Uuwi na sana ako pero gusto ni tito Mar na kumain ng hapunan kasabay sa kanila.
"Kung andito si mommy, ayaw mo. Kahit wala na siya, ayaw mo pa rin." nagtatampong sabi ni Brett sakin.
"Brett." tawag ko.
Inirapan niya naman ako. Na sa baba na ng restaurant nila dito si tita Mar. Hindi naman rason na baka makita kami ng mga empleyado nila para isumbong ako kay Mrs. Hernandez, because I know all the employees here are safe. Mga kaibigan nina mama, papa, at iba nga ay ninong at ninang ko rin. Hindi naman ganoon kalaki ang isla para hindi kami magkakilala.
"Hatid na kita. Tara na." suplado talaga nito kapag nasusumpong!
I frowned at him.
"Tara na." ulit nito. I sighed and clung my arms on him.
"Eto na nga po, sasama na po." hindi niya naman ako sinagot at tiningnan lang. I smiled at him.
"Tsss."
Suplado!
Tito Mar was the one who talked and talked. Natatawa naman ako dahil ang dami niyang kwento ngayon. He's really a joker, kwinento niya sa akin ang nangyari sa isang guest nila last week na reklamadora daw at marami pa.
"Kain ka pa, Faith. Pumapayat ka ah? Ginugutom ka ba ni Brett?" tanong nito. Nilahad niya naman ang kanin sa akin, tinanggap iyon ni Brett at nilagyan ang aking plato.
"Hindi po, tito! Stress lang po ako, kaya ganun." I reasoned.
"Studies?" I nodded.
"Hindi talaga ako nakarinig kay Brett na nai-stress siya sa pag-aaral." tumawa naman ako at tiningnan si Brett na nilalagyan na ng bagong ulam ang plato ko.
"Hindi naman po kasi pumapasok si Brett, tito! Palaging na sa labas ng classroom ko lang." I kidded. Tumawa naman si tito.
"Alam ko yan, Faith. Sabi ko nga sa kanya, masasakal ka niyan eh." I smiled at Brett but he just tsked at me.
Hinatid ako ni Brett ng gumabi na, magkahawak ang kamay naming dalawa habang lumalakad. Nililibot ko naman ang titig ko sa mga dayo dito sa isla. May mga nag-iinuman, lumalakad rin, nanunuod ng mga banda sa gilid, at marami pa. Night activities at the beach is very memorable. Hindi mo talaga maiiwan ang isla kapag umapak ka na dito.
"Faith..." tawag ni Brett sa akin.
"Hmm?"
"Nasasakal na ba talaga kita?" tanong niya. I stared at him, iniwas niya naman ang kanyang titig.
"Brett, you know it will never happen."
"Really?"
I nodded. "I find your gestures sweet, okay? At isa pa, simula ng araw na sinagot kita ay tinanggap ko na ang pagiging possessive mo." asar ko.
"Nagsalita ang hindi possessive." ganti niya.
I just made a face.
"I love you so much Faith. So much."
"I love you too so much." tumigil naman si Brett sa paglakad at niyakap ako ng sobrang higpit.
Ganoon lang ang pwesto namin sa gilid ng dalampasigan, nakayakap siya at ganoon rin ako. Malakas naman ang musika na kinakanta malapit sa pwesto namin ni Brett.
♪You & I
We don't want to be like them
We can make it 'til the end
Nothing can come between
You & I
Not even the gods above
Could separate the two of us
No, nothing can come between
You & I
Oh, you & I♪