Simula

1.3K 20 1
                                    

Sigawan ang nangyari sa basketball courst ng paaralan namin dahil sa championship ngayong araw. Education at Business Ad students ang magkakalaban.

"Sumigaw ka rin diyan!" sabi ni Kayla sa akin. "Aba, hindi porke't andito mommy ni Brett ay busangot ang mukha mo diyan! Sa college ka natin humiyaw!" dagdag ni Kayla.

Inirapan ko lang siya. I am an Education student while Brett is taking Business Administration. Iisang paaralan lang naman ang sa kolehiyo ang meron sa lugar namin. Beach life is better than City life. Kontento kami kung anong meron dito at isa pa, maganda ang pamumuhay rito.

"Talo na rin naman ang college natin." sabi ko. Ngumiwi naman si Kayla.

Totoo naman kasi ang sinsabi ko. 54-73 ang scoring. Kanina pa kasi pumupuntos ang ka grupo nila ni Brett at nangununa na doon si Syrus Padilla. He is the best basketball player in this town. Sa pagkakaalam ko maraming kumuha sa kanya sa Manila pero hindi niya rin maiwan iwan ang lugar na 'to especially his girlfriend- Hope.

Pumuntos si Brett ng tres at humiyaw na naman ang lahat. Kahit si Kayla ay humiyaw rin at tumalon talon pa. Ako lang yata ang hindi ine-enjoy ang laro!

"Hernandez for three!" at malakas na hiyawan ulit.

Ay ewan ko na lang!

Brett's parents is the owner of the biggest hotel in this island. Sa kanila ang Hernandez Inn. Kapag may mga turista sa islang ito ay sa kanila kaagad nagpapalipas.

"Tara na!" sigaw ni Kayla at hinigit na ako patayo sa inuupuan ko.

"Excuse me! Excuse me! Excuse me!" tinutulak na ni Kayla ang mga tao para makapunta lang kami sa kanila ni Brett. Brett smiled at me when he saw me, I smiled back too but it didn't reach my eyes.

Every girl wants a best impression for their boyfriend's parents especially to the mom. Isang beses kasi na nakita kami ng mommy ni Brett na naghahalikan sa dalampasigan ay naging uneasy na ako. Hindi ko alam, I just made a bad impression. Sabi ni Brett sakin, wala lang daw iyon at wag isipin ang sinasabi ng kanyang mommy pero alam ko noong isang gabi kung paano ako titigan ng kanyang mommy.

Hindi kami kasing yaman nila, may isang maliit na eatery lang kami sa isla pang kabuhayan at may mga binebenta ring mga souvenirs para sa mga dayo. I am living an island girl life and guess what? There are a lot of perks.

Napabitaw naman ako sa pagyakap ni Brett sakin ng nakita kong papalapit ang kanyang mommy sa pwesto namin. Sumimangot naman si Brett.

"I told you, Faith. Don't worry about it." bulong niya. Kahit maingay ang paligid ay narinig ko siya dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Palapit na ang mommy niya at pilit kong inaalis ang kamay niya sa bewang ko pero matigas ang ulo ni Brett. Dumapo ang titig ni Mrs. Hernandez sa akin, bumaba iyon sa bewang ko. I pressed my both lips.

"Brett naman..." tawag ko. He smiled and kissed my temple.

"Wag mong pasinin si mommy. She's just OA."

Hindi ko alam kung saan ako titingin sa mga oras na yun. Sabi ni Brett sakin may attitude talaga ang kanyang mommy pero wag lang daw pansinin. Iyon naman ang ginagawa ko pero mahirap iyon. I want to be my boyfriend's mom's favorite. Pwede naman yun diba?

Bumati ako kay Mrs. Hernandez at tumango lang siya. She congratulated Brett and bid her goodbye afterwards.

"Ingat po, Mrs. Hernandez." sabi ko. Hindi niya naman ako pinansin at lumakad na.

Sabi ni Brett sakin uuwi daw ang mommy niya sa Manila dahil may aasikasuhin. Isang buwan rin raw at doon ako nakahinga ng maluwag. Limitado talaga ang galaw ko kapag andito ang mommy niya, kahit saan ako ay ganoon talaga, baka kasi andiyan siya o may maikwento ang ibang tao sa kanya.

Stand With FaithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon