(40)

374 9 0
                                    

EVAN'S POV
Garden. Nakita ko lang siyang nakaupo sa damuhan sa ilalim ng matandang Acacia. Nagbabasa ng paborito niyang libro at suot niya pa din ang eyeglass na regalo sa kanya.

"Hi." bati ko sa kanya nung makalapit ako sa harap niya.

Tinignan niya ako at pinagpag ang tabi niya.

"Maupo ka." saad niya.

"Salamat. Bakit mo nga pala pinatawag?" pagtatanong ko.

Napansin kong nagbabasa ulit siya.

"Hmm?" Winter, at binaba ang libro sa hita niya.

Hinintay ko lang ang sasabihin niya sa akin.

"Alam kung ikaw ang naghatid sa akin sa kwarto ko at sinabi sa akin ni Heart. Curious lang kasi ako sa sinabi niya sa akin kanina." Winter, at nakatingin sa malayo.

"Ang ano naman?" inosente kong tanong sa kanya.

"Na namumula ka daw." Winter

"Ha?" Me, naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

Uminit ata dito, ngayon?

"May nasabi ba ako sa'yo kanina habang tulog ako? Hmm, sleeptalk parang ganon?" Winter (awkward)

"I love you."
Nananaginip pala siya kanina at nagsleeptalk. Pero iyong pagkakasabi niya ay totoong-totoo at ramdam na ramdam ko.

"W-wala." Me (awkward)

"Tsk. Meron. Huwag nga ako lokohin at hindi ka naman basta namumula kung wala akong nasabi. Diba?" Winter (mataray)

Napatingin ako sa kanya at ngumiti, "ang talas talaga ng pandama mo" ...nakangiti siya sa kawalan tila may iniisip.

"Alam mo napapaisip pa din ako hanggang ngayon sa sinabi mo sa akin noong kaarawan ko." Winter (sweet smile)

"Na mahal na kita at willing akong maghintay sa'yo. Totoo ang lahat nang sinabi ko sa'yo at hindi ko kayang magsinungaling sa nararamdaman ko para sa'yo." Me (serious & sincere)

Nakatingin lang ako sa nakangiting mukha niya.

"Alam ko. (Pause) I see it through your actions, Evan. First time lang kasi na may nagkagusto sa akin. Medyo awkward lang sa akin noong una. Pero salamat kasi nakikita ko ang mga efforts mo para iparamdam sa akin iyon araw-araw. And I appreciate all your efforts, Evan." Winter

"Bakit mo biglang binanggit ito sa akin?" nagtatakang tanong ko.

"Nasabi na sa akin ni Kuya JAM ang usapan niyo tungkol sa feelings mo para sa akin. At may tiwala siya sa'yo at kampati siya sa nararamdaman mo para sa akin. Alam kong overprotective siya sa akin, lalo na sa mga boys na umaaligid." Winter

"Alam ko. (Napatingin ako sa mata niya) Dahil ganun din ako kay Scarlett pero alam kong wala akong magagawa sa kanila ni Xian. Nararamdaman kong mahal niya talaga ang kapatid ko at hindi niya kayang saktan iyon. Alam niyang masisira ang pagkakaibigan namin kapag ginawa niyang saktan ang kapatid ko. Ganun din ang nararamdaman ni Jun para sa'yo." seryoso kong paliwanag.

Naging tahimik kami matapos kong sabihin sa kaya iyon. Ngunit binasag niya ang katahimik at nagulat ako sa sinabi niya.

"Weird man itong sasabihin ko sa'yo, pero aaminin kong never pa akong nagkagusto sa isang lalaki o maexperience ang isang relasyon at hindi ko alam ang tinatawag niyong 'LOVE'. Pero parang alam ko na ngayon. Ay! HAHA! Hindi pala, kundi nararamdaman ko na iyon sa isang tao. I think I love him already." nakangiti saad niya at nakatingin sa akin.

MHORFELLE GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon