Discovering that I am a sorcerer was magical enough for me.
But I discovered something more magical than that, love.
They say love is like magic, it happens in an unexpected moment.
and like magic, it can suddenly fade and disappear even if you don't wish for it to.
Love can be nurturing as it can be the source of inspiration and motivation.
Love can also be destructive, as it can destroy the trust a person has for someone, the belief and principles of a person and even the strongest friendships.
Love can make you happy and contented.
But, it can also frustrate and enrage you.
In the end it all comes to this,
The experience love will give you is truly magical.
But remind yourself, experiencing love is always accompanied by trials.
Surely you'll get confused, betrayed and hurt in the process.
Brace yourselves, open the pages and enjoy experiencing that magic called love in this story.
~Sara~
Ano kaya ang ireregalo ko kay Mama para sa Mother's Day bukas? Nakakainis isipin na 'yung mga ideyang naiisip ko ay 'yung mga naging regalo na ni Sisera kay Mama. Palagi nalang mas maganda ang nireregalo niya kumpara sa akin! Paano ko kaya mapapamangha si Mama?Sa gitna ng aking malalim na pag-iisip ako ay pumasok si Sisera sa aking kwarto.
"We've been surprising her with gifts for continuous years. For sure Mama is expecting that we are preparing a gift for her. We've been giving her gifts that we aren't even sure if she will feel genuine happiness."
Wow kung maka-English naman 'tong kambal ko akala mo foreigner ang kausap. Pero tama siya, mas mabuting isahang regalo nalang ang ibigay namin.
"Anong gusto niyo pong regalo Mama?" sabay naming tinanong si Mama.
"Gusto ko sana makakita ng lilies na nagmula pa sa Field of Verlasse." Kakaibang ekspresyon ang ipinakita ni Mama sa amin.
"Pero malabong makapunta tayo doon marami pa akong kailangang gawin."
"Kami nalang ang pupunta. Ikukuha ka namin ng mga bulaklak na iyon Mama." Sabi ni Sisera.
"Naku! Huwag na, Sisera. Mapapagod lang kayo sa layo ng lalakbayin ninyo."
"Hindi na baleng mapagod kami basta makita ka naming masaya, Mama. Minsan lang sa isang taon ang kaarawan mo kaya sana pagbigyan mo rin kami sa nais namin," pakiusap ko kay Mama.
"O sige mga anak. Maghintay kayo saglit kukunin ko lang yung pamphlet na may direksyon kung paano makakapunta doon."
Habang naglalakbay kami papunta doon binasa ko yung description nung field dito sa pamphlet. Mukhang tourist spot ito sa syudad na 'yon.
The huge flower field is located at the center of the city and the citizens considered it as the heart of the city. It's beauty never fails to amaze anyone that sees it. The entire field is fenced and filled with white lilies then there is this path that will lead you to a vacant soil near a Mahogany tree. That spot is where events are being held. The tree despite its age it is still full of life and behind the tree is a lake with a crystal clear. It is amazing to think that the field maintains its beauty despite the people using the field as a venue for events. The picking of lilies is free of charge anyone can pick lilies from the field.
Hapon na nang marating namin ang Field of Verlasse.
"Sisera, pwede bang ikaw nalang ang mamitas ng lilies? Gusto ko kasing libutin itong field," pakiusap ko kay Sisera. Naenganyo kasi ako sa mga nabasa ko sa pamphlet.
"Sige, dapat magkita tayo dito bago magtakip-silim." Nahiwalay na kami ng landas ni Sisera. Naglibot-libot muna ako hinahanap ko yung lawa. Ilang sandali pa at natanaw ko na ang mahogany tree.
Namangha ako sa ganda ng lawa. Habang pinagmamasdan ko ang napakagandang tanawin nakakita ako ng mga dragonflies. Ngayon lang muli ako nakakita ng mga dragonflies. Napatinggin naman ako sa kwintas ko. Baka mabasa ang kwintas ko. Isinabit ko muna ito sa isang halaman at sumisid na ako sa lawa upang magmasid ng malapitan sa mga dragonflies.
Ilang minuto ang nakalipas narinig ko ang boses ni Sisera.
"Sara? Nasaan ka na?" pagtatawag niya.
Pag-ahon ko mula sa lawa may biglang kumalbit sa akin. Thinking that it was Sisera who approached me I turned around only to see a fair complexioned guy who is sporting a shaggy hairstyle standing right behind me.
"Paumanhin. Ito na ba ang Field of Verlasse?" he inquired.
"Oo." I replied.
"Ako nga pala si Frey," bigla niyang sinabi sa akin.
"Hindi ko tinatanong." I replied in an arrogant manner.
"Pero pinakinggan mo." nakangiti niyang sinabi sa akin. Tinalikuran ko na siya at pinulot ang bag ko.
"Anong pangalan mo?"
Aba? Ang lakas naman ng loob niyang tanungin? Ni hindi ko siya kilala o wala akong nakikitang dahilan para magkaroon kami ng ugnayan sa isa't-isa. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Sisera.
"Siya si—" biglang isiningit niya.
"Tahimik!" isinigaw ko kay Sisera bago pa man niya maisiwalat ang pangalan ko sa isang lalaking hindi namin kilala.
"Mabuti pang umalis na tayo. Masyado na tayong nagtagal rito." Madali kong isinuot ang tsinelas ko at naglakad ng mabilisan papalayo.
Hindi pa kami nakakalayo may isinigaw sa 'min nung lalaking iyon and I know it was intended for me.
"Hindi nababagay sa'yo ang pangalang Tahimik! Masyado kang maganda para sa pangalang 'yon!"
Ako yung tipong hindi agad napapangiti ng mga biro't pambobola. Pero sa hindi malamang dahilan napangiti ako nang marinig ko yung sinabi niya. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko 'yung lalaking yun upang mahagilap ang kanyang mukha bago tuluyang umalis kasama si Sisera.
Frey... Tatandaan ko ang pangalang iyon.
-Frey's POV-
Nangako akong hindi babalik sa syudad na ito hangga't 'di pa tinutupad ni Mama ang kahilingan ko. Ngunit Mother's Day bukas, alam kong kailangan kong gawin 'to.
Dumaan ako sa back gate ng field diretso ito sa may lawa. Nadatnan ko ang isang babaeng naglalaro sa may lawa. I was attracted by her appearance. Eksaktong noong pag-ahon niya nilapitan ko siya at kinalbit. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't tinanong ko dun sa babae kung ito na ba ang Field of Verlasse.
Matapos niyang sagutin ang tanong ko bigla kong sinabi sa kanya ang pangalan ko. Nahihibang na yata ako kung anu-ano na ang sinasabi ko.
"Hindi ko tinatanong." mataray na sagot niya.
"Pero pinakinggan mo." panunukso ko.
Hindi niya ako sinagot.
"Siya si—" biglang sabi nung babaeng hindi ko namalayan na nasa tabi na niya.
"Tahimik!" biglang isinigaw nung babae. Tahimik? What kind of name is that?!
"Mabuti pang umalis na tayo. Masyado na tayong nagtagal rito." iritadong sinabi ni Tahimik.
Naglakad na sila papalayo pero bago pa man sila makaalis hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.
"Hindi nababagay sa'yo ang pangalang Tahimik! Masyado kang maganda para sa pangalang 'yon!" isinigaw ko sa kanya.
Napatigil siya sa sinabi kong 'yon at nilinggon ako ng kaunti bago tuluyang umalis.
Totoo naman Tahimik, napakaganda mo. Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya pero nakaalis na siya. Tahimik ipananalangin ko na sana magkita tayo muli.
Napatingin ako sa ibaba at nahagilap ko ang isang kwintas na may dragonfly na pendant. Aking pinulot ito. Kay Tahimik kaya ito? Sana ibig nitong ipahiwatig na magkikita kami muli.
~End of Chapter~
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...