Kabanata 30

462 10 0
                                    

"Blythe! Bilis na! Mahuhuli na tayo sa misa!" tawag ko sa kanya. She was busy following the dance steps she's seeing on TV.

"Blythe! Isa!" hinihintay ko naman siya matapos para tulongan siya sa pagsuot ng kanyang sapatos.

Hinihintay naman kami ni Brett sa baba ng lobby. We are going to attend the Christmas Eve service together with my family and his.

Blythe pose and clapped her own hands for her performance.

"Nanay! Can we watch their concert?" she asked me.

"Suotin mo na to." ngumuso naman ito at umupo sa couch.

She kept on singing hanggang sa bumaba na kami.

We are staying in their pad for the mean time.

"Ba't ang tagal niyo?" tanong ni Brett.

"Nag concert pa kasi ang anak mo." he smiled and placed his arm on my shoulder.

"Asking to watch her favorite boy band's concert." dagdag ko. Tinginan naman namin si Blythe na tumakbo para makalapit sa lolo at lola niya na naghihintay.

"By the way, we'll be flying to Manila on 27. Babalik lang tayo sa 30. May kailangan lang akong asikasohin doon."

"We really need to go?"

"Of course, babe. You told me to go wherever I go." paalala niya sa sinabi ko sa kanya noon. Napailing naman ako. His possessiveness is getting into a new level.

When we arrived at the church, may mga taong lumapit at bumati sa amin. Kinamusta ang kalagayan ko at nagtanong tungkol sa kay Blythe. May mga nakita rin kaming ka-klase ko simula noong high school hanggang college.

"Faith!"

"Donna! Umuwi ka na pala?" humalik naman ako sa pisngi ng kaibigan ko.

Nauna naman sila Brett sa pwesto namin kung saan andoon na mga magulang ko.

"Oo! Ilang taon rin ako doon! Noong umuwi lang ako ng nalaman kong naghiwalay pala kayo ni Brett ng matagal na taon." ngumiti naman ako sa kanya.

"Pero engaged na kami ngayon." she smiled back and nodded.

"Of course! Dapat lang. Sa dami ba naman ng pinagdaanan niyo, doon dapat talaga mapunta yan."

We talked a little more and went to our seats. Magkatabi naman kami ni Brett na dalawa dahil katabi ni mama at tita Veronica si Blythe.

Hindi naman mapakali si Blythe habang nagmimisa. Minsan ay nag-iingay pa ito at kinakausap ang mga lola niya. Mama kept on hushing her pero makulit pa rin.

"Blythe." mahinang tawag ko.

She just smiled at me and still continued to do her thing. But when Brett called her, tunahimik na ito. Umalis siya sa inuupuan niya at nagpakandong kay Brett.

When the mass was done, nakihalubilo pa sila mama sa ibang tao. Pumunta naman kami nina Brett at Blythe sa mga tinda sa labas ng simbahan.

"Tatay, gutom na ako." reklamo nito.

"Ba't ba ang pasaway mo ngayon, Blythe?" tanong ko.

"Hindi ah. Diba, tay? Hindi naman."

I bought bibingka for Blythe because she wants to try it.

"Ito na ba iyong anak niyo Brett? Aba ang laki na ah!" ani ng tindera. Noong college pa lang kami ay nagtitinda na siya ng bibingka dito sa labas ng simbahan, ngayon na may anak na kami ni Brett ay andito pa rin siya.

Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon