Chapter 27.

8.6K 103 5
                                    

Arissa's POV

Nagaabang kami ng Jeep ngayon. Naniniwala ka bang ang isang Alfred Vincent Reyes Castellana magcocommute? Ako kasi hindi eh. Ako, sanay na naman ako magcommute. Kasi nung college halos araw araw commute. Pero ito? Laging may kotse. Hawak pa rin niya kamay ko. Hindi ko alam kung bibitawan ko ba o hindi? Ang awkward. Maya maya may pumara na jeep sa harap namin Inalalayan niya akong umakyat tapos tumabi sakin. Kumuha siya ng twenty tapos pinapasa niya.

"Bayad ho. Dalawa."

Kailan siya nagkaron ng twenty? Puro kaya buo pera nito. Rich kid eh. Kailan siya natutuo magjeep? Pinipigilan ko ngumiti Paano ba naman? Kumuha siya ng panyo tapos pinatong niya sa dulo ng dress ko. Protective. Mahaba na nga to eh. Hinabaan pa lalo. Ngayon ko lang na realize na first real date pala namin to. Pero hindi ko kinoconsider na date kasi sapilitan. Ang labo ko rin no?! First real date pero hindi date. Biglang may napatabing lalaki saking lalaki. Inakbayan niya ako. Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi niya makitang nakangiti ako. Actually, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Dapat pala hindi na ako nagpatuyo ng buhok, instant hair dryer pala to eh. Heehee. Bumaba din kami. Ang daming tao.

Ako: "Nasaan ba tayo?"
Alvin: *turo sa likod ko*
Ako: "Quiapo church?" 
Alvin: "Tara na, dasal muna tayo."

Hinila niya ako tapos naglakad kami papuntang simbahan. Buti nalang hindi ganun kaikli suot ko ngayon. Pumasok kami, holy water, sign of the cross, upo, luhod, dasal.

"Lord, sana naman tulungan niyo ako. Na sana magawa ko yung tama, yung para sa ikabubuti ng lahat, yung dapat, yung nasa plano niyo po. Alam ko naman pong hindi niyo ako papabayaan. Kayo na po bahala sa akin. May tiwala naman po ako sa inyo. Sorry po sa mga kasalanan ko. Di ko maiwasan, Salamat po sa lahat ng blessings. Sana po maging maayos na lahat. Love you, lord!"

Napatingin ako kay Alvin. Hmm. Ano kayang pinagdadasal nito? Umupo na ako. Maya maya, ganun din siya. Tapos hinila niya ako. . . papunta dun sa mga kandila. Kumuha ako ng anim.

Una, para kay Papa. Para sa ikakasaya niya. 
Pangalawa, para sa best friend ko. Para sa kasal niya.
Pangatlo, para kay Jacob. . sana hindi siya magbabago.
Pangapat,, para kay Alvin. .sana . . basta para sa kanya.
Panglima, para sa lahat ng mahal ko sa buhay, sana maging ligtas sila sa lahat.
Panganim, para  kay Mama! Kung nasaan man siya. Sana patnubayan niya ako. Para na din to kay Papa. Pa! Miss na kita. Pati si Alvin panigurado.

 Si Alvin din. Kumuha din ng mga kandila. Pagkatapos nun, lumabas na kami ng simbahan. Ang sarap sa pakiramdam na wala lang. . pumunta ka ng simbahan para magdasal. 

Ako: "Alvin, san na tayo pupunta?"
Alvin: "Sakay lang tayo, isa pang jeep. "
Ako: "San ba kasi talaga tayo pupunta?"
Alvin: "Megamall."
Ako: "Talaga?!"

Tuwa naman ako. Yes! Hindi Ayala Mall! Hahahah. Hindi pasosyal effect. Mamaya nakasakay ulit kami ng jeep. Ngiti ako ulit kasi pinatong niya ulit yung panyo niya. Heehee. Alvin. Alvin. Ay shunga! Mali! Jacob. Jacob. Jacob. Tapos ayun, nakarating din kami. 

Lakad kami papasok ng mall. Pinacheck yung bags siyempre. Tapos kinuha niya yung bag ko.

Ako: "Huy! Alvin!"
Alvin: "Bakit?"
Ako: "Yung bag ko."
Alvin: "Ako na magdadala."
Ako: "Eh magaan lang naman yan eh."
Alvin: "Kung manakawan ka."
Ako: "Osige na nga."
Alvin: "Bagay naman sakin diba?"
Ako: *tawa* " "Ang bading mo." *tawa*
Alvin: *straight face* "Tara na nga, kain na tayo."

Akyat ng escalator.

Ako: "Anong kakainin natin?"
Alvin: "McDo" *ngisi*
Ako: "Yaaaaaaay!"
Alvin: "Para kang bata, ano ka ba. Pinagtitinginan ka ng mga tao oh. "
Ako: "Bakit ba?"
Alvin: "Cute mo."

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa~ Pero no. Jacob. Jacob. Jacob.

Never Letting Go. (Completed with updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon