Kabanata 11

327 8 0
                                    

"Diba sinabihan na kita! Iwan mo ang anak ko!" she slapped me when we arrived outside of the Inn. Sa likod na bahagi kami.

"Mrs. Hernandez..." umiiyak na naman ako.

Sabi ni Mercy sa akin, bawal daw ako umiyak. Kasi mapapasama ang anak namin ni Brett. Pero ano gagawin ko? Simula ng araw na iyon ay puros sakit at guilt na lang ang nararamdaman ko. Paano ko maiiwan si Brett kung kahit paglayo pa lang hindi ko na magawa?

"Ano ang kailangan mo Faith?! Pera?! You want money?!" umiling naman ako.

Hindi ako interesado dahil sa mayaman sila! Kahit sa pagiging Hernandez niya! I love him because my heart chose him! Hindi dahil Hernandez siya, hindi dahil mayaman sila, hindi dahil sila nagmamay-ari ng malaking Inn sa isla na ito.

"Hindi po yan ang habol ko kay Brett." naiiyak kong depensa.

She laughed like an evil.

"Then what?! Why you can't leave my son huh?! Does he give you a good fuck in bed? Does he fulfill your needs? Your whims?! Oh! How sure are you na anak nga talaga ni Brett yan? Wala ka bang lalaki, Faith?" sumingkit ang mga mata niya sa pagtanong sa akin. Sa bawat paghakbang niya palapit sa akin, ay gumagawa ng ingay ang stilettos niya. Umaatras naman ako.

Can she at least let me live with Brett? Can she at least let Brett know that I am pregnant? The choice is on me pero tangina kasi hindi ko rin magawa eh!

"Mrs. Hernandez, please..."

"This is my last warning, Faith. Isang beses pang makita kitang pakalat-kalat sa teritoryo ko, hindi ako magdadalawang isip saraan ka kay Brett. You know me, Faith. And you know me not just Brett's mother but also as witch."

If I needed to plead I will do. Hindi ko alam ang gagawin ko, paano ko iiwan si Brett dito? Andito ang pamilya ko! Ito ang lugar ko! 

I held her hands and kneel down.

"Please po... K-Kahit po ang anak na lang namin ni Brett... K-Kahit po siya na lang tanggapon niyo..." she laughed once again and pushed me. Natumba naman ako at naitukod ko ang ang kamay ko dahilan ng pagsakit ng pulupulsuhan ko.

"Stupid!" sigaw nito at iniwan ako doon.

Kung bakit hindi ko magawang sabihin kay Brett, iyon dahil may respeto ako sa nanay niya kahit wala itong respeto sa akin.

I need my peace right now.

"Faith!" mabilis ko namang pinunasan ang luha sa mga mata ko. Pinaypayan ko naman ang sarili ko kahit hindi naman kailangan, hinawi ko ang buhok ko at huminga ng malalim.

"Faith! Are you okay?" humarap naman ako kay Brett. Na sa likod niya si Mrs. Hernandez na nakatingin sa amin. Pinikit ko naman ang mga mata ko ng yakapin ako ni Brett.

"Mom said you're not feeling well. Okay ka lang ba? Masakit ba ulo mo? Bakit ka umiiyak? Sobrang sama ba ng pakiramdam mo?" I wanted to cuss from that moment.

Brett kissed my head how many times. Mabuti at mataas siya sa akin kaya pinahinga ko ang ulo sa balikat niya para maiwasan ko na rin ang titig ni Mrs. Hernandez sa akin.

One day. I'm gonna wake up and be alright. Maybe not today, maybe not tomorrow but one day. One day.

Dinala ni Brett ang sasakyan ng kanyang daddy paghatid sa akin sa bahay. Hindi naman puros buhangin ang dadaanan, pwedeng dumaan sa beach front papunta sa bahay pwede rin sa kalsada, pero may kaonting lalakarin pa. May limang bahay pa bago sa amin.

Nakatukod ang siko ko sa binata habang inisiip lahat lahat ng mga sinasabi ng kanyang mommy sa akin. I am arranging everything so that I can go with my final decision.

Kapag tinitingnan ko si Brett, nag ba-back fire ang lahat. I love him so much and I want to be with him until my last page.

Biyernes ng natulog si Brett sa bahay. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan, baka kinabuksan susulungin na naman ako ng kanyang mommy. Bukas kasi ng umaga ay luluwas silang manila para may aasikasuhin, babalik raw siya linggo ng gabi. Mauuna raw siya babalik sa mga magulang niya, kaya pinayagan ko na lang dito siya matulog muna kahit kinakabahan ako ng sobra.

Mercy went out because it's Friday. Ilang beses na rin ako niyaya ni Kayla pero hindi ako sumasama, tinatanong niya ako kung may problema ba bakit ang tamlay ko, at marami pa. Sabi ko lang sa kanya pagod ako sa mga gawain.

Hindi ko alam kung nakaisang buwan na ba akong buntis o ano. Pero almost one month ko ng alam na buntis ako. Sinabihan ako ni Mercy na pumuntang clinic dito para mai-check, pero sabi ko wag na.

"Okay lang ba kay mommy mo, Brett?" tanong ko dito. 

"Oo naman. She even said hi to you." for sure that hi is already a warning!

Hindi pa naman ganoon kalaki ang tiyan ko. Kung tingnan ito parang wala lang, hindi rin naman napupuna ni Brett. I even told him last week that I have my period kahit wala naman. Alam niya kasi kung kailan ako dadatnan. Kahit paghinga ko alam na niya, kahit amoy ng buhok ko kilala na niya. All of me. Every part of me.

I am lying my head on his chest.

"Brett..."

"Hmmm..." he kissed the top of my head. Umiinit na ang sulok ng mga mata ko.

"Kantahan mo nga ako."

"Why? Gusto mo na bang matulog? We still have a lot of things to do and talk about, Faith."

"Ano naman iyon?" this is what I love the most about Brett. Iyong kahit maliit na bagay ay nasasabi na namin sa isa't isa. Iyong kahit araw-araw namin pinag-uusapan ang hinaharap, hindi kami nagsasawa. We are so ready in the future. But the question is, aabot ba doon ang pagkatigas ng ulo ko?

"Do you remember kuya Bry?" he is his closest cousin. Matanda iyon sa kanya ng dalawang taon. 

"Oo. Iyong nag bakasyon dito noong summer. Bakit?"

He chuckled. "Wala lang. Nabuntis niya kasi ang nakilala niya sa bar. Dalawang beses lang naman daw may nangyari sa kanila."

"So?" tipid kong tanong. Ayaw kong pag-usapan ang mga ganyang bagay. Mas nahihirapan lang ako. Hindi ko na nga gustong isipin iyon. 

"Nakakatawa lang kasi tayo ilang beses ng may nangyari pero wala tayong nabubuo. Hindi ka naman nag pi-pills, hindi naman ako gumagamit ng condom, at minsan hindi ko na nga mabunot!" sabay tawa niya.

Brett, kung alam mo lang! Kung alam mo lang!

Mabilis ko namang pinunasan ang luha na tumulo sa mga mata ko. I am being too emotional. Dala na rin ng mga naiisip ko. Leaving Brett is very hard.

Umayos naman ako ng pagkakahiga. "We're still student." I fake a smile.

Ngumisi naman siya at umupo. Napaawang naman ang labi ko ng nilapit niya ang mukha niya sa tiyan ko. He caressed it.

"Hmmm.. Sana may mabuo tayo, Faith!" hinalikan niya naman ang tiyan ko. Hindi ko napigilan at napaiyak ako. Dire-diretso ang labas ng luha sa mga mata ko.

"Gusto ko magkaanak na tayo. Mabubuhay ko naman kayong dalawa kahit nag-aaral pa tayo eh. At tsaka, may ipon naman ako. Pwede na akong magpatayo ng bahay natin kung sakaling pumayag ka na. Because anywhere with you, is everywhere I want to be." he stared at me. Napasimangot naman siya ng nakita niya akong umiiyak.

"W-Why?" mabilis siyang umupo ng maayos at lumapit sa akin. Pinunasan niya naman ang luha sa pisngi ko.

"Faith, why? May nasabi ba akong mali?" I shook my head.

"H-Hindi.. I.. I'm just happy." genuinely happy, Brett.

Sana... Sana kung may lakas lang ako ng loob na sabihin sa'yo 'to, kung may lakas lang ako ng loob awayin ang mommy mo, kung may ibubuga rin sana ako at maipatunayan sa mommy mo.

He hugged me so tight.

The right person, the wrong time.


Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon