True love is neither physical nor romantic but an acceptance of all that is, has been, will be, and will not be.
"Nanay, bakit po ba wala si tatay?" tanong ni Blythe.
Tiningnan ko naman siya. Nakahiga siya sa kama habang ako ay nakatayo sa may bintana. Looking at the sea.
"Baka may trabaho lang anak." sagot ko.
Ngumuso naman siya. "Nanay! Binigay na ba sa'yo ni tatay mga pictures? Dami kasi naming litrato sa cellphone niya. Ilagay mo si album ha! Para matingnan ko kung makakakita na ako."
"I'm sorry, Brett. You can't change my decision." I tilted my head. Ayaw ko ng maalala pa ang pinag-usapan namin kagabi!
It will remain there.
Kapag maalala ko lang ang iyak at pakiusap ni Brett sa akin ay parang bumubukas ang puso't isip ko. Ayaw ko ng mag desisyon pa ulit, ayaw ko ng bagohin pa ito. It's already final!
Malungkot si Blythe ng hapon na iyon. Kaya pinasyal ko siya sa dagat.
"Okay ka lang ba talaga, Faith? Samahan kita." sabi ni Mercy.
"Wag na. Kailangan mo ng puntahan ang anak ni Gia." ngumiti naman ako sa kapatid ko.
Naging tutor kasi siya ng anak ng kaibigan niya, at tinanggap niya naman. Dagdag pa iyon sa aming ipon para sa operasyon ni Blythe.
Hinahawakan ko naman ang kamay ni Bythe. Tumatawa naman siya kapag natatamaan siya ng alon ng dagat.
May mga ngumiti naman sa akin ng nakita nila ako pero hindi magawang magtanong. Siguro dahil alam naman nila. That's what I don't like with people, alam na magtatanong pa. Bakit? Para chismis?
"Nanay! Kunan mo ako ng litrato! Pwede ba?" tanong nito.
"Wala akong dalang cellphone, Blythe."
"Sayang naman po... Pero maganda po ba?" tanong nito.
I squat and labeled to her. Kahit nadadampian na ng tubig ang suot kong dress ay hinayaan ko lang iyon. Hinaplos ko naman ang mukha ng anak ko.
"Dito ka naman lalaki, Blythe. Araw-araw makikita mo 'to."
"TALAGA PO?!" masayang tanong niya.
I giggled. "Oo naman. Kahit araw-araw maligo ka sa dagat ay okay iyon. Pero siyempre, sana wag mong gawin! Baka kasi umitim ka." maputi kasi si Blythe.
Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Brett. I can see how good father Brett is. He just needs a wife and a real family. At hindi ako iyon. I am waiting for my time.
Lumagpas naman ang titig ko kay Bythe. At sa hindi kalayuan, nakita ko si Brett nakatayo. Nakasuot siya ng white button down polo at khaki shorts. Nakapamulsa siya at nakatingin sa pwesto namin. I pressed my both lips.
I don't want to look back in ten years with regret. I want to know I did everything I could to give the love of my life the best possible life.
Lumalakas naman si Brett palapit sa pwesto namin, minsan tinitingnan ko si Blythe pero mas nakatitig ako sa kanya. Kumalabog naman ng mabilis ang puso ko.
"Nanay, pwede po ba akong maligo ngayon sa dagat? Sige na po?" thank God! I can have a reason to take away my gaze to him.
"Maalat ang tubig diyan, Blythe. Baka sasakit ang iyong mga mata." she frowned.
"Sige po... Kapag lumaki na lang po ako..." lumapit naman ako ng lubos sa kanya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.
Malambing si Blythe at masasabi kong namana niya iyon sa kanyang tatay.