Ng gabing iyon dinala ni Kayla si Blythe sa ospital. Umiiyak kasi ito at hinahanap ako. Natulog siya sa tabi ko at maliit naman siya kaya kasya kaming dalawa sa hospital bed.
Hindi na rin bumalik si Brett ng gabing iyon. Tinanong ako ni mama kung ano daw nangyari at galit na umalis si Brett sa kwarto ko.
"Hindi ba kayo magkakaayos, Faith? I mean... Bigyan ng isang pagkakataon? Para kay Blythe? At isa pa, mahal na mahal niyo ang isa't isa! Brett surrendering again! Kahit bakas ng galit sa'yo dahil sa pag-iwan mo sa kanya ay parang wala na."
"Hindi kasi pwede, Kayla. Hindi na pwede."
"The choice is in you. Remember that."
Kinabukasan, maaga akong nagising. Mahimbing pa ang tulog ni Blythe sa tabi ko. Si Mercy naman ay nakahiga rin sa maliit na couch doon, may isang silya siya para doon ilagay ang kanyang paa.
Mahinang bumukas ang kwarto. Akala ko doctor ang papasok para tingnan ako. But it was Brett. It's very early!
He's wearing a black button down and khaki shorts! Damn his charisma.
Iniwas ko naman kaagad ang titig ko ng napatingin siya sa akin.
Tumikhim lang siya pero hindi nagsalita. Humiga ako pabalik at sibukan matulog ulit. Hindi ko alam bakit gusto ko palaging iniiwasan ang problema.
I was still trying to sleep but after five minutes when Brett came, dumating rin si papa at mama. Somehow naging magaan na rin naman ang atmosphere.
"Nanay..." kapa ni Blythe ng nagising ito. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay.
"Andito si nanay, Blythe." mahinang sabi ko.
Brett's standing on the corner, magkatabi sila ni mama and they are discussing such things. Alam ko sa mga gamot ko iyan! Na sa bulsa ang kanyang dalawang kamay at napatingin siya sa amin.
Nilapitan na ba niya si Blythe? Nakausap?
Sinabihan ako ni Mercy na kinausap daw ni mama si Brett tungkol sa operasyon ko. He just can't convince me! Buo na ang desisyon ko.
"Nanay!" yumakap naman si Blythe sa akin. Ngumiti naman ako at hinalikan ang kanyang ulo.
"Mag-almusal na kayo ni Blythe, Faith." lumapit si Mercy at nilapag ang pagkain na dala ni Brett galing sa kanilang Inn.
I want to catch things up with him too not as a girlfriend but as a friend. I love him so much but I know my limit right now. Hanggang dito na lang. Kung mahal niya pa rin ako, I know, he will find someone. The right one for him. At kapag meron man, isa lang ang hiling ko sa kanya, wag niyang pabayaan si Blythe.
"Ang bango, nay! Ano po ba yan?" tanong ni Blythe at nilapit ang ilong sa ulam.
I really want her to see everything. Ayaw kong maghintay kung kailan malaki na siya at tsaka siya makakakita, habang bata pa lang si Blythe, gusto ko na makita na niya ang mundo.
Habang siusubuan ko si Blythe, nakikita ko ang pagtitig ni Brett sa amin. Isa-isang umalis sina mama, papa at Mercy. Kung ano ano ang naging rason nila para iwan kaming tatlo sa kwarto.
Have you ever felt like you were watching the one slip away?
If you could do it over again you would do whatever it took not to fuck it all up?
No matter how hard we try we can't make someone feel the way they could imagine in our head.
"Nanay! Sabi mo po ipapakilala mo ako sa aking tatay!" muntik ko naman mabitawan ang kutsara na hinahawakan ko. I looked at Brett and he's already staring at me, at us!