"Faith!" tawag ni Mercy sa akin.
Wala naman akong kinain kagabi para magsuka ako ng ganito. Hinagod naman ng kapatid ko ang likod ko.
"Faith? Ayos ka lang ba?" tumango naman ako sa kanya ng ilang beses kahit ramdam na ramdam ko pa rin ang kakaiba sa sikmura ko.
Sumasakit ang ulo ko at parang mahihimatay ako. Ramdam na ramdam ko na ang pagiinit ng katawan ko at pagpapawis nito.
Maaga pa at walang katao-tao sa bahay. Kaming dalawa lang ni Mercy. Namili naman si mama sa palengka at sumama si papa sa pangingisda para sa seafoods na lulutuin mamaya.
"Kukuha kita ng tubig..." habang wala pa si Mercy ay mas lalo akong naduwal. Tinatawag niya naman ang pangalan ko pero hinang hina talaga ang katawan ko.
Sinabi ko naman kay Brett na sumama ang pakiramdam ko. After five minutes ay dumating kaagad siya ng bahay.
Mabilis niya namang dinapo ang likod ng kanyang palad sa aking noo.
"May masakit ba sa'yo, Faith?"
"Ano ba kinain mo kagabi?"
"Gusto mo bang mag pa ospital tayo?"
"Ano nararamdaman mo? Sabihan mo ako."
Brett overreacted that day. Sabi ko sa kanya okay na ang pakiramdam ko but he insisted to be with me until night.
"Brett. Sige na, okay na ako. Baka ano naman sabihin ng mommy mo. Please?" nakaupo ako sa kama ko habang nakaupo rin siya sa harap ko. Hindi niya naman ako sinasagot at patuloy sa pagihip ng sopas na niluto ni mama sa akin.
Tinutok naman ni Brett ang kutsara sa labi ko, tiningnan ko naman siya. If stares can kill, baka namatay na ako sa masamang titig niya sa akin. I had no choice but to eat the soup.
Sabi sa akin ni Mercy ng nakatulog raw ako ay umuwi na rin si Brett. I told him na magagalit ako kapag doon talaga siya matulog. I hope he would understand what I am trying to say. Gusto ko good shot ako sa mommy niya!
Pababa na ako ng hagdan namin ng bumaliktad na naman ang sikmura ko. Mabilis ang takbo ko papunta sa lababo sa kusina at naduwal na naman.
Hyperacidity? Ulcer? Ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin.
"Faith? Kahapon ka pa na susuka ah? Pa check na tayo! Baka hindi lang acidic yan. Nako, alam mo naman. Delikado ngayon." gusto kong isipin na praning lang si Mercy.
Natigil naman ako sa paglakad ng nakita ko ang mommy ni Brett nakaupo sa isang sulok doon.
"Go-Good morning po!" mabilis kong bati. Hinawi ko naman ang buhok ko at kinapa ang itsura ko. Bago bumaba ay ayos na ayos naman ang mukha ko pero ngayon na andito siya mas na conscious ako. And what worse, nagsuka pa ako!
Nakatingin lang si Mrs. Hernandez sa akin.
"Uh.. Ano.. Kanina pa ang mommy ni Brett dito." hindi ko napansin ng bumaba ako!
Tumango naman ako kay Mercy at lumapit kay Mrs. Hernandez.
"Mrs. Hernandez, wala po si Brett dito." hindi naman siguro ako ang sadya niya. Bakit niya naman ako bibisitahin? Ni kamusta nga ay hindi niya magawa sa akin.
She cleared her throat.
"I heard from Brett that you're sick." hindi ako nakasagot.
"I brought fruits for you." tiningnan ko naman ang mga prutas sa mesa.
"S-Salamat po."
"Rinig ko rin naduwal ka? And I also witnessed. Just minutes ago." I nodded.
"Acidic po siguro ako."
"Siguro?" tumango ulit ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga. Pero iyon hula ko. High school pa lang ako ay palagi akong inaatake ng hyperacidity dahil palagi akong umiinom ng softdrinks. Minsan hindi na ako kumakain.
"I hope my assumption isn't true."
Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Kahit sa pag-alis niya iyon ang tumatak sa isip ko. Ano ang assumption ang sinasabi niya? Impossible!
Hapon ng napag-isipan namin ni Brett maligo sa dagat. Ng nakaramdam ako ng pagod ay umupo ako lounger doon. Hinayaan ko si Brett lumangoy at mag surf sa dagat. I just stared at him the whole time.
Beauty, romance, love. These are what we stay alive for.
Ngumiti naman si Brett ng palapit siya sa akin, I welcomed him with my both arms. Hindi siya na kontento sa yakap at hinalikan ako. Wala namang masyadong tao sa pwesto namin at gumanti ako sa halik niya.
He is the type of person I can't forget. This love I can't forget.
Sa bahay kami namanlaw na dalawa, pagkatapos ay humiga kami sa kwarto. Tinatamad akong gumalaw sa hapon na iyon. I just want to lay in my bed and cuddle with Brett. Mas pabor pa naman iyon sa kanya.
Habang nakahiga sa kama ay nag-uusap lang kaming dalawa. This type of date is more than enough compare going out to expensive restaurant.
"Brett, hindi ka ba babalik ng Manila? I mean, to visit your relatives?" tanong ko.
"Nah."
"Why? Sabi ni tito Mar luluwas daw siya ng Manila sa makalawa."
"I have my class." ngumiwi naman ako.
"It's a long weekend! Holiday sa monday!" depensa ko.
"Well..." tiningnan niya naman ako. "I have you here. I just can't go." ramdam na ramdam ko naman ang pag-iinit ng pisngi ko.
Hindi ko maintindihan ang katawan ko ilang araw na. Naduduwal ako at parang sinusumpong palagi! I can sense how annoyed Brett was.
"Let's just go to the Inn, Faith! Hindi ko alam kung ano ang gusto mo!" I assumed na baka dadating na ang monthly period ko. Ganoon kasi ako kapag time of the month na.
Sabi ni Brett hindi naman lumalabas si Mrs. Hernandez sa pad nila. I guess we're okay? She brought some fruits last week! Is this a good start? I just need to do my duty. Ayaw ko talagang sirain ang kanyang impression sa akin.
Sa sobrang dami na pinalagay ni Brett sa mesa, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang kumain. I started at the cupcakes.
Sinabayan naman ako ni Brett sa pagkain. Meron talaga ako gustong kainin pero hindi ko masabi kung ano ito. This struggle is fucking real. All the time.
Katulad ng nakaraang araw, naduwal naman ako. And what shocked me most, Mrs. Hernandez was there again. She visited me for the second time again. Hindi ko alam kung bakit, wala naman siyang dala dala. Tanging matalim na titig at hindi nakangiti ang mukha ang aura niya.
"Faith." matalim ang pagtawag niya sa pangalan ko.
I once told Brett that she visited me. Sabi ni Brett, nagpaalam raw si Mrs. Hernandez sa kanya. Payag naman daw siya dahil ikakatuwa ko raw iyon.
"M-Magandang umaga po, Mrs. Hernandez." may kinuha siya sa bag niya. Kumunot naman ang noo ko ng may nilahad siyang pregnancy kit sa akin.
"I saw you vomit for two times already. I saw you yesterday eating so much food. I can see that your body became different. Let's see if my assumption is right." hindi ko pa rin siya ma intindihin.
Sinasabi ba niyang baka buntis ako?!
Impossile! Hindi pa pwede!
Nanginginig ako sa mga oras na iyon. Tanging ako lang ang na sa bahay at na sa labas si Mrs. Hernandez naghihintay. My parents went out to get supplies, si Mercy naman sa pagkakaalam ko ay may pinuntahan sa campus.
Walang kalakas lakas ang kamay ko, kahit kuyumin ko ito ay hindi ko kaya.
My hand was shivering while taking the kit out of the plastic. Hindi ko alam kung talaga bang tama kung susubukan ko. I am sure that I am not pregnant! Ingat na ingat kami ni Brett na dalawa!
Mabilis na dumapo sa bibig ko ang palad ko ng nakita ko ang resulta.
What should I do?