My parents and sister didn't violently reacted about Brett's plan. Ng nakalabas ako ng ospital ay dumiretso nga kami sa Hernandez Inn.
"Nanay."
"Hmmm..."
"Hindi na po natin makakasama si tita Mercy?"
"Makakasama natin siya, Blythe. Pupuntahan natin siya mamaya, gusto mo yun?" tumango naman siya.
Hindi naman ganoon kalayo ang ospital sa Inn nila ni Brett. Habang na sa sasakyan ay may tumawag sa kanya. Niloudspeak niya naman kahit hindi niya kailangan. Paano kaya kung ang taga Manila na pinupuntahan niya yan? Hmmm... Nilaro laro ko naman ang kamay ni Blythe.
"Sir Brett..."
"Why?"
"Kailan niyo po pupuntahan ang bahay para tingnan?"
"Just contact Engineer and ask him to send me the pictures."
"Sige po, Sir. Tatawagaon ko si Engineer. At yung interior designer po ay nagsend na rin po ng choices para sa kwarto ng iyong anak."
"I'll check it later."
Tumaas naman ang kilay ko ng binaba niya ang tawag.
"Malayo pa ba tayo, tay?" tanong ni Blythe sa kanya.
"Malapit na... Are you hungry, Blythe?"
"Opo!" sabay hagikhik ni Blythe. "Pwede po ba iyong katulad ng kinain ko kagabi, tatay?"
Blythe slept to their Inn last night. Kasama si Kayla at Mercy. Kwinento lang ni Blythe sa akin na sobrang dami daw ng kinain niya kagabi at sobrang sarap, marami naman daw siyang ilalagay sa scrapbook at kapag nakakita siya ay titingnan niya kung ano ang mga iyon at kainin ulit.
"Tataba ka niyan, Blythe." bulong ko sa kanya.
"Okay lang yan, nanay! Sabi niyo naman po maganda ako." I smiled and kissed her cheek.
Pagkadating sa Inn ay maraming lumapit kaagad sa akin at nagtanong kung okay na ba ako. Brett being Brett, pulled me away from them and made me rest. Hindi naman ako gutom kaya nagpahinga muna ako. He let me rest on his room! Damn it, too much emotions, too much memories.
Bumaba naman sila ni Blythe na dalawa at ako lang natira sa pad nila. Wala ngang tao, kahit amoy ni Mrs. Hernandez ay wala!
I just slept for only fifteen minutes, bumaba ako para tingnan silang dalawa.
May nakasabay naman akong dalawang babae sa elevator. They have intern on their name plate. Saan kaya sila nag-aaral?
"Good afternoon po, ma'am!" bati nila sabay ngiti. I smiled at them and greeted back. Maybe because they know me, baka nakita na nila ako ng inaway ako ni Mrs. Hernandez dito noon, at siguro dahil sa kasama ko na si Brett kanina.
"Anak ba talaga yun ni Sir Brett?" kumunot ang noo ko.
So they are new here!
"Siguro! Sino naman kaya ang maswerteng babae?"
"Ewan! Baka anak sa one night stand?" nagtawanan silang dalawa. I pressed my both lips.
"Hindi naman yun hilig sa babae ah!" nagkibit balikat ang isang babae.
"Hindi lang natin alam, pero at least, nakikita pa rin naman natin siya dito!"
"Kaya nga. Mabuti at napapayag natin si Sir Brett."
"Baka naakit dahil sa sobrang ikli mong palda ng nag submit tayo ng letter!" tumunog naman ang elevator. Bumukas iyon para umalis na silang dalawa, parang gusto ko silang tadyakan na dalawa para malabas na kaagad!
