"Faith, ingat ah?" ngumiti naman ako sa ka-block kong si Felipe.
"Itext na lang kita mamaya kapag hindi ko natapos, Felipe."
"Puntahan na lang kita sa inyo. Ano? Game?"
He's a happy go lucky type of man. Pero yun nga lang, masyado siyang obvious sa mga motibong pinapakita niya.
Nag oo na lang rin ako dahil ipu-push niya iyon. Nagmamadali akong puntahan si Brett sa kanila dahil may sakit ito. Dalawang araw na siya hindi nakapasok dahil sumasakit ang ulo niya at sobrang taas ng lagnat.
Nagpaulan kasi sila noong isang araw sa kakalaro ng basketball.
When I arrived at their Inn. Bumati naman ako sa mga trabahador nila doon.
"Nako Faith! Iyong alaga mo, kanina pa naiinis sa kakahintay." sabay tawa ng ninang ko na nagtatrabaho dito.
Ang tigas talaga ng bungo ng lalaking iyon.
Sakto naman na sasakay na ako ng elevator ay lumabas doon si Brett. Nakakunot ang noo niyang tiningnan ako.
"Ba't ngayon ka lang?" tanong nito. Hinawakan niya naman ang kamay ko at iginaya papasok sa elevator.
"May tinapos pa ako. Sabi ko sa'yo magpahinga ka na lang diba? Pupunta naman kasi ako, Brett."
"I don't like waiting, Faith. If I can go with you, I will go."
Stubborn!
Reklamo ng reklamo si Brett na sobrang sama na ng pakiramdam niya.
"Ano ba! Kapag sasabihin kong uuwi na ako, rereklamo ka naman. Ayaw mo ba akong umuwi, Brett?" taas kilay kong tanong.
Dumating na si tito Mar ay hindi pa rin ako nakauwi. Tinetext na ako ni Mercy kung saan daw ba ako matutulog.
"You know how smitten my son is, Faith. Hayaan mo na." ngumisi naman si Brett.
"Thanks dad. You're the best." sabay halakhak pa nito. Kahit si tito Mar ay mas lalong natawa.
Me:
Dito na lang muna ako matutulog sa kanila ni Brett. Masama kasi ang pakiramdam, hindi ko maiwan. Pakisabi na lang kay mama at papa.
Mercy replied okay at wala naman daw problema kay mama at papa. Mabuti at sabado bukas.
"Brett, pahiram muna ng laptop mo. May titingnan lang ako." hinalungkat ko naman ang flashdrive sa bag ko. Tataposin ko muna ang gawain namin ni Felipe.
I opened Brett's laptop and typed the password. Ewan ko talaga sa lalaking to, lahat ng password na meron siya ay pangalan ko o di kaya tungkol sa akin. The PIN on his phone is my birthdate. Ang desktop wallpaper niya ay ako na nag su-surf board. He is so damn obsessed and the feeling is mutual.
Bago ko simulan iyon ay naglinis muna ako ng katawan. Brett lend me his big shirt and boxer shorts. Habang nakasandal ako headboard, hiniga naman ni Brett ang ulo niya sa hita ko medyo malayo naman ang laptop sa akin dahil sa pagkakahiga niya. He is looking at the laptop, minsan naman ay nanunuod siya sa cellphone niya.
"Nagugutom ka ba, Brett?" tanong ko.
"I'm good. You?"
"Okay lang. Busog pa ako." inalis ko naman ang kamay ko sa laptop at dinampian ang noo at leeg ni Brett.
"Hindi ka na masyadong mainit. Masakit pa ba ulo mo?"
"Hmmm. No. Because you're already here." tiningala niya naman ako at ngumiti. Parang natunaw ang puso ko sa ginawa niya.
Brett Aldrin Hernandez is the highlight of my lowlife.
I was done and sent the file to Felipe. Alas onse na iyon ng gabi at ganoon pa rin ang pwesto ni Brett. Umaalis lang siya kapag nagrereklamo na ako na nangangalay ang binti ko.
Felipe:
Mag o-offline ka na ba, Faith? Sandali lang, babasahin ko. Iyong gawa ko basahin mo na rin ngayon.
And then he attached the file.
Me:
I downloaded it. Bukas ko na lang babasahin.
Felipe:
Awts :( ngayon na? Please? Antok ka na ba?
What's with him? Mag re-reply pa sana ako ng bumaling si Brett sa akin. Umalis naman siya sa pagkahiga sa binti ko at kinuha ang laptop niya sa akin. He was the one typing a reply. Kahit anong pilit kong kunin ay hinaharang niya lang ang kanyang braso.
"Brett! Tigilan mo yan. Wag mo na ngang patulan." sabi ko.
Sobrang seloso talaga nito. As if naman mawawala pa ako sa kanya.
Sawa ka na ba sa buhay mo ah? Stop chatting my girlfriend. Mababangasan kita sa lunes!
Felipe:
Ikaw ba 'to Brett? :D
"Wag mo na ngang replyan!" tiningnan niya naman ako. "Isa!" hindi naman ako nagpapatalo kay Brett sa ganitong bagay. There's nothing wrong when Felipe's chatting me, ang mali lang doon kung mag re-reply ako at magibigay rin ng interest. And that would never happen. I am so in love with Brett to give interest to others. Sapat na si Brett sa akin.
"Tsss..." Brett logged out my account. He shut down his laptop at malakas iyon sinara. Kulang na lang itapon niya iyon. Kinuha ko ang laptop sa kama na nilagyan niya at tinabi ito sa side table. Tumalikod naman si Brett sa pwesto ko.
"Brett." I called for his attention.
"Night, Faith." pinasok niya naman ang katawan niya sa kumot.
"Ganyan ka ba kapag nagkasakit? Nagseselos?" humiga ako at niyakap siya. Sobrang dikit ng katawan ko sa kanyang likod.
"If you're seducing me. Faith, I am telling you. Kahit may sakit ako, kaya ko pa rin paungolin ka." malakas ko naman siyang kinurot sa tagiliran. Tawa naman siya ng tawa. Inalis niya ang kumot at humarap sa akin.
I pouted. Brett gave me a smack.
"I love you so much, Faith. Mahal na mahal na mahal na mahal kita." siniksik naman ni Brett ang ulo niya sa leeg ko. Nakikiliti naman ako.
He gave me kisses on my neck and all I did was grip on his shirt.
"Br-Brett."
"Sorry. I can't help it. Mahahawaan ka ng sakit ko." ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.
There will come a time in your life when you will become infatuated with a single soul. For this person, you'd do anything and not think twice about it. But when asked why, you have no answer. You'll try your whole life to understand how a single person can affect you as much as they do. But you'll never find out. And no matter how badly you hate it or how badly it hurts, you'll love this person without regret, for the rest of your life.
"I love you so much, Faith." Brett smiled at me and that smile made me fall again and again. Possible pala na ma in love ka ng ilang beses, pero masarap sa pakiramdam kung sa iisang tao lang.
"I love you too so much, Brett. So much."
And again, Brett flashed a genuine smile. A smile that will be forever in my mind and memory.