?"
Arissa: "Paano ka makakauwi nyan?"
Jacob: "Yun nga eh."
Ako: *pabulong* "Paawa."
Arissa: "Hindi naman siguro masama kung isabay natin siya, diba Alvin?"
Alvin: "ANO? Isasabay natin yang~"
Arissa: "Please, please, please, please."
Jacob: "I would really appreciate that, pare. "

Sa bagay, para makita ko rin kung paano sila pagmagkasama. Para mabantayan ko. Tsaka sabi ni Arissa, dapat daw magkasundo kami. Alam ko din naman na hindi rin ako tatantanan ni Arissa so..

"Fine."
Arissa: "Talaga? Yay! You're the best! "
Jacob: "Thank you, pare." *biglang inakbayan si Arissa*
Nanlaki mata ko. Ano ba sa tingin nitong lalaki na to ang ginagawa niya sa asawa ko?
Jacob: "Tara na, best friend."

Best friends na sila agad? Tulungan niyo ko. Nararamdaman kong kailangan kong magpasensya sa susunod na tatlong oras. Bwisit.  

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon