"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you~!" nagpalakpakan naman kaming lahat. Blythe blew her candle.
Mabilis naman akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Nanay! Maganda ba ang cake ko?" tanong niya.
"Oo naman! Gawa kaya ni lola yan." sabay tingin ko kay mama. Ngumiti siya sa akin.
"Talaga po? Ano po ang kulay?"
"Pink! Diba gusto mo yun? Tapos merong hello kitty." namilog naman ang kanyang bibig at pumalakpak siya.
"Talaga po?! Talaga po?! Kunan mo ng litrato ah! Para kapag makakakita na ako, matingnan ko." I pressed my both lips and hugged my daughter.
Four years. It's been four years. Three years old na si Blythe.
Unang taon na binubuntis ko pa lang si Blythe nahirapan ako. Especially ng naghahanap kami ng matitirhan sa manila. May kaibigan si tatay sa isang probinsiya, doon kami namalagi. Farming... Iyon ang naging bagong hanap buhay. Tinapos ni Mercy ang pag-aaral niya, naging scholar siya. Nag trabaho siya at pinaaral niya ako, hanggang sa nagtapos rin ako sa kolehiyo.
Mahirap yun. Habang nag-aaral ako, ako nagbabantay kay Blythe. Mag-iisang taon na siya nun at nahihiya ako kina mama at papa para iwan ko pa si Blythe sa kanila. Umalis na nga kami sa lugar namin, at bago ito para sa kanila. We adjusted, hanggang naging apat na taon at nakasanayan na namin ang probinsya.
Ng lumalakad si Blythe, akala namin normal lang na may mabubunggo siya na bagay. Normal naman kung tingnan ang mga mata niya, pero ng pinatingnan namin, halos mawasak ang mundo ko. She's blind and that breaks my heart.
Sa apat na taon maraming nangyari. After malaman kay Blythe, may nakita ring mali sa akin. Itong taon na 'to, buwan pa lang naman nakalipas pero ramdam na ramdam ko na mamatay ako.
Si Mercy ang naging katungga ko. Halos hindi na ako makapagtrabaho at siya ang sumusupporta kay Blythe. Sa gatas nito, diapers, pagkain namin at marami pa. Sobra sobra ang papasalamat ko sa kapatid ko.
"Ang saya ni Blythe kanina." sabi ni Mercy sa akin. Na sa maliit na sala sila nina mama at papa. Si mama ay dinidikit ang mga litrato sa photo album ni Blythe.
"Hindi ko pa rin maibigay kay Blythe ang hinihiling niya." mahinang sabi ko. Umupo naman ako sa tabi ni mama. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Kinuha ko ang photo album at isa-isang tiningnan ang mga litrato ni Blythe doon.
"Faith..." tawag ni Mercy.
I smiled at her. "Iyong mga pinapagamot sa akin, ibigay na lang yan para sa operasyon ni Blythe, Faith. Hindi na kailangan---" umiling ito ng ilang beses.
"Faith." tawag ni papa sa akin.
"Iyon po ang hiling ko sa inyo... Ibibigay po natin ang unang hiling ni Blythe." niyakap naman ako ni mama ng sobrang higpit.
"Ano?" tanong ni Mercy sa doctor.
"Ba-Bakit? I mean. Doc! Impossible! Ang lusog ng kapatid ko!"
Brain tumor. Who would imagine that? Kahit ako hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin yan!
"Hindi makakaya ng ospital dito ang operasyon, Miss Perez. We can send you to Manila, doon mas matingnan ng maigi ang sitwasyon ni Faith." napakurapkurap ako. Hindi ako naniniwala!
Kahapon, lumuwas kami ni Mercy ng manila. We need to double check! Baka mali mali ang sinasabi ng doctor!
Sinabi ko sa doctor ang symptoms. Sinabi ko na hindi normal ang pagsakit ng ulo ko, minsan mahihimatay na lang ako sa sobrang sakit nito.
And again, it's true. I have brain tumor and the doctor advised me na magpa opera as soon as possible para hindi na mahawa ang ibang parte ng utak ko.
Dalawa lang ang kwarto sa maliit na bahay sa probinsya. Katulad sa isla, isang kwarto pa rin kami ni Mercy. Magkaiba ng kama nga lang. Noong una, sa sahig lang kami natutulog, pero ng nagkatrabaho siya ay bumili siya ng mga kailangan namin. May ipon na rin kami para iyon sa operasyon ni Blythe. Pinapainom nila ako ng gamot but my decision is final. When I die, I will give my eyes to Blythe, and before I die, I want to fulfill my promise to myself- to let Blythe meet her father. Iyong kung makikita ko pa si Brett pagbalik ng isla. Hindi ko na hihingiin ang kapatawaran niya kasi alam ko impossible na. I just want him to meet Blythe, I want them to accept Blythe.
"Dalawang linggo lang naman tayo doon. Okay na 'to. Bibili na lang tayo ng ibang gamit kapag kailangan." sabi ni Mercy.
"Gastos pa yan Mercy. Magdala ka na lang ng gamit. At isa pa, may natitirang gamit naman doon sa bahay." nalaman ni papa na hindi naman pinaupahan ang tinitirhan namin dati, nanghingi siya ng number ng may-ari at tinatanggap pa rin naman kami. Pwede naman daw, bayaran lang namin ang pananatili.
"Nanay! Saan ba tayo pupunta? Iiwan ba natin mga kaibigan ko dito? Nako! Iiyak sila Josel niyan." kinurot ko naman ang magkabilang pisngi ni Blythe.
"Dalawang linggo lang tayo doo, Blythe. Di-Diba... G-Gusto mo mak-makilala ang---"
"Si tatay ko po?! Makikilala ko siya?! Maririnig ko boses niya?! Kunan mo siya ng litrato, nay ah? Para kapag makita ko kapag maayos na ang mga mata ko." whenever Blythe saying like this, my heart is breaking into pieces.
Blythe Alra Perez. Hindi ko alam pero I hated myself when I named her. Para kasing pinagkait ko sa kanya ang tatay niya, ang pagiging Hernandez niya.
Habang nag-aayos kinaumagahan, busy si Mercy sa kakatawag. Teacher siya sa isang elementary school hindi kalayuan dito. Almost one hour ang biyahe niya araw-araw pero nasanay na rin naman siya.
"Okay na? Andiyan na ang van ng kaibigan ko." sabi nito.
"Kaibigan daw." bulong ko. Siniko niya naman ako at pinandilatan. Tinawanan ko naman siya.
"Faith! Tumigil ka!" sabi ni.
"Nanay! Nanay! Inaasar niyo na naman ba si tita Mercy?" sabay hagikhik ni Blythe.
"Oo. In denial kasi ang tita Mercy mo."
"Ito kung ano ano tinuturo sa anak eh!" sabi nito sa akin.
Kahit hindi ko naman turuan si Blythe, parang natural na sa kanya ang pagiging makulit minsan. Palibhasa, may pinagmahanan.
I'm not sure if I am depressed. I mean, I'm not sad. But I'm not exactly happy either. I can laugh and joke and smile during the day, but sometimes when I'm alone I forget how to feel.
Napatingin naman ako kay mama na hinawakan ang kamay ko. Nakaupo naman si Blythe sa kandungan ko at natutulog. I don't want to be selfish for my daughter, I already been selfish to Brett and I've been also selfless. Gusto ko na ibigay ang hiling ni Blythe sa akin habang nandito pa ako, ayaw kong maging huli ang lahat sa kanya.
I want her to see the world- how beautiful the world is, but I should inform her that this world is also cruel too.
I also want her to meet her father. Maybe it's time for Brett to know the truth, it's time for Brett to know na may anak siya. Kung may pamilya man siya ngayon, ayaw kong sirain iyon. Gusto ko lang makilala siya ni Blythe, iyon lang. I am not sure if he is still there though, wala namang masama mag baka sakali. I have no contact with anyone, kahit kay Kayla ay wala.
"Sasabihin mo rin ba kay Brett ang kalagayan mo anak?" tanong ni mama.
I smiled and shook my head.
"Ma, wala ng pakialam si Brett sa akin. Pupuntahan ko siya para makilala si Blythe, para hindi maawa sa akin. Baka galit yun sakin, baka hindi na ako kilala, o baka nga may sasriling pamilya na." kapag naiisip ko ang bagay na yun ay nasasaktan ako. Hindi na ako umaasa sa aming dalawa kasi alam kong impossible na.
Kung impossible noon, mas impossible na ngayon. All I can do now is to say sorry to him.