From that moment, my decision were already fucked up.
Ilang beses kong tiningnan ang litrato na inupload ni Brett. Ginawa niyang profile picture ang litrato namin ni Blythe na dalawa. It's his new account though. Hindi na iyong katulad noong college kami.
I didn't accept him back in my life again. Ayaw ko ng mabuhol-buhol ng tuluyan ang desisyon ko.
"Nanay!" tawag ni Blythe. Ngumuso naman ito. "Asan ka po?" ngumiti naman ako at umupo sa kama.
"Andito si nanay, Blythe." she smiled.
"Hindi po ba nagbibiro si tatay kanina? Pupunta tayong America para ipagamot ako?" she's very excited. Bago umalis sa bahay si Brett ay kinausap niya ito. Hindi pa naman ako nag oo o nag hindi sa pagpunta sa America. Kahit sa pagpapagamot niya kay Blythe ay hindi ako sigurado kung papayag ako o hindi. What will Mrs. Hernandez reaction then?
"Malamig ba doon, nanay?"
"Kailan po ba yun?"
"Sasama rin po ba sila tita Mercy?"
"Babalik po ba tayo dito sa isla?"
Medyo late na siyang natulog sa kakatanong sa akin. Matutulog na sana ako ng may tumawag sa cellphone ko. It's unregistered number. Maybe it's important, baka ito yung doctor na kinausap namin noon ni Mercy. Tumatawag kasi yun sa akin at kinakamusta ang kalagayan ni Blythe.
"Hello..." muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko.
Simula noon, hanggang ngayon, ganito pa rin ang epekto ni Brett sa akin.
"B-Bakit?" tanong ko.
"Did I wake you up?"
"Hindi naman. Kakatulog lang rin ni Blythe." tumitingin naman ako sa kisame habang naghihintay ng sagot niya.
Ganito rin ang pakiramdam ko noong nagtatawagan kami ng college. Iyong hindi ko mahanap ang comportableng posisyon kapag tumatawag siya kasi sobrang kinikilig ako.
"It's eleven in the evening. Why?"
"Nagtatanong tungkol sa sinabi mo."
"Ohh..." I bit my lower lip.
Taking risk... That's what I am not good at. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil natatakot ako kasi alam ko may taong masasaktan sa magiging desisyon ko at ayaw ko ng mga pagsubok sa buhay. I am always choosing the easiest path. Mas gusto ko yung daan na wala akong ipaglalaban. That's why choosing between what is right and what I need to is easy for me. I always choose the former.
Humikab naman ako at nakaramdam na ng antok pero may parte sa puso ko na gusto pa munang kausapin si Brett.
I missed him so much.
Maybe we're working out what we have now for Blythe.
Kinabukasan naging masama ang pakiramdam ko. Sumsakit ang ulo ko pero nawawala rin. Hindi ko na sinabi iyon sa kanila ni Mercy dahil kaya ko pa naman.
"Faith, na sa baba si Brett. Mamamasyal daw sila ni Blythe." katok ni Mercy.
Hindi naman ako nakasagot ng naramdaman ko ang malakas na pag pitik ng ulo ko. I pressed my both lips and closed my eyes. I tried to suppress it. I am done screaming and crying. Kapag kasi nasasaktan ako, nasasaktan rin sila. I hate it when they are crying. Ilang beses akong sinabihan ni Mercy na labanan ang tumor na 'to pero she also said she is respecting my decisions. I explained it very well to her why I chose this.
"Faith? Tulog ka pa ba?" she knocked again. Respecting my privacy here.
I chose not to respond and let her think that I am still asleep.
I suppressed the pain until I lost my consciousness.
I woke up in a familiar place. A place where I don't like staying.
"Faith!" maririnig ko pa lang ang naiiyak na tawag ni mama, papa at Mercy sa akin nasasaktan na ako. Kapag nakikita ko silang naiiyak na ganito ang sitwasyon ko palagi kong natatanong sa sarili ko kung tama ba ang mag desisyon para lang sa sarili ko.
But I know my stand. I know the consequences if I will still remain. Wala rin naman. Para lang akong nag-aaral sa isang lesson na alam ko naman ikaka-fail ko lang rin.
"Faith..." I felt Brett held my hand. Napatingin naman ako doon.
I let myself drown in emotions again. I want to fight but I am scared to try.
Sabi ni mama, almost isang week raw ako walang malay.
"Bakit ba kasi hindi ka nagsabi na sumasakit ang ulo mo?! Faith naman!" sobrang galit na galit si papa sa akin. Halos hindi nila ako tantanan, kung hindi pumasok ang nurse ay hindi sila titigil ni mama sa kakasermon sa akin.
Possible pala yung kahit buo na ang naging desisyon, may parte pa rin sa puso mo na natatakot. Na nagsasabi na sana hindi na lang ito nangyari.
They said, living is hard. People have a lot of needs and pleasures. But for me, the hardest is always choosing. Choosing to live or to die.
Habang na sa ospital ako, aburido si Brett. Hindi ko naman siya ganoon ka pinapansin pero tinitingnan ko bawat galaw niya. Hinihintay kong lumapit siya, kulitin ako o may pag-usapan kami. That's what he is good at, breaking my decision and put me in a confusion.
Pumasok siya ng kwarto alas diyes ng gabi. Hinatid niya si Blythe sa bahay at dalawa na lang kami rito. Sabi ng doctor sa akin matatagalan pa raw ako dito at kailangan na namin lumuwas papuntang manila kung magpapagamot ako dahil hindi kumpleto dito.
May dala dala itong envelope. Nilapag niya yun sa mesa at umupo sa upuan. Ni hindi ako tinaponan ng tingin. I cleared my throat. Inayos ko naman ang kumot para ibalot sa aking katawan, I expecte him to help me but he just stared at me.
I tried closing my eyes. For five minutes, nakapikit lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
I opened and stared at Brett. Nakasandal ang ulo niya sa dingding at nakapikit siya. His arms are closed.
"Suplado." sabi ko at umirap sa kawalan.
"What?" my jaw dropped.
"Huh?" kumunot ang noo niya sa akin.
He sighed and shook his head. Tumayo naman siya, akala ko lalabas siya at iiwan ako dito, pero inabot niya ang envelope na dala dala niya at binigay sa akin.
"We'll be flying to Manila next week, and I am rushing all the documents to America." sabi nito habang binubuksan ko ang envelope.
It's a plane ticket. Mine, him and Blythe's.
"Sabi ng mama mo susunod lang raw sila sa Manila, pero ayaw na raw nila sumama sa America dahil matatagalan pa mga dokumento nila." tiningnan ko siya.
"All your things were already packed. Na sa Inn na lahat ng yun, kapag makalabas ka na dito doon tayo didiretso."
"Ano?" he was about to say something again but I interrupt him.
"Brett! Ano ba?! Andoon ang mommy mo! Hindi ako---"
"She's not there anymore, Faith. Pinabalik ko siyang Manila." my lips parted.
"She will be flying to Malaysia before we go to Manila."
"Brett." pinaalis niya ang mommy niya ng ganoon lang sa Inn nila?! Ng dahil doon kami titira ni Blythe?! How dare him! Edi mas iinit pa ang dugo ni Mrs. Hernandez sa akin!
"I will not let you both meet again, Faith. Kung yun ang prinoproblema mo. If you don't want to go near me because she's just there, I can send her back Faith."
"She's your mother!" parang gusto kong itapon sa kanya ang envelope na hawak ko.
"Yes, she is. And I am not running from her as a son. I am still a son to her, Faith."
"Then why did you send her away?!"
"Because I want to be a father to Blythe and a husband to you!" nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Kahit paghinga ay hindi ko kayang gawin.
Running away from the one you love is the race you will never ever win.
