Lunes ng pumasok na si Brett ulit. Sabay naman kaming pumunta ulit sa campus. Papasok kami ng nasalubong namin si Felipe. Tiningnan niya ng masama si Brett at ganoon rin ang ginawa ng isa. Hinawakan ko naman ang kamay ni Brett pero parang hindi niya iyon pinansin. Ng nagkalebel na sila ni Felipe, ay binangga niya ito.
"Brett." I called him.
He shrugged and intertwined our hands.
"He should know where he needs to stand. Hindi pwede na kung ano ang akin, aagawin niya." I felt my cheeks blushed.
"Maybe you're just overreacting." tumaas naman ang kilay ni Brett sa akin.
I remember before our first ever fight. Hindi kami araw-araw nag-aaway ni Brett, ni makukumpleto nga namin ang isang buwan na walang away. Noon kasi, para kay Brett ako yung possibleng gawin lahat sa relasyon namin. Possibleng iwan siya, possibleng ipagpalit siya.
"Ano ba, Brett?! Wala ka bang tiwala sa akin? Aba, tigilan na natin 'to kung ganun!" we're already ten months in relationship. Araw-araw magkasama kami, oras-oras magkausap kami, at parang ang tagal na naming dalawa sa relasyon. Tho matagal naman kasi talaga kaming magkakilala at nagkakagusto sa isa't isa.
"Ganyan kadali sa'yo yan, Faith?!" namumula na ang mukha nito sa galit.
Nagta-trabaho kasi ang tatay ni Kayla bilang tour guide para mag island hopping. May sakit si tito ng araw na iyon kaya si Kayla at napagatasan magtrabaho muna at samahan ang limang magkakaibigan na mga lalaki. Bungangera naman ito kaya madali sa kanya ang trabaho, at magaling siyang makisalamuha sa iba. Sinama niya ako ng araw na iyon, at sumama naman ako sa kanya dahil kahit magaling siya doon ay hindi yun sanay mag-isa kapag lumalayag.
The boys and us talked. They are college students too, matanda sa amin ni Kayla. Mabait sila at masaya.
Hindi ko sinabi kay Brett na sasama ako kay Kayla dahil kaarawan ng mommy niya. Hindi naman ako bumisita kasi hindi naman ako invited. It's a family fathering after all.
Mainit na ang ulo ni Brett sakin ng araw na iyon dahil sa hindi ko pagpunta, nadagdagan naman ng nakita niya ako bumaba ng bangka nila Kayla at nakikipagtawanan sa mga lalaki.
His jaw clenched.
"Ano Faith?! Ganyan kadali para iwan ako?! Ganyan kadali para itigil 'to?!" nakaupo lang ako sa kama ko habang naluluha na. He was standing in front of me, he looks like hulk right now.
"Kasi wala kang tiwala, Brett! Wala namang mali doon! Magalit ka kapag may ginawa akong mali!" I will still defend myself because I know what's right.
Napasinghap naman siya sa sigaw ko.
"Wala kang tiwala diba?! Walang patutunguhan 'to kung ganyan ka, Brett! For ten months I am trusting you---"
"Of course you need to! Have you seen me going somewhere with girls here?! Did you see me escorting our guests for a tour?! You didn't see me, Faith! I will never every give you a reason to doubt me!" his eyes scream that he is really mad. Hindi ako nakasagot sa kanya.
"Tangina!" mura nito at umalis sa harap ko. Mas lalo akong naiyak. Yumuko naman ako at tinakpan ang mukha ko ng dalawang palad.
Sobrang lakas ng iyak ko. I look like a kid crying because her mom left her.
"Kung tiwala lang rin ang pag-uusapan, shit, Faith, sobrang laki ang tiwala ko sa'yo! If you will tell me that you are waiting outside and I need to jump to the tallest building, I will do it because you're there waiting for me, you're there to catch me...." hindi ko kayang tingnan si Brett. Kung kanina, walang masama sa ginagawa ko ang umiiral sa isip ko. Ngayon nababalut ng guilt ang buong pagkatao ko. Kahit sana text ay ginawa ko na lang sa kanya, o di kaya nag explain. But I know he will still get mad.
"Takot ang tawag dito, Faith. Takot na mawala na. Kasi sa ating dalawa, ikaw ang possible sa lahat ng bagay eh. Possibleng iwan mo ako, possibleng maghanap ka ng iba, possibleng magsawa ka, at possibleng itulak mo ako palayo sa'yo, Faith. That's why I am trying my fucking best here, Faith. And I hope you don't get it wrong. I just love you so fucking much. Damn it. Only God knows how much I love you."
Cherry sunrises. Bubblegum sunsets. This is the kind of love I will never forget.
Dismissal ko ng hinihintay ako ni Brett sa labas ng aking classroom. Ngumiti naman ako sa kanya.
The first time I met him, it wasn't love at first sight. My love for him formed gradually. It all came clear to me he was exactly what I was looking for.
Pinagsiklop naman ni Brett ang mga daliri naming dalawa. "Nagugutom ka ba?"
"Hindi naman. Bakit?"
He shrugged. "Doon ako maghahapunan sa inyo." inirapan ko naman siya.
"Pero hindi ka pwedeng matulog doon!" he frowned.
Ilang beses na rin naman siya natutulog sa amin. Minsan naiinis lang si Mercy kasi daw na O-OP siya. At minsan ay sobrang sweet daw namin ni Brett.
"May pasok ka pa bukas, Brett."
"I have a very long quiz tomorrow, Faith. You need to teach me, my teacher." sabay halakhak niya.
Sa iba na naman mauuwi ang review-review na yan eh!
Sumabay si Brett sa amin maghapunan. Sinabihan pa siya kanina ni tito Mar na doon na lang daw tumira sa amin total araw-araw andito naman siya, tawang tawa naman ito.
Naglinis muna ako ng katawan at iniwan si Brett sa kwarto. Wala pa naman si Mercy, siguro sumama naman sa mga kaibigan niya at magsaya. This is what I love staying at the island. Island life is really superb. This is the life what city girls jealous of.
Ng pumasok ako sa kwarto at nanunuod ng TV si Brett doon. Humihiyaw pa siya dahil mananalo na ang paborito nitong basketball team. Napailing na lang ako.
"Asan mga dapat mong i-review, Brett?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko. Umisod naman siya sa gillid para bigyan ako ng pwesto makaupo sa kama.
"Taxation. Andiyan yan." nilabag ko naman ang suklay sa gilid at kinuha ang binder niya. Ang mga mata niya ay na sa TV pa rin.
Ng binuksan ko ang binder niya ay hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dito.
"Doctor ka ba ah? Ayusin mo naman penmanship mo." reklamo ko. Hindi ko talaga maiintindihan!
"Ano 'to?" sabay turo ko sa isang salita na hindi ko talaga mabasa. Puros kasi straight line at kung t o l doon na lang tataas.
Kumunot naman ang noo niya habang binabasa ang sariling sulat. "Ewan ko. Di ko mabasa eh. Basta T yan." mabilis ko namang sinara ang binder at hinampas siya sa balikat.
"Aww! Wag kang sadista, love!"
"Ayusin mo nga penmanship mo!"
"Maayos naman yan ah."
Maayos my ass. Tiningnan ko muna ang pwedeng magawan ko ng reviewer. Puros theory pa lang naman iyon. Ganito kasi ginagawa ko para mabilis, gagawa ng reviewer para na summarize ko na lahat. And I am teaching Brett to do the same, but his penmanship is fucking crummy.
"Eh ito? Ano 'to?" tanong ko naman. Nakadapa na ako sa kama at sinusulat ang mga pwedeng ma summarize. Galing sa handouts ay kinuha ko na rin ang pwede.
Nakadapa rin si Brett sa tabi ko at kumakain ng curls na dala dala niya kanina. Sinusubuan niya naman ako habang nagsusulat.
"Kapag talaga maging teacher na ako at may estudyante akong katulad mo, leche, idro-drop ko kaagad!" reklamo ko.
He chuckled and kissed me on my temple.
"Tulog na tayo Faith." aya nito. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"You need to review. You said that!" he winced.
"Kahit sagutin ko yan bukas na nakapikit, aba'y maipapasa ko yan."
Yabang talaga nito!
I crinkled my nose. Tumawa naman si Brett at dinampian ng halik ang aking labi.
"Let's makeout, let's make love, cuddle and have a deep talk. Then let's make love again, go out to eat, then go back home, watch a movie and make love again." he said and winked at me.
My heart melted again and again.
