When we arrived at Manila, we spent most days going on a check up. Kami lang ni Brett ang pabalik-balik sa ospital habang si Blythe ay na sa bahay na pinatayo ni Brett. Kasama niya doon si Mercy, mama at papa. Dumalaw rin si Tito Mar at nakipaglaro kay Blythe.
Malaki ang bahay na pinatayo ni Brett. Wala pa naman masyadong laman dahil hindi naman kami magtatagal pa dito. He wanted my family to stay here in Manila but we refuse. Kakaibang istorya na naman yan sa mommy niya.
"Sasama ako sa America, Brett. Walang magagawa ang mommy mo doon. I want to help you there." sabi nito kay Brett.
Ayaw nung una ni Brett because maybe he thought I will find it uncomfortable. Pero sabi ni tito Mar, para hindi mahirapan si Brett pabalik-balik dahil dalawa kami ni Blythe ang ooperahan doon.
"We will stay at America as long as we can, dad. Faith needs to have more time to rest before flying back here." sobra ang tiwala ni Brett na makakayanan ko ang operasyon at malalampasan. Ilang beses ko naman siyang sinabihan na wag masyadong umasa. It's scary, kahit ako ay natatakot sa pwedeng mangyari.
Dumadaan ang mga araw, linggo at buwan at palapit na ng palapit ang pagpunta ng America.
Tuwing gabi, lahat kami ay nagdadasal sa pwedeng mangyari. Walang gabi na hinid kami nagtitipon lahat at nagdadasal.
Brett and I didn't do that thing again. Una at huling beses lang iyon ng na sa isla pa simula ng nagkabalikan kami. Hindi ako pwedeng mabuntis na ganito ang sitwasyon, mas mahihirapan lang ako lalo kapag mangyari yun.
"Tatay, sabi ni lolo sa akin, i-snow raw doon! Pwede po ba akong maglaro sa snow?" tanong ni Blythe ng nasa kama na kaming tatlo. Na sa gitna si Blythe at kanina pa ang tanong ng tanong tungkol sa America. Nakaupo lang ako at nakasandal sa headboard habang tinitingnan silang dalawa.
"Iyon ba ang unang gagawin mo kapag makakakita ka na?" mabilis na tumango si Blythe.
"Hindi po! Kapag po makakakita na ako, gusto ko po kayo ni nanay ang una kong makita at mayakap." nagkatinginan naman kami ni Brett na dalawa. I smiled at him.
"Magpapagaling rin si nanay Blythe eh." sabi ko sa kanya at hinaplos ang ulo niya.
"Ah. Pero mabilis lang naman po yan nanay. Katulad lang po yan ng nilagnat ako dati diba? Kinabukasan okay na. At yung sumakit rin ang ulo ko! Diba ilang oras lang nawala kaagad."
Sobra sobra ang gastos ni Brett sa akin. Sa mga gamot ko pa lang ay malaking halaga na. Hindi niya naman tinanggap ang pera na bigay ni mama at papa, hindi niya rin tinanggap ang ipon kahit para kay Blythe.
Habang na sa banyo si Brett ay tumunog ang kanyang cellphone. Kinabahan ako ng nakita na ang mommy niya tumatawag sa kanya. Sabi ni Brett, alam naman daw ni Mrs. Hernandez na andito ako at buong pamilya ko sa bahay na pinagawa ni Brett. Siguro galit na galit na yun sa akin. Paano na lang kaya kapag malaman niya na si Brett lahat gumagastos sa amin ni Blythe.
Hinayaan ko ang unang tawag, but she called again and again. Hinintay kong lumabas si Brett pero matagal pa iyon, kakapasok pa lang niya sa banyo. Gusto kong umiwas na lang sa away. She will judge me whatever it is. So better shut up here. Kapag magsasalita ako, makakarinig ako ng masasakit na salita. Kapag tahimik naman, ganoon rin.
"Uhh. Tumawag mo mommy mo." sabi ko sa kanya ng lumabas siya. Pinapatuyo niya naman ang buhok niya gamit ng maliit na tuwalya habang naka boxers na. I was just sitting at the edge of our bed.
"Pero hindi ko sinagot." diretso lang ang lakad niya palapit sa akin. He stood in front of me and I gave him his phone. Habang may tina-type siya, kinuha ko naman ang tuwalya na nilagay niya sa balikat para ipagpatuloy ang pagpunas ng kanyang buhok.
He smiled. Kinagat ko naman ang labi ko at ngumiti pabalik sa kanya.
Loving Brett is the choice I didn't decide even for millisecond. Ng minahal ko siya, minahal ko kaagad. Wala ng tanong bakit siya? o mahal ko nga ba? and that's I realized, when you really love someone, wala ng pag-aalinlangan pa. That's why when I was torn between living and dying, I chose the latter. But Brett changed it again. Love made me decide again. His love makes me alive.
"Hindi mo ba tatawagan?" tanong ko sa kanya.
"No."
"Galit ka pa rin sa kanya?" hindi niya naman ako sinagot. He just gave me a quick kiss on my lips.
Brett is my compass.
"Brett, tawagan mo kami dito ah?"
"Tumawag ka rin, Faith."
"Mag-ingat kayo doon. Brett, wag mong pababayaan si Faith at si Blythe doon."
Kanina pa paulit-ulit si mama sa pagbibilin sa kay Brett. Gusto niya tawagan raw sila palagi at kapag na sa operasyon na kami ni Blythe. They want to be updated.
"Ma, mahal po ang tawag." sabi ko. Nakakahiya na iyon kay Brett.
"Gagawa ako ng messenger, Faith. Para mas madali kay Brett." sagot ni Mercy. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
Uuwi raw sila ng isla at doon maghihintay. Nahihiya na rin sila kung sa Manila pa sila tutuloy dahil wala na rin doon si Brett. Hindi naman amin iyon ang bahay. Kay Brett yun. Kahit sabihin niya para sa amin yun, we are not married. Hindi lahat ng sa kanya, ay akin. But one thing's mine.
It's him.
Nahirapan kami ni Brett sa pag gising kay Blythe. We need to be on the airport as early as possible. When Brett told Blythe about America, tumayo kaagad ito at nagpabuhat.
I don't know what gotten into me but I broke down and cry while on the bathroom. Maybe because I didn't imagine na dadating pa ulit sa ganitong punto. I am so overwhelmed.
"Are you okay?" mabilis na lumapit si Brett sa akin ng lumabas ako ng banyo. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Faith. May masakit ba sa'yo?" hinawakan niya naman ang magkabilang braso ko at tiningnan ng maagi.
I giggled and hugged him so tight.
"Thank you so much for standing with me. Thank you so much for your unconditional love." mas lalong humigpit ang pagyakap niya.
"Faith..." he called me. Natawa naman ako.
"Hindi ako namamaalam, Brett." I kidded.
Binitawan niya naman ako at tiningnan. He frowned. I reached him and gave him a quick peck on his lips.
I am thankful how persuasive Brett is. He is the living proof of you don't give up on someone you love.
Kung noong wala akong pakialam kapag naiisip kong mamamatay ako, pero ngayon parang gusto kong magwala kapag sumasagi iyon sa isipan ko. I don't want to leave Brett again. All he did was stand on my side, and I want to stand on his side too.
After all, it's not what we have in life but who we have in our life that matters.
----------------
I'm sorry for the late update to this story and even to other on-going. I was busy :(
Babawi po ako.
XOXO, MissC