Kabanata 10

333 11 0
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko. Isang linggo ang dumaan ng nalaman ko na buntis ako pero hindi ko pa rin masabi kay Brett. Tanging si Mrs. Hernandez at Mercy lang ang may alam.

Ilang beses akong pinilit ni Brett sa isang linggo pumunta sa Inn nila pero kung ano anong rason na ang binigay ko. I know he won't buy my excuse anymore.

"Faith. May lakad kayo ni Brett?" tanong ni Mercy sa akin. May dala dala itong plato at may mga prutas. Nakaupo ako sa kama habang sinusuklay ang buhok ko. Nilapag naman ni Mercy ang plato sa gilid ko.

"Susunduin niya ako. Ayaw ko na sana dahil makikita ko na naman si Mrs. Hernandez pero..."

"Faith, you always have a choice."

"Choice for what?"

"Choice to tell the truth to Brett! Ba't ka ba natatakot sa mommy niya ah? Alam natin pareho na  ikaw ang paniniwalaan ni Brett! Pustahan pa natin eh! Kakalabanin pa niyan ang mommy niya paa sa'yo." umiling naman ako kay Mercy.

"Hindi mo maiintindihan. Mommy yun ni Brett, Mercy. Ayaw kong makipag-agawan sa kanya, ayaw kong sabihin niya na inaagaw ko si Brett sa kanya. He is the mother of Brett! The mother of my love, Mercy." 

Mercy shook her head and sat on her bead.

"That's selfishness, Faith! Alam mo ba hindi kita naririnig umiiyak gabi-gabi?! Nasasaktan rin ako sa'yo kasi kapatid kita, Faith! Mahal rin kita at isipin mo naman ang anak diyan sa sinapupunan mo!" hindi ako sumagot sa kanya. Kinuha ko ang mansanas at kumagat doon.

She will never understand! Kung may kahirap kalabanin sa taong mahal mo, hindi iyong ex-girlfriend niya, mga babaeng nakapaligid sa kanya, o mga natipohan niya. But it's his mother or family! Iyon ang mahirap. They are his family, and I am just his girlfriend! 

"Palagi kang pinaglalaban ni Brett, pero ikaw hindi mo siyang magawang ipaglaban." Mercy words hit me. Kahit ng sinundo ako ni Brett sa bahay ay hindi maalis sa utak ko ang sinabi ng kapatid ko sa akin.

Hindi ako mapakali sa mga oras na iyon. Kung hindi lang importante ang okasyon na ito, hindi ako pupunta. Their business is growing and growing kaya may celebration sa Inn nila dito. Maraming bisita galing Manila, even his relatives are here too.

I am wearing a red short dress. Brett bought me this one- pinadala niya sa pinsan niya galing Manila.

Nanginginig ang kamay ko at hindi ko magawang iapak ang mga paa ko sa Inn nila. Brett sighed.

Pinagtalunan namin 'to dalawang araw. Galit na galit siya sa akin and I lost. 

"Bakit ayaw mo?! Hindi mo na ba ako mahal?! May iba ka na? Kaya siguro palagi ka na lang umaalis!"

"Brett ano ba!" naiinis kong sigaw sa kanya.

"Ano naman ang rason mo ngayon, Faith?! Sumasakit na naman ang puson mo?!" tiningnan ko lang siya. Hindi ako makagawa ng maayos dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung saan ako magtatago kapag lumaki ang tiyan ko. Hindi ko alam paano ko ibibigay kay Mrs. Hernandez ang gusto niya. Ang alam ko lang ay takot ako. Takot na takot ako.

"Susunduin kita bukas ng gabi, Faith."

"Brett naman!" hindi na siya sumagot pa at lumabas ng kwarto. Malakas niya namang sinara ang pinto.

"Brett! Hi Faith!" ngumiti naman ako sa mga pinsan ni Brett na bumati sa akin. 

"See? Bagay kay Faith ang dress! She looks sizzling hot!" puri ng pinsan na babae ni Brett.

He slid his arm on my waist and pulled me for a kiss. Humiyaw naman ang mga pinsan niyang lalaki.

"Marami pa bang chix dito? Pwede akong tumira dito. Baka nandito lang rin forever ko." sabay halakhak ng isang pinsan na lalaki ni Brett. Binara naman siya ng iba.

Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon