ILGOP (7)

517 13 0
                                    

Aom's POV
(Taekwando Room)
Kasabay pala namin ang klase ng tinaguriang Mhorfelle Gang, binubuo nila Jun Arin Miña, Evan Velasquez, Matthew Mina, Kendrick Delavin, Genesis Santiago, Arin John Park, Joe Manoban, Xian Ramirez, Rage & Ritchie Quiniones, Blue Santos and Spark Uno Suarez.

Wait Ritchie at Blue? Parang nakilala ko na sila somewhere, nung vacation ata nung nasa bookstore ako.

Sabi nila nabuo ang Mhorfelle Gang para sa anak ni Madame Louisa, iyong unknown daughter niya. At nasabi din na ang anak mismo ni Madame Louisa ang namili at bumuo sa gang. Kasalukuyan na leader nila si Jun Arin. Nakwento sa akin ni Rael na magaling daw silang makipaglaban, parang well trained na sila para na rin sa pagprotekta sa anak ni Madame Louisa.

"Aom, okay ka lang ba? Parang nakatulala ka ata? Sino bang tinitignan mo dyan?" pagpupukaw ni Rael sa atensyon ko.

"Haha wala Rael, okay lang ako. Medyo tense lang sa lesson natin ngayon sa taekwando hehe." wala sa sarili kong sagot at sapilitang ngumiti sa kanya.

"Ikaw matetense? Himala naman ata iyon Aom ko. By the way, sabi ni Coach Dunkan na iyong dose ang makakalaban natin sa taekwando." pagbabanggit niya.

"What? Akala ko pa naman nakasabay lang natin sila sa taekwando class natin, iyon pala ibang agenda nila at worst, makakalaban pa natin sila. My goodness!" komento ko habang nakatingin ulit sa kanila.

"Chill! Kaya natin silang talunin Aom. Atsaka, magsisimula na tayo." dagdag niya pa.

Nag umpisa na nga ang taekwando class namin. So, sa mga kaclose ko ang naunang sumalang at ang naging resulta...

Toby VS. Matthew <Matthew>

Jerome VS. Evan <Evan>

Jeremy VS. Uno <Uno>

Momo VS. Ritchie <Ritchie>

Zyra VS. Joe <Joe>

Rael VS. Blue <Rael>

"Wow! Rael,natalo mo siya! Magaling! Idol na kita nyan!" papuring sambit ni Momo.

"Haha ako pa! Aom,sunod ka na! Good luck!" may halong pagyayabang ni Rael

Tumango na lang ako at saka inayos ko muna ang buhok ko, syempre inalis ko iyong fake pustiso ko. Sayang naman iyong ipinagpagawa ni Mommy sa akin iyon kung masira ko lang hihi.

"Bakit mo naman inalis yang pustiso mo?" tanong ni Zyra.

"Baka masira, pagalitan pa ako ni Mommy e haha at saka sayang kapag nasira ko lang dahil sa taekwando class ko haha" sagot ko sa kanya.

"Bakit iyong salamin mo hindi mo inalis baka mabasag yan?" dagdag niya.

"Haha hindi yan mababasag, tiwala lang!" nakangiting tugon ko ulit.

"Okay. Good Luck!" banggit niya ulit.

Tumango na lang ako at nagthumbs up din.

Tinawag na nga ko ni teacher Dunkan.

"AC VS. Evan!" announce ni teacher Dunkan sa lahat.

Weh? Talaga bang siya kakalabanin ko? My goodness! Sa kanya pa talaga! Kalokohan!

"Start!" cue ni teacher Dunkan.

Nagbow muna kami sa isa't isa.

"Pangit! Alisin mo yang salamin mo baka mabasag ko. Umiyak ka pa dyan!" mayabang na saad ni Evan sa akin.

"Yabang! Akala mo kung sinong magaling, hindi porket kasama ka dyan sa Mhorfelle Gang hindi na kita kayang patumbahin!" sabi ko sa isip ko.

MHORFELLE GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon