Kabanata 12

393 9 0
                                    

Maagang nagpaalam sa akin si Brett. Hindi pa nga sumisikat ang araw ay gising  na siya. Hinatid ko naman siya sa labas ng bahay. 

"Andiyan na ba ang sasakyan ng daddy mo?" tanong ko habang yakap yakap ang sarili dahil sa ginaw.

"Paalis na sila ng hotel. Just get inside, it's cold Faith. I can wait them outside." I smiled at hugged him.

"Walang babae ah?" I tried to be possessive. Tumawa naman siya at hinigpitan rin ang yakap sa akin.

"Siyempre naman. Kailan ba ako nagkainteres sa ibang babae? Sa'yo lang naman ako."

Sa mga oras na iyon, nakalimutan ko ang mga nagbibigay ng takot sa akin. I trust Brett. I know how capable he is. Kaya isa rin yang rason bakit natatakot akong sabihin sa kanya dahil alam ko magagalit siya sa mommy niya. At ayaw ko ng mangyari iyon because it will be his mother downfall. He is Mrs. Hernandez' weakness. He is the only son.

I woke up kinda late. At may mga text si Brett sa akin.

Brett:

Na sa port na kami.

Do you still feel me inside you? :D :P I love you.

I'll sleep, Faith. Text me when you wake up. I love you so much.

I'm already missing you.

Nakababa na kami ng roro. I'll text you later, I'll drive now. Para makapagpahinga si daddy.

We stop by for lunch. Two more hours, Manila na kami.

I miss you already :(

Mabilis naman akong nag reply sa kanya.

Me:

I just woke up. Ingat sa pagdrive. Pahinga ka pag nakarating na kayo sa inyo. I love you too. Miss na rin kita.

Hindi pa ako nakabangon ng may naririnig na ako kalabog. For sure, it's Mercy. Ganyan kasi yan kapag nagmamadali. Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas ito. Hinihingal si Mercy ng pumasok doon at lumapit sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

Nararamdaman ko na medyo nabibigatan na ako sa sarili ko. Hindi ko alam bakit, sabi ni Mercy, medyo nagkakalaman na daw ako, mabuti naman at hindi napapansin ni Brett iyon. 

"Sabi mo aalis sila ni Brett." sabi nito. Binuksan niya naman ang cabinet namin at may kinuha.

"Umalis nga sila. Bakit ba?" tumigil siya sandali sa paghahanap.

"Andiyan si Mrs. Hernandez sa baba! Hinihintay ka!"

"Ano?!" mabilis pa sa alas kwatro ang galaw ko. Sinuot ko naman ang tsinelas ko at bumaba.

"Faith! Hinay hinay naman!" paalala ni Mercy.

Nandoon nga si Mrs. Hernandez nakaupo. Nakatayo naman si mama sa harap niya at ganoon rin si papa.

"M-Magandang umaga po!" mabilis kong bati. She rolled her eyes at me and looked at her wrist watch. Kumikinang naman ito. People are really intimidated by her. Daig pa niya ang barangay captain sa lungsod namin.  But on the other side, lahat naman ng mga tao dito gustong gusto si tito Mar. Kapag may fiesta, nagbibigay ito, o kapag malaman niya na may binyag o kasal na taga dito sa amin ay nagbibigay siya ng lechon o anong pagkain.

"Faith." tawag ni mama sa akin.

"M-Ma..." ramdam ko na ang presensya ni Mercy sa likod ko.

"Ask her, Lucia. Hindi ko alam na tinago yan sa'yo ng anak mo." madiin na sabi ni Mrs. Hernandez.

Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon