Faith
I dreamed about me and Brett. Kahit sa loob ng apat na taon, siya na lang palagi kong pinapanaginipan.
Sa panaginip ko, kinasal na raw kami at masaya kami ni Blythe na tatlo. Hindi ko alam pero nasasktan ako. Kasi alam ko hanggang panaginip na lang iyon.
"Faith!" I slowly opened my eyes.
Nasilaw naman ako ng binuksan ko ito. All what happened flashback.
Mrs. Veronica Hernandez!
"Faith!" akala ko guni-guni ko lang ang pagtawag ni Brett sa akin ng nahimatay ako. But now it feels surreal.
"Faith..." nararamdaman ko ang pagngangatog ng binti ko ng haplosin niya ako. Ilang beses akong napakurapkurap ng tiningnan siya. Lumalabas lang ang luha sa mga mata ko.
All the decisions I made- backfired.
The doctor checked me up and here we go again with the operation.
"Hindi nga po ako magpapa-opera, ma." pagod ko ng sabi.
I know I am hurting their hearts. Umiiyak si Mercy sa gilid at niyayakap ako. I know she's sacrificing so much for me and for our family. Kahit sariling kasiyahan niya ay hindi niya binibigyan ng pansin para sa amin.
She is the sister everyone could ask for.
The room filled with silence. Lumabas si mama, papa, at Mercy. Sabi nila si Kayla daw nagbabantay kay Blythe.
Paano nila sabihin iyon na andito si Brett sa loob? Alam kaya ni Brett? Sinabi nila kay Brett?
He was standing in my side with cross arms. His jaw clenched.
"Faith." hindi ko alam ang sasabihin ko na andito na siya ngayon sa harap ko. Where should I start? Say sorry first and tell him about Blythe? Cross the confession part because it's impossible.
"Look at me...." naging matigas ako. Binibiyak ang puso ko kung titingnan ko siya! I longed for him.
"FAITH!" napapikit naman ako.
Hindi ba dapat wala siya dito? Hindi ba dapat umalis siya? Kung galit siya sa akin at alam na niya tungkol kay Blythe, dapat kinuha na niya si Blythe sa akin. Isa rin ba siya sa mga taong hindi maniniwala na anak niya sa Blythe? Bakit? Dahil apat na taon na ang nakalipas?
He took a deep sigh and went closer to my bed. Tinukod niya ang dalawang kamay sa gilid para lumebel sa akin. Gamit ng isang kamay niya, hinawakan niya ang baba ko at pinatingin sa kanyang pwesto.
He became more matured. His body became matured. Sa apat na taon ilang babae kaya ang napaibig na niya? Ilang girlfriend na kaya ang nagkaroon siya? Mahal pa ba niya ako? O awa ito? Guilt dahil sa ginawa ng kanyang mommy?
He closed his eyes and bit his lower lip. Kung kanina hindi ko kayang tumingin sa kanya, ngayon hindi ko maalis ang titig ko. Only God knows how much I miss him.
"Dapat galit ako sa'yo, Faith..." unti-unting natunaw ang puso ko.
"Brett..."
"I want to hear everything from you. Faith. Please." unti-unting tumaas ang kamay ko at pinunasan ang luha na tumulo sa kanyang mga mata.
I don't know what battle he have been through. Hindi ko alam ang nangyari sa buhay niya sa apat na taon, hindi ko alam ang mga pinanggagawa niya. I made Blythe as the center of my life. Hindi na ako umasa pa na magkakaroon ng panibagong boyfriend kasi alam ko si Brett lang ang mahal ko at mamahalin ko.
"Faith, I want to hear it from you." masakit ang umalis pero hindi ko alam na masakit rin pala ang pagbabalik.
"I'm sorry..." iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya.
He gasped and shook his head.
"Brett, sorry... H-Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Brett..."
Maraming tao ang tinatanong at sinisisi sa Panginoon ang nangyayari sa kanilang buhay. Noong una, puros bakit rin ang tumatakbo sa isip ko. Pero ng nakita ko si Blythe, nahawakan, nahagkan, nasagot ang mga bakit sa buhay ko. Dumating si Blythe kasi hindi para sa akin si Brett. Dumating si Blythe para magkaroon ng kulay at rason para mabuhay pa ako.
"Noong naduduwal ako, hindi ko alam na buntis ako nun. Pinuntahan ako ng mommy mo sa bahay para bumisita, pero iyon ang naabotan niya. Ng nalaman niyang buntis ako, nagalit siya Brett. Sisirain daw kita, ilalayo kita sa magandang hinaharap na nagaabang sa'yo. Tama naman kasi ang mommy mo, wala akong ibubuga Brett. I am just living in an island, my parents have small income, walang kapantay iyon sa inyo." his jaw clenched.
Nakatayo pa rin siya sa gilid at nakaekis ang mga braso. His eyes were red, at sa oras na yun nakakatakot siya. Hindi ko mabasa kung galit siya o ano.
"Ilang beses niya ako sinabihan na layuan ko but I was stubborn. Hindi ko kaya... Brett mahal na mahal kasi kita... Ayaw ko ring ipagkait sa anak natin ang buhay niya."
"But you did!" he looks like a time bomb waiting for a perfect explosion.
"Brett! Binantaan niya ang mga magulang ko!" may idudugtong sana ako pero hindi ko kaya. Ni hindi na lumabas sa mga bibig ko.
"Faith, alam mo! Alam mong kaya kong suwayin at kalabanin si mommy para sa'yo! But you were selfish!" sigaw nito. Lumalabas ang mga luha sa kanyang mata.
He is still in pain! Parang pareho namin binuksan ang isang sugat na presko pa para sa amin.
"Ayaw ng mommy mo sa akin Brett! Ayaw niya sa anak natin! Ayaw na ayaw niya! Hindi niya tatanggapin si Blythe!" sa apat na taon, pilit kong pinaniwala ang sarili ko na tama ang naging desisyon ko, pero ngayon sinampal na talaga ako ng katotohanan.
Leaving Brett was never right. It will never be right.
Pero ano pa magagawa ko? Tapos na yun! Wala na yun! Hindi na pwede! Mamamatay na rin naman ako!
"Brett, dalawa ang hiling ni Blythe sa akin... Makakita siya at makilala ka..."
"Ipapagmot ko si Blythe, Faith."
"I want her to see the world with my eyes." he shook his head and walked beside me. Lumebel siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Alam kong galit pa rin siya, pero hindi ko alam bakit nagkakaganito siya!
"Do you think I will allow that to happen? Fuck it! Four years, Faith! Four fucking years were separated! Tapos ngayon eto na naman?!"
"Matagal na yun, Brett! Wala na tayo! Blythe's my priority! Not myself!" suminghap naman si Brett at napahilamos sa kanyang mukha.
"How about me?! Never been in your priority and never will be! How can you be this cruel Faith? Tangina."
I guess I'm just a mess and maybe I'm just bitter. But I know my head's a storm and my chest is empty.
"I set aside- No... I decided to forget my anger towards you, Faith. Apat na taon ang lumipas hindi ko pa rin magawang magalit kung andiyan ka. You are my everything Faith, you are always my number one."
"I never asked you for that." mahinang sabi ko at yumuko. Tiningnan ko naman ang kamay ko para maiwasan ang mga mata niyang nagaapoy sa galit.
"Damn it! Yun nga! Hindi mo man lang hiniling, pero kusa kitang pinatawad! Kasi tangina, Faith. Kung ikaw na sa pwesto ko, hindi mo makakayang magalit sa babaeng mahal na mahal mo kahit iwan ka nito. All I wanted for you is to come back, and now that you're back, fuck, what a surprise attack." mabilis na tumalikod si Brett at umalis sa harap ko. Mas lalo lang nagsilabasan ang mga luha ko ng malakas niyang sinara ang pinto.
Why I am always torn between two decisions?