Isang malakas na sampal ang nakuha ko kay Mrs. Hernandez.
"I knew it!" sabi nito na parang nagwagi at tama ang kutob niya.
Ano ang sasabihin ko sa kanya? Sorry dahil hindi namin sinasadya ni Brett? But no! Being pregnant will never be an accident. Hindi ko nga maintindihan ang mga tao, kapag nabuntis sasabihin, aksidente lang. Kapag nanganak na sila sa aksidente kuno sasabihin blessing naman ito. Being pregnant and already holding your child is both a blessing. This is my blessing, Brett's blessing, our blessing.
Mrs. Veronica Hernandez slapped me again. Napaatras na ako sa mga bawat sampal niya. Bawat sampal na binibigay niya ay may hinanakit ito.
"You took my son away from me! And you will take his future away too, Faith! Alam mo yun ah?! You are both nineteen!" her last slap was really the most painful one. Nakayuko lang ako at tinatanggap ang mga bawat sampal niya. Ilan na ba ang sampal nagawa niya? Ten? Eleven?
From that moment, I already knew, she really hates me to the core. Sa oras na iyon, tanggap na tanggap ko na na ayaw na niya sa akin. Kung noon masisikmura pa niya ako, ngayon hindi na.
"T-Tita, I.. I am sorry..."
"Tita?! You don't'call me that! You have no rights to call me that!"
My heart and mind screaming for Brett. Asan na ba siya? Siya lang makakatulong sa akin dito!
"Wala kang delicadeza, Faith!" Mrs. Hernandez held my both arms. Sa sobrang higpit nito ay hinid ako makagalaw. Patuloy lang sa paglabas ng luha sa mga mata ko. Nanlilisik ang mga mata nito habang tinitingnan ako.
She shook me.
"Leave my son, Faith. You and your child will never be welcome in my family." bahagya niya akong tinulak. Nakahawak naman ako sa mesa bilang supporta. She turned her back at me and walked like nothing happened.
I have my own choice. Pwede ko siyang isumbong kay Brett kung gusto ko, pwede kong sabihin kay Brett ang ginawa niya. After all, Brett is the father of the child inside me! He has all the rights.
I cried it all out. Para akong kawawang bata na nakaupo sa gilid ng mesa at sobrang lakas ng iyak. Parang nawalan ng buhay, parang pinagkaitan ng mundo.
"Faith!" Mercy shouted as she saw me. Mabilis ang kanyang takbo at dinaluhan ako. Umupo rin siya sa harap at niyakap ako.
"Faith? Ano nangyari? Faith?" hindi ko siya masagot.
I just need a support system.
Maybe Mrs. Hernandez was right. I just ruined Brett's future. Magkakaanak kaming dalawa, and this mean, Brett will be responsible father. His responsibility being a student and a son will be taken away. Iyon ang kinagagalit ng mommy niya!
Isa sa mga pangarap namin ni Brett ang magkapamilya. Iyon ang pinag-uusapan namin palagi, ngayon andito na. Magkakaanak kami but I don't have the power to go against his mother. Talo ako, alam ko iyon. Nanay siya ni Brett, bilang ina, gusto niya protektahan ang kinabukasan ng anak. Brett will handle their Inn at Brett doesn't belong in this place, according to her. Para kasi sa kanya, Manila ang totoong tahanan ni Brett, doon si Brett makakakita ng babaeng bagay sa kanya. Kaya siguro ayaw na ayaw niya sa akin dahil taga isla ako, walang ibubuga, walang kaalam-alam sa negosyo.
"Faith... Ano nangyari? Sabihan mo ako. Faith..."
"Mercy..." all I did was hug and cry into my sister. Hindi ko alam ang gagawin ko. I was torn between two choices.
Fight for my right? Or just turn my back because his mother was right?
I love Brett very much. Kahit mga tao dito, alam na alam iyon. Kahit ang mundo, saksi sa pagmamahal ko kay Brett.
"Faith. Bakit ka umiiyak? Ano nangyari? Sabihan mo naman ako oh! Faith!" umiiyak na rin ang kapatid ko. Hindi ko magawang sabihin sa kanya. Dinala ako ni Mercy sa kwarto namin, pagdating doon ay humiga ako at tumalikod sa kanya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang masasakit na sampal ni Mrs. Hernandez sa akin.
"Faith naman!" inalog-alog naman ako ni Mercy.
Everything heals. The body heals. The heart heals. The mind heals. Wounds heal. The soul repairs itself. The happiness is always going to come back. Bad times don't last.
"Mercy, buntis ako." parang bulong kong sinabi. Hindi naman ganoon ka ingay ang kwarto. Hindi rin ganoon kalayo si Mercy sa akin.
I just stared at the wall beside me where Brett's picture posted there. My tears started to fall again.
"A-Ano?"
"Bu-Buntis ako..." ulit ko. Bumaling ako sa kapatid ko at mukhang bigla pa ito. Hindi alam ang sasabihin, nakatingin lang sa akin na para bang hindi naniniwala.
"F-Faith... K-Kaya ba... Ka-Kaya ba galit na galit kong nasalubong si Mrs. He-Hernandez?"
"Hindi niya raw ako matatanggap at ang magiging anak namin ni Brett sa pamilya niya. Kahit ang anak na lang sana ni Brett tanggapin niya diba? Pero hindi eh. Galit na galit siya. Gusto niyang iwan ko si Brett."
"Faith..." I saw how my sister pitied me. Niyakap niya ako ng sobrang higpit dahilan ng pag-iyak ko na naman.
Why we fall in love with people we can't have? I mean. I got Brett Aldrin Hernandez! He is my greatest love. I got him. Pero may parte sa kanya na hindi ko makuha, may parte sa kanya na mahirap pa rin abutin, may parte sa kanya na hindi ko matatanggap. Funny because that part of him- is the person who labored and gave him life.
I wanted to be stubborn. But the question is, hanggang kailan? Hanggang saan ang makakaya ko kalabanin ang mommy ni Brett?
Nagising ako dahil sa paulan na halik sa mukha ko. Kung normal na araw, tatawa ako o kikiligin. Pero hindi. Mas lalo lang sumakit ang puso ko.
"Hi!" bati ni Brett. I forced a smile.
"A-Anong oras na?" mahinang tanong ko.
"Five in the afternoon. I called you how many times."
"S-Sorry! P-Pagod kasi ako."
He grinned. "Wala naman tayong ginawa ah!" he kidded.
Hindi ako tumawa o ngumiti. I pressed my both lips and sat down on my bed. May ngiti sa labi ni Brett at parang walang problema sa mundo. I am still torn between telling him or no. Kahit sana sa parte na buntis ako.
"Brett..." tawag ko.
He smiled and kissed me on my lips.
"Hmmm?"
I began to realize how important it was to be in enthusiast if life. If you are interested in something, no matter what it is, go at it full speed. Embrace it with both arms, hug it love it and above all become passionate abut it. Lukewarm is no good.
I reached for his face and caressed it. My tears started to fall looking at me. He stared at me weirdly.
I smiled slowly and gave him a quick peck on his lips. Pinahinga ko naman ang noo ko sa kanya at hinalikan niya ang ito.
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Brett. Please don't forget that. Please."
Life will go on but it will never be the same again.
![](https://img.wattpad.com/cover/89787083-288-k939906.jpg)