(50) HOW FAIRYTALE ENDS

382 7 0
                                    

AOM'S POV
It's been a month since when we arrived here in England. It was my peaceful place and safest, too.

Tulad ng pagpunta namin dito ay marami kaming adjustment lalo na sa klima.

Halos gabi-gabi ko ding napapanaginipan ang pagkakakuha nila sa akin at ang paulit-ulit na paghingi ng tawad kay Evan, simula noong magpunta kami rito. Alam kong hindi mapanatag at mapalagay si Evan na okay ako sa kabila ng gabi-gabing bangungot kaya sa kwarto ko siya laging natutulog at hindi naman umangal si Kuya JAM.

Ang necklace kong Baymax ay kinabitan nila ng isang maliit na device na matritrace kung saan at sino kasama ko.

Normal ang lahat at masaya ang pamamalagi namin doon. Ngunit ang araw na ito ay naging kakaiba. Na parang may isang mapaminsalang unos na parating.

Nasa isang resto kaming lahat para ipagdiwang ang kaarawan ni Evan. Masaya at naging maayos ang lahat. Ngunit noong pabalik na kami sa sasakyan ay may humila sa aming dalawa ni Evan dahil kami ang nahuhuli at hindi nila iyon napansin pati ang mga bodyguard na parang kasabwat nila.

* b l a c k *

THIRD PERSON'S POV
Nagkagulo ang lahat ng mapansin nila hindi nakasunod sila Aom at Evan sa sasakyan. Naghanap silang lahat sa buong paligid ngunit ni isang bakas nila ay wala.

Naalarma ang buong mansion at ang buong angkan ng Mafia, Assassin, at Gangster dahil sa biglang pagkawala ng dalawa. Sapilitang umuwi ang grupo sa mansion at sinubukan nila ang trinace kung nasaan ang dalawa. Hindi naman nabigo ang grupo at ipinaalam nila ito sa lahat. At naghanda sa pagsugod sa unos.

"Mom, ihanda ang lahat at susugod na tayo. Babalik na kami ngayon sa Manila." malamig na saad ni Jun Arin sa kanyang ina.

Nasaan nga ba sila? At sino ang possibleng kumuha sa kanilang dalawa? Matutuloy na nga ba?

AOM'S POV
Nagising ako sa isang madalim na kwarto. Masakit aking katawan at nakagapos ang mga kamay patalikod at mga paa ko habang nakahiga sa isang kama. Samantalang, si Evan ay nasa aking gilid na walang malay at nakagapos din.

Gumapang ako palapit sa kanya at sinubukan ko siyang kalabitin gamit ang kamay pero hindi ko maabot kaya sinipa ko siya.

"ANO BA! NATUTULOG AKO EH!" sigaw niya.

"Hoy Evan! Gumising ka dyan! Nahuli nila tayo!" sigaw ko pabalik.

Napalingon siya sa akin. Nakita ko ang mga mata niyang mapupungay at pagod.

"Teka? Nasaan ba tayo? Paano tayo napunta dito?" naguguluhang tanong niya.

"Hindi mo ba matandaan na may humila sa atin nung pabalik tayo sa sasakyan." tugon ko.

"Anong gagawin natin?" tanong niya at napatingin sa ayos ko. "Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Namumula ka." nag-alalang tanong niya.

"Ayos lang - - -" ngunit naputol ang isasagot dahil sa pumasok at parehas kaming napalingon sa pinto at sa mga taong nakatayo roon.

"Magandang umaga, mahal na prinsesa at pinakamamahal kong prinsepe!" nakangising bati ni Rylie.

"PAKAWALAN MO KAMI!" galit na sigaw ni Evan.

"Sorry prinsepe ko, pero hindi kita mapapagbibigyan dyan." At lumapit siya kay Evan at hinawakan niya sa pisngi pero umilag ito at dinuraan siya.

"What the fuck!" At nagsalubong ang kilay niya.

Umatras at lumayo siya kay Evan habang nagpupunas.

"Serve you, bitch!" Evan exclaimed. At nadidiri tumingin kay Rylie.

MHORFELLE GANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon