(29)

373 7 0
                                    

JOE'S POV
Name: Joe Manoban
Nickname: Joe
Age: 17
Codename: Happy
Rank: 7

Makalipas ang isang linggo magmula nung gang war ay kapansin-pansin ang pagiging istrikto ni Miss AC sa pagtraining at puspusang pagpapahirap.

Hindi na din niya kami madalas kausapin at seryosong seryosong siya sa bawat training na ginagawa namin.

Minsan ay narinig ko silang nag uusap nila Graziella at Aubrey habng breaktime namin sa training, at ramdam ko ang galit sa aura niya habang nakikipag usap sa kanila.

Flashback...
"Aom ko, seryoso natin ha? Nabibigla silang lahat sayo e." Graziella

"Wala akong pakialam." AC

"Dahil ba sa nangyari sa kanila nung nakaraang gabi?" Graziella

Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa kanya.

"Ella, pabayaan mo na muna siya. At alam mo naman na kahit ikaw ay apektado sa nangyari sa kanila. Para kasi nasayang lahat ng improvements nila at efforts natin sa pagtuturo dahil doon sa gang war na kinasangkutan nila." Aubrey

Napatahimik si Graziella.

"At Leen, sana huwag ka naman ganyan sa kanila.. nasabi naman nila hindi sila nakapagready at nabigla sa nangyari." Aubrey

"Tsk." AC, tumayo at umalis sa table nila.
Flashback ended...

"Sunday na pala ngayon, walang training at malapit na din ang halloween pati ang pagpasok namin sa attic! Hihi singit ko lang. Exciting! Mag-eenjoy ako!"

Sa living room..
Kanya-kanya kaming pwesto sa couch.

"Hindi ko enjoy ang training natin kapag seryoso si Noona (sigh)" Ritchie

"Affected talaga siya sa nangyari sa atin (pout)" Blue

"Pati sila Graziella at Aubrey ih nadamay." AJ (malungkot)

"Kulang na lang bugbugin tayo ni AC kapag training." Genesis

"Alam niyo mga pare, kailangan talaga nating bumawi kila Aubrey at Graziella lalo na kay AC." Matt

"Paano naman tayo babawi sa kanila?" Rage

"Public apology?" Uno

"Baliw ka ba Uno!? Public apology ka dyan! Hindi naman nila alam na trainor natin sila AC. Puwede naman tayong magsorry na lang." saad ko sa kanya.

"Nagawa na natin yang last time, Oo tinanggap nila pero anong nangyari? Ramdam naman natin nadisappointment sila sa nangyari sa atin kahit pa lumaban tayo at marami lang talaga sila. At isa pa Uno, tama si Joe sa sinabi niya dahil tanging sila mommy lang ang nakakaalam sa ugnayan natin sa tatlo at kapag nalaman ng lahat, sure naman ako ibubully sila na mga 'Fans' o tagahanga natin." Jun (crossed arm)

"Daanin kaya natin sa kantahan ang paghihingi ng sorry sa kanila at sayaw." Xian

Kapansin-pansin ang hindi pagsali ni Evan sa usapan namin at mas napansin kong malalim ang iniisip niya.

"Ano namang masasabi mo Evan?" pagtatanong ni Xian.

Pero hindi niya pinansin si Xian at nagpunta sa Garden.

"Anong nangyari dun?" Uno, at nakaturo sa kakaalis na si Evan.

Nagkibit-balikat lang si Xian.

"Sundan ko muna iyong drama king natin." Jun, at umalis din.

Pero bago pa makaalis si Jun ay narinig ko ang bulong niya...

"Parang babae talaga 'tong si Evan, tsk!"

At natawa naman ako kay King Jun HAHAHA!

"LODI KA TALAGA KING! HAHA!"

JUN ARIN'S POV
Sa Garden...
Nakita ko si Evan na nakahiga sa damuhan na may malalim na iniisip. Umupo ako sa tabi niya.

"May problema ka ba?" pagtatanong ko habang nakatingala sa langit.

"It just that... someone is bothering me." Evan

"Someone's bothering you? The who??"

"The girl who helped us with Larthon's gang."

"Pero wala naman akong nakita bago ako nawalan nang malay at pagkagising ko nasa kwarto na ako... at nakagamot na din ang lahat ng pasa ko, ganun din ang nangyari sa inyo."

"Ako ang nakita sa kanya bago ako nawalan ng malay, all black outfit siya, boses babae siya base sa narinig ko at dark gray siya tulad ni AC, pero hindi ko nakita ang mukha niya dahil natatakpan ng mask ang buong mukha niya maliban sa mata niya."

Napatingin lang ako sa kanya at sa langit.

"Pero ang pinagtatakahan ko, sa boses, sa mata, sa tindig, at sa galaw ay parehas na parehas sila ni AC at nagtaka ako kasi kinabukasan nung gang war ay nandun sa siya, at siya din ang nag-asikaso nanggising at naghanda ng pagkain. At nakita mo na ba iyong kwintas niya silver na Baymax ang pendant na lagi lagi niyang suot?"

"Oww,, iyong weird na kwintas? Oo, bakit?"

"May suot din ganun iyong tumulong sa atin."

"Akala ko kasi ay ako lang ang nakarinig sa kanya pati din pala ikaw, nasabi din niyang 'Dark Winter' ang tawag sa kanya."

"May connection kaya siya kay AC? O siya talaga yon? Nahihiwagaan din kasi ako kay AC dahil sa sinabi niya bago naging treatment niya sa atin. Na 'Be safe and take care. You and your friends will find out who I am so soon.' daw, parang may pinapahiwatig siya na hindi ko maintindihan."

Napaisip din ako sa sinabi niya.

"Sino ka ba talaga AC at anong pinapahiwatig mo kay Evan? Mayroon ka ba talagang tinatago sa amin? O kung konektado ka talaga sa amin ng hindi ko alam?"

SOMEONE'S POV
"Mapapadali na ata ang pagtatago ng katauhan ko Hot Summer? Malapit na nila akong mahuli at kaunting mali galaw ko ay mabubunyag na ang lahat sa akin."

"Huwag kang mag alala, Dark Winter. Dahil lagi kaming nakabantay sayo ni Hot Summer kahit saan ka magpunta." nakangiti tugon ni Lady Kim.

Ngumiti din si Hot Summer sa akin at ganun din ako sa kanila.



Author's note:

Abangan ang susunod na kabanata!

Malalaman na ba kung sino ang twin sister ni Jun Arin?

Sa mga puzzle pieces na nalalaman nila kay AC ay mabubuo na ba nila ang misteryong itinatago niya?

Tuluyan na bang may lalabag sa rule 5? Anong parusa ang nakalakip dito?

Sino nga ba si Dark Winter? At anong connection niya sa dose? Bakit niya tinulungan ang mga 'to?



To be continue...

MHORFELLE GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon