Kabanata 6

347 13 0
                                    

In the middle of our sweet talk, his phone rang. Inabot niya naman iyon, I saw mom on the screen. I smiled at him.

"Mom?"

Tahimik sa kwarto at malakas ang boses ni Mrs. Hernandez kaya naririnig ko ang sinasabi nito sa kabilang linya. Hindi rin kami ganoon kalayo ni Brett na dalawa.

"Where are you? I called at the pad. Walang sumasagot."

"I'm at Faith's house. Why?" nagtinginan naman kaming dalawa. I glared at him.

He mouthed what at me. Alam niya naman na magagalit si mommy niya sa kanya pero parang wala siyang pakialam.

"Faith's house?"

"Yes. I'll spend my night here. Why? Is there any problem at Manila, mom?" matagal ng sumagot si Mrs. Hernandez. Lahat ng saya na naramdaman ko ay biglang nawala.

Ano kaya ang pwede kong gagawin para makuha ang loob niya? Para magustuhan niya ako kay Brett? I want her to like me for her son. Pero sobrang impossibleng mangyari ang ganung bagay. Siguro ang mga gusto niya kay Brett, ay yung babaeng lumaki talaga sa siyudad, sa prestihiyosong paaralan galing, maganda ang trabaho ng pamilya at ano pa. Kung mukha at katawan ang labanan, panalo ako. Pero kung sa mga ganoong bahay, well I am one hell loser.

"Nothing. I'll call your dad now. Where is he by the way?"

"I don't know. Ng umalis kami ni Faith sa Inn ay andoon lang naman siya."

"Okay. Call you tomorrow. Goodnight."

"Goodnight, mom. Take care."

Ngumiti naman ako kay Brett. Noon pa lang na may something lang sa amin ni Brett, alam kong ayaw na niya sa akin. At noong nalaman niya na kami na talaga ng anak niya, hindi na niya talaga ako lalo nagustuhan. And when she saw us kissing at the shore, that was the time she started hating me to the core.

I got so worried about being happy, that I end up missing out on happiness altogether. I should stop waiting for that magical moment of pure bliss and start enjoying whatever little fragments of happiness I can find. If she really doesn't like me for Brett, I need to accept it. I should stop pushing myself and limiting my actions to impress her. It's the little moments. That's what life is all about.

Brett did everything to vanish my negative thoughts. Ganyan naman kasi palagi, kapag nalulungkot ako sa relasyon na meron kami ng kanyang mommy, he will always comfort me and say things to make me happy again. Kahit ilang beses mang sabihin ni Brett sa akin na walang magagawa ang mommy niya, sa akin kasi iba pa rin.

Maaga ako nagising para ipaghanda ng almusal si Brett. O di kaya gisingin na rin siya. Gusto ko kasi kapag dito siya sa bahay, piangsisilbihan ko siya kagaya ng ginagawa niya sa akin kapag doon ako sa kanila.

Marami ang nagsasabi na hindi lang raw ako ang maswerte kay Brett, maswerte rin raw si Brett sa akin. Hindi ko alam kung paano nasasabi ng mga tao iyon. I feel more luckier because he is mine. He loves me. I am just an ordinary girl but he made everything just to make me feel I am extraordinary.

Wala na si Mercy sa kwarto pagkagising ko. Medyo nagpuyat kami kagabi dahil sa kakausap. Maraming baon na kwento si Mercy at nagkwentohan kaming tatlo. Especially kapag may pagkain, hinid talaga tutulog iyon. They even drank out bottle of lights, dalawa sila ni Brett. 

Bayaw ang tawagan nilang dalawa, nakakahiya nga sila. Pinapagalitan ko naman si Mercy minsan na wag tawagin si Brett ng ganyan sa Inn nila. Kasi doon siya nag O-OJT, minsan tinatawag niyang bayaw ito kahit andoon si Mrs. Hernandez.

"Ako na magluluto dito, Faith. Gisingin mo na lang si Brett at makapaghanda na sa pagpasok sa eskwela." tumango naman ako kay mama at bumalik sa kwarto.

Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon