Kabanata 28

434 9 1
                                    

THANKS FOR WAITING! MERRY CHRISTMAS!!

---------

Faith

It feels like a dream. A dream where everything is perfect. No flaws and as expected.

Before taking the operation, I know for myself that I can hardly survive. I remember it vividly I said to my doctor.

"Please, if I can't make it, please tell Brett and Blythe that I love them so much, that wherever I go, they will be placed in my heart forever."

But that was the only thing I can remember. Some of my memories vanished like it never happened, but the people behind those memories remained.

When I opened my eyes, a girl sitting beside me and smiling from ear to ear. Of course, the beautiful Blythe.

"Tatay pogi! Gising na si nanay ganda!" that was the first sentence Blythe said. Ilang araw ba akong walang malay?

At first, hindi ko pa masyadong ma absorb, but reality hit me.

Blythe can see now!

Sa sobrang pagkagulat ko ay napabangon ako, I hugged Blythe so tight and hugged her.

"Faith!" the man of my life- Brett Hernandez, ran towards me. Gulat ito sa biglaang pag galaw ko para yakapin ang anak namin.

Hindi ko inakala na ganito pala kasarap sa pakiramdam ang malaman na nakakakita na si Blythe.

After the doctor check me, hindi ko mapigilan wag yakapin at halik-halikan si Blythe. Magkatabi kaming dalawa sa kama at nakayakap ito sa bewang ko at nakangiti.

"Nanay ganda, wala na bang masakit sa'yo?"

"Wala na. Ikaw? Maayos lang ba mga mata mo? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" tanong ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Maayos na po ako! Noong unang araw ay hindi ako nasanay pero ngayon gusto ko na pong mamasyal.... Kailan ka makakalabas dito nanay ganda?"

"Hmmm... Magpapalakas si nanay para makapasyal ka na. Gusto mo yun?" Blythe nodded and hugged me again.

Umuwi si Brett ng bahay dahil gusto raw makita ni Blythe ang scrapbook na gawa namin noon pa man. Hindi alam ni Brett kung saan ko iyon nilagay kaya naghintay talaga sila ng ilang araw para makita iyon.

Nakausap ko na si mama, papa at Mercy. Iyak sila ng iyak na tatlo. Lilipad na raw si Mercy papuntang America sa susunod na araw. Brett and I decided to stay longer. He told me a year or two would be enough.

I felt weird every time Brett's looking at me. Sobrang conscious ko, I don't have the long hair anymore, I look pale and thin.

Nakatulog si Blythe sa paulit-ulit na panunuod sa scrapbook. Nakahiga ito katabi sa akin. Kinuha naman ni Brett ang scarpbook at nilahay sa gilid. He sat on the chair and held my hand.

"What do you feel, Faith?" he asked.

"Uhh.. Conscious?" his brows shot up. Napanguso naman ako.

"I'm bald. Pale. Thin. Ugly." sabi ko at nakatingin sa kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"You are still the most beautiful, Faith." his hand held mine tighter.

"No..." mahinang sabi ko.

"Baby, look at me." I shook my head.

Brett stood up and went closer. Hinawakan niya naman ang baba ko para makatingin sa kanya. Mabilis ko namang iniwas ang mga titig ko pero hinuhuli niya ito.

Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon