Happiness, something that everyone seeks but never quite haves. To be happy is to accept things change and people leave. You can't hold onto everything forever because nothing every stays the same.
Umiiyak naman ako at kinagat ang ibabang labi ko para hindi makagawa ng ingay. I am still on my position at ganoon rin sila. Brett closing his eyes while hugging Blythe. Ang mga maliliit na braso ni Blythe ay nakapulupot rin sa leeg ni Brett.
The whole time they were hugging each other, nakatingin lang ako. This is my life, this is what I am living for. Brett and Blythe.
Bumukas ang pinto at napatigil si Mercy sa pagpasok.
"May tatay na ako!" sigaw ni Blythe. Binitawan naman siya ni Brett, tumalon talon naman si Blythe doon.
"Hindi ko po kaya makikita. Pasensya na po." paumanhin nito kay Brett. Ngumiti si Brett at hinalikan ang kanyang ulo.
The walls of him slowly went down. Nakikita ko ulit sa kanyang mga mata kung gaano pa rin siya kalambot sa mga kahinaan niya. He became transparent again.
Kinabukasan nakalabas ako ng ospital. Si Brett ang nagbayad ng gastos, hindi ko alam pero nainis ako. Ayaw kong umabot sa mommy niya at sumbatan niya ako!
"Ano ba, Brett! Hindi mo ako responsibilidad!" naiinis kong sigaw sa kanya. Binigay niy naman si Blythe kay Mercy para lumabas ito. Si mama at papa ay nilabas na ang mga gamit ko.
"Brett!" kinuha niya naman ang bag ko para dalhin. Hinawakan ko naman siya sa braso para pigilan.
Tiningnan niya lang ako and I swear! Parang natunaw ako sa titig na binigay nito.
"Tara na." sabi nito at marahan na inalis ang braso niya sa pagkahawak ko. He opened the door for me and waited for me to go out.
"Ma. Mag ta-tricycle na lang tayo." sabi ko. Narinig naman siguro ni Brett ang sinabi ko kaya napalingon siya sa akin at masama ulit akong tiningnan.
One of the things I learned is that, if the person is very determined about his/her decision, no one can break it. Katulad ko, buong buo na ang desisyon ko na hintayin na lang ang oras ko. Iyon ang palaging sinasabi ni Mercy sa akin, simula raw noon bakit daw ganoon ako magdesisyon, bakit daw ang hirap balian. Maybe because when I decide, I think about its purpose and always looking at the brighter side.
Katulad noon sa pag-iwan ko kay Brett, para iyon sa kanya, sa kinubukasan niya, at sa kanyang mommy.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako magalit kay Brett. Tatlong araw na ang nakalipas ng lumabas ako ng ospital at sa mga araw na iyon ay palagi siya sa bahay! I know he is visiting Blythe but.. I don't know! It's so nostalgic.
Na sa kwarto lang ako at nagpapahinga. Kanina habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ay nakita ko na pumayat na talaga ako.
"Faith. Kain na." pumasok si Mercy ng kwarto at may dala-dalang pagkain. Sa gilid nito ay ang mga gamot na iinumin ko.
"Mercy nakausap mo na ba ang doctor na mago-opera kay Blythe?" tanong ko. Hindi naman ako sinagot ng aking kapatid.
"Magkano nga ulit iyon ang operasyon, Mercy? Hindi na ata sobrang mahal yan eh, may donor naman. Aking mata naman---"
"Faith naman..." she cut my words. Tumayo ito at wala pasabing lumabas ng kwarto.
Ng natapos akong kumain ay tiningnan ko lang ang mga gamot ko.
I stared at those medicines and had my silent and solitude. Ayaw ko ng hukayin pa ang mga desisyon ko, sobrang buo na iyon. Wala ng makakagiba pa. It's my decision after all, kapag ma ospital ako at maging sobrang lala na, I can sign a paper para wag na akong operahan. Kapag naiisip ko si Blythe ay parang ayaw ko, but I don't want to be selfish too. Kung magpapa-opera ako, paano si Blythe? Kailan siya makakakita? She is very excited to have her sight, that's her prayer every night.
Napatingin naman ako sa pinto na bumukas. Pumasok doon si Brett na sobrang seryoso ang mukha. I pressed my both lips and went back to my bed.
"Faith." may diin ang kanyang boses ng tinawag ang aking pangalan.
Falling for him wasn't falling at all. It was walking into a house and suddenly knowing you're home.
Brett stood near me kung saan kitang-kita ko siya ng buong buo. He still gives me the same butterflies I got when I first saw him.
"I need you to sigh some papers."
"Para saan?" sinabihan niya ako kahapon na papalitan niya raw ang apelyido ni Blythe. I didn't argue anymore, it's for Blythe after all.
"I'll get you a passport and a visa."
"Ano?"
"Kukunan ko rin si Blythe. We need to rush---"
"Teka, Brett. Para saan ba yan? Ilalayo mo si Blythe sa akin?!" tumaas ang aking boses. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard.
"Brett! Ilang taon o buwan na lang ang meron ako! Who knows, baka isang sakit na lang ng ulo hindi ko na makakayanan pa! I want to---"
"Damn it, Faith Chiara!" malakas niyang sigaw na kinagulat ko.
Humakbang siya ng dalawang beses palapit sa pwesto ko. His jaw clenched.
"Kung matigas ang ulo mo, mas matigas ang ulo ko, Faith! Alam na alam mo yan!" he added. Hindi ako nakasagot. Para akong napipi sa kanyang biglaang pagsigaw.
"You always decide on your own! You're being insensitive all the fucking damn time when deciding! Para sa'yo okay lang, pero hindi mo alam ang nararamdaman ng ibang tao! Ang mama mo, papa at kapatid mo! Alam mo ba nasasaktan sila sa desisyong ginagawa mo?!" his face turned red. Hindi ko naman mahanap ang boses ko, kahit pag depensa sa sarili ko hindi ko kayang magawa.
"Mercy working her ass off, Faith! Your mother crying and begging to help you!" umiling naman ako sa kanya habang lumalabas na ang luha sa mga mata ko.
"Hindi niyo maiintindihan!"
"Faith naman! Tangina..." he took a deep sigh and looked up. He licked his lower lip and bit it. Parang pinpiga ang puso ko.
Binalik ni Brett ang tingin niya sa akin at lumapit siya. He labeled on me.
"How about, Blythe?" kalma na ang kanyang boses. Sa tanong niya ay mas lalo akong naiyak.
I want to answer him that this is for Blythe! Ayaw ko ng mag-isip pa ng gastusin nina Mercy kasi ilang taon ako pabigat sa kanya! Lubog rin kami ng utang noon sa probinsiya! Tapos ngayon ooperahan kami ni Blythe na dalawa? Her operation is very expensive same as mine! Milyon milyon na siguro ang magiging gastos nun!
"Me... Faith, how about me?" my jaw dropped.
Hinawakan ni Brett ang kamay ko na nakapatong sa gilid at hinawakan ng mahigpit. Nilapit niya naman iyon sa kanyang and I was shocked when he cried.
"I am afraid to lose you and will forever be. Pero ikaw, ang bilis mo mag desisyon para sa'yo... You left me four years ago with your bullshit decision, with your bullshit excuses, with your bullshit reason... Wala akong nagawa ng iwan mo ako noon pero ngayon Faith, hindi na pwede. If I need to beg how many times and leave whatever I have now to be with you, I will gladly let it all go... For you, Faith... For you because I want to stand with you forever... I will forget everything, I will forget that you left me, I will forget that once in my life you just let me go.. Please, fight too, Faith... Please, stand with me too."