Kabanata 14

358 11 0
                                    

Walang nagbago.

Ganoon pa rin ang dating tinitirhan namin. Sa bawat sulok ng bahay ay si Brett lang naalala ko. Kahit paglapag kanina sa isla, si Brett kaagad pumasok sa isip ko.

Halos mabali ang leeg ng mga kapitbahay namin ng nakita nila kami. May ibang nagtanong kung saan kami galing at nagbirot pa at humingi ng pasalubong.

When I opened my room, all the memories flashback.

I don't know where to start. I stared at my window and roamed my eyes at the place outside. Today my place is dark. The beach is sad and all the water creatures forgot how to swim.

"Nanay! Ano po ang bahay natin dito?" napatingin naman ako kay Blythe. Kasama niya naman umakyat si Mercy.

"Ang sarap po kanina apakan ng mga buhangin! Parang polvoron!" amaze na amaze pa nitong sabi. Lumapit naman ako sa kanya at nag squat sa harap niya.

"Dito lumaki si nanay, at tsaka si tita Mercy. Hmmm, maganda ang dagat dito anak. Iyong buhangin na naapakan mo kanina, kulay puti iyon." I explained the island to her. Napapa o naman ang bibig niya at minsan pumapalakpak pa.

"Eh nasaan na po ang tatay kung ganoon? Diba po sabi niyo po makikilala ko na siya? Nagta-trabaho ba siya?" I need to talk to Brett first. Funny because I don't know what to say. Para akong pumunta sa isang gyera at wala dalang bala.

Hindi nakabukas ang mga pinto at bintana ng bahay. Sinara ulit nila mama at papa para walang mga ibang tao makichismis daw, at para hindi malaman ng iba. Tinanong nila ako kung kailan ko daw balak kausapin ang mga Hernandez.

I am doing this for Blythe alone. This is for her, for her future, and for what she really deserves.

"Hindi ko alam, Mercy. Baka wala na si Brett dito."

"Samahan kita, Faith?" I shook my head.

"Hindi na kailangan. Baka umiyak si Blythe kapag nagising."

Naging bali-balita ang pagbalik namin sa isla.

"There's no reason for hiding. Buksan niyo na yan, ma. Kung magtanong ang tao tungkol sa pag-alis natin, sabihin natin may magandang opportunidad sa Manila!" sabi ni Mercy.

Hindi ko pinababa si Blythe ng kwarto namin. Hindi naman siya nagpupumilit. Nakahiga lang siya doon at minsan nakikisabay ako sa paglaro sa kanya.

"Nanay... Kailan tayo lalabas? Gusto ko pong maligo sa dagat!" sabi nito habang sinusuklay ko ang buhok niya.

Sabi ni Mercy, wala raw isang Hernandez sa Inn nila. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang balita.

"Faith... Andito si Kayla." napatingin naman ako kay Mercy.

"Sabihin mo---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lumitaw si Kayla sa gilid ni Mercy. Her eyes were red. Mabilis ang hakbang niya at pumasok ng kwarto. Hindi pa ako nakapagsalita o umayos sa pagkakaupo ng niyakap niya kaagad ako ng sobrang higpit.

"K-Kayla..." my tears already rolling down from my eyes.

"Nanay? Ano po nangyaro? Nanay?" tawag ni Blythe.

"Kayla..."

"Faith. Ano nangyari?" tanong nito. Pinunasan niya naman ang luha sa mga mata niya at tiningnan ako. I smiled at her but she cried again.

"Kainis ka. Kainis ka. Alam mo yun? Best friend mo ako pero wala akong alam sa nangyari sa'yo."

"Kayla..."

Nataranta naman ako ng umiyak ng malakas si Blythe. Kahit si Mercy na na sa pinto ay tumakbo.

"Blythe.. Shhh..."  yumakap naman ito sa akin. My eyes turned to Kayla. Pabalik-balik ang titig niya kay Blythe at sa akin.

Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon