Brett
After my meeting, I took my phone out. Kanina pa may tumatawag dito pero hindi ko sinasagot.
I got ten missed calls from Jerome.
"Sir, twenty minutes before the lunch meeting with Mr. Sotto." I nodded at my secretary.
Lumabas na lahat ng mga pumunta sa meeting at bumalik sa mga trabaho nila. Nakaupo lang ako sa swivel chair habang tinatawagan si Jerome.
"Bro!" mabilis niyang sagot.
"Bakit?"
"May balita ako sa'yo."
"About who?" I asked him.
"Faith." what the fuck.
After four fucking years, ngayon lang ako nakarinig na may balita galing sa kanya! Ang galing niya naman magtago kung ganoon!
"She's back." I gripped my phone.
Lahat ng sakit at galit na naibaon ko na ay muling nabuhay. How dare her come back? How dare her leave without shit from the very first place?
"Dad, umuwi tayo ng maaga sa isla bukas."
"Bakit? May nangyari ba?"
"Hindi ko ma contact si Faith!" naiinis kong sabi.
Hindi ko alam bakit baliw na baliw ako sa kanya. She's very beautiful inside and out. She doesn't need to put an effort in everything.
When I arrived in front of their house, I called her again. Bakit sara ang bahay nila? Umalis ba sila? Saan naman sila pumunta?
Kumatok pa ako ng ilang beses. Hindi naman ako kinakabahan sa mga oras na yun kasi alam ko hindi ako iiwan ni Faith. Kasal na lang ang kulang sa aming dalawa.
"Brett?" tawag sa akin ng isang mangingisda.
"Mang Andres..."
"Ano ginagawa mo diyan?" tanong nito.
"Hinihintay po si Faith. Umalis ba sila?" isa siya sa kapitbahay nila Faith.
Kanina pa ako naghihintay dito. Four? Five hours? I don't know. Kung umalis man sila, baka siguro sumama sila kay tito Philip o baka sumama na naman siya kay Kayla. I should ask Kayla.
"Umalis sila kahapon. Dala dala mga gamit nila. Hindi mo ba alam iyon? Akala namin sumunod sa'yo sa Manila."
"Ano?" gulong tanong ko.
Bakit naman sila luluwas ng Manila? Sino pupuntahan nila doon?! Wala silang relatives sa Manila gaya ng sabi niya! I told her I will bring her to Manila but it's not now.
"H-Hindi mo alam, hijo?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mang Andres. Baka ng go-good time lang siya! Hilig niya kasi magbiro kahit noon pa! Kahit nga noong lasing niya at nakikipag-inuman siya kay tito Philip at andoon ako sa bahay nila Faith, binibiro niya kami ni Faith. Sinasabihan niya si Faith na iwan ako at lumuwas ng Manila, dahil daw pwedeng maging modelo si Faith. Tsk! Lahat ng mga tao sa isla alam na alam kung gaano ko kamahal si Faith.
Monday, Tuesday, Wednesday. Bumalik ako. Nagbaka sakali ako. Baka kasi nagbibiro lang talaga si Mang Andres.
"Son? Where are you going?" asked mom.
Wala na akong tulog sa kakaisip at kakahanap kay Faith. I asked Kayla, Jerome and others if they saw Faith. Wala rin silang ideya! Maraming nagsabi na nakita daw nila si Faith at pamilya nito umalis dala dala ang mga gamit nila at hindi ko alam bakit hindi ako naniniwala sa kanya. Faith won't do that. She will never leave me.