Hindi ko alam kung ano ang susuotin ko sa gabing iyon. Kapag mag ra-rason naman ako ay pagaawayan na naman namin iyon ni Brett.
"Mercy, okay na ba 'to?" tanong ko sa kapatid ko. Kumunot naman ang noo niya at hinawakan ang cardigan na suot ko.
"Ano 'to? Alisin mo to! Sayang ang dress kapag matatago rin naman." puting dress ito at sobrang nipis ng strap. Kaya sumuot ako ng itim na cardigan para matakpan. Baka ano na naman isipin ni Mrs. Hernandez sa akin. Baka ano naman itanong niya.
Hinid ko naman sinunod si Mercy. I still wore the black cardigan.
Brett fetched me. Nagpaalam naman siya kina mama at papa. Sabi pa niya baka daw dito siya matulog! Itong lalaki na 'to talaga, ang tigas ng bungo.
Iniihip naman ng hangin ang buhok at dress ko. The air in the beach is really luscious. Kung may lugar man akong pagpipilian, dito pa rin ako titira.
Ng dumating kami sa Hernandez Inn ay bumati ang guard sa amin. Nag apir pa ako sa guard dahil kilala ko naman iyon.
"Ganda natin Faith ah?"
"Binobola mo na naman ako, kuya." kahit si Brett ay tumawa.
Lahat rin naman dito ay ka vibes ni Brett.
Malayo pa lang ay masama na ang titig ni Mrs. Hernandez sa akin. I am addressing her formally because I think I need too. Ayaw kong tawagin siyang Tita Veronica dahil parang hindi rin naman siya papayag.
"Good evening po, Mrs. Hernandez... Tito Mar...." tumaas ang kilay nito sa akin.
"Parang tumataba ka na ngayon, Faith ah?" tito Mar lightened the mood.
Ngumiti lang ako sa kanya. Hinila naman ni Brett ang upuan, I said my thanks to him.
"Let's eat." aya ni tito Mar.
Noong una, si tito Mar at Brett lang nag-uusap. Pinag-uusapan nila ang liga sa bawat zone dito.
"Eh saang zone ka lalaro, Brett?" tanong ni tito.
"Bakit dad? May ibang zone pa ba dapat kong salihan?" nakakunot ang noo na tanong ni Brett.
"Baka kasi sa zone two ka. Diba doon ko naman nakatira? Sa bahay nila ni Faith." sabay halakhak ni tito.
Tipid akong ngumiti. I don't want them to think I am still uncomfortable. Ang mga titig ni Mrs. Hernandez sa akin ay sobrang talim. Kung pwede niya lang ako saksakin ng tinidor na hawak hawak niya ay nagawa na niya.
She cleared her throat. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng asawa.
Anything that annoys you is teaching you patience. Anything that angers you is teaching you forgiveness and comparison. Anything that has power over you is teaching you how to take your power back. Anything you fear is teaching you courage to overcome your fear.
"Ilang gabi ka nga doon natulog, Brett." sabi nito na walang bakas na ngiti o asar sa mukha. I pressed my both lips. Binaba ko naman ang isang kamay ko. I gripped the dress I am wearing because of nervousness, napatingin ako kay Brett ng nilagay niya ang kamay niya sa kamao ko. Kinakabahan na ako na ewan, parang nawawalan ako ng lakas. Sobra sobra ang tibok ng puso ko.
"It's fine, mom. Right?" I know Brett's trying to make me feel better but his mom's eyes telling different. Alam kong pinagalitan si Brett, alam kong pinagbawalan siya, alam kong nilalabag niya na naman ang kanyang mommy.
"Wala namang problema kay tito Philip at tita Lucia." dagdag pa ni Brett.
"But you're still both studying. Saan ka ba natutulog doon? Sa kwarto ni Faith?"
