Author's Note.

9K 81 19
                                    

06/01/12

Hello sayo! 

Hindi ako makapaniwalang sinusulat ko to ngayon. Nagsimula ako nang isang fan, kaibigan ko pa sa totoong buhay. Hahahaha. Dati, 20 reads, masaya na ako. Hindi ako makapaniwalang natapos ko to nang halos dalawang buwan. April 10, 2012. Yan ang date kung saan nagsimula ang NLG, ang buhay nina Alvin at Arissa. Sana nagustuhan niyo. Bawat view, bawat comment, bawat vote, bawat fan. Naaappreciate ko talaga. Awww.


Sana natuto kayo kay Arissa, na nagpapatunay na kapag mahal mo ang isang tao, kaya mo lahat. Kasi pagmahal mo, mahal mo. Wala nang kasi, wala nang pero. Ano man ang sagot sa paano at bakit, wala kang magagawa kasi mahal mo.

Sana natuto kayo kay Alvin, na hindi agad nakita kung anong halaga nang taong yun hanggang sa nawala siya. Natutunan niyo rin sana na love will make a way if it's really meant to be. Wag niyong balewalain ang taong mahal niyo at kung kayo talaga para sa isa't isa, tiwala lang. God will pull you together.

Sana natuto kayo kay Jacob, na handang magparaya para sa ikasasaya nang mahal niya. Hindi dapat tayo maging makasarili dahil ang kasiyahan nang taong mahal mo. . ay kasiyahan mo na rin diba? At laging tandaan na may taong nakalaan para sayo. Intay lang. Love will find you.

Sana natuto kayo kay Pauline, na huli nang narealize niyang mahal pala niya talaga ang taong nasakanya na pero napakawalan pa dahil akala niya mahal pa niya ang ex niya. Akala. Maling akala. Sana hindi kayo madali niyan.

Sana natuto kayo kay Jane, na isang tunay na kaibigan, na hindi iniwan ang best friend niya, pati na rin ang pagpupursige niya hanggang sa mapansin na rin siya nang taong gusto niya. Lahat tayo may sariling Jane. Value that person. Tsaka kung may crush ka, wag kang magalala. Kung siya talaga, mapapansin ka niyan. 

Sana natuto kayo kay Paolo, na hindi naman masama magmahal nang baliw. Hahahaha.

Sana natuto kayo kay Adrian, na nagpatunay sa salitang "pamilya". Walang iwanan, sanggang dikit.

Sana natuto kayo kay Liz, na pagsumobra ang pagmamahal, nakakabaliw. Sa kanya nga lang, literal pero. . There's a fine line between loving a person and losing yourself. Sana hindi yun mangyari sa inyo.

Sana natuto kayo kay Lance, na nagawang pangatawanan ang pagkakamali niya, na nagpakalalaki at tinanggap ang mga responsibilida na para sa kanya.

Sana natuto kayo kay Janna, na naniniwala sa puppy love. Ienjoy ang kabataan!

Sana natuto kayo kay Ate Sab, na hindi umalis sa tabi ni Adrian. 

Sana natuto kayo kay Papa at Tita Sonia,  it's never too late to fall in love again.

Sana natuto kayo kay Papa ni Alvin,  family will always be a priority.

Maraming maramIng salamat sa pagbabasa nang Never Letting Go! As in, sobrang salamat. Words can never express how thankful I am.  Salamat sa mga umiyak, tumawa at sumubaybay. Love love love! <3 

At oo nga pala, 

Intayin mo ang Never Giving Up, ha? ;)

Reyna nang kabitinan, 

Annetamadmo. :)

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon