"Ang init talaga sa Pilipinas." Singhal ko sabay lagok ng coconut juice.
Sobrang pawis na pawis na ako kakahanap ng trabaho. Dala ko pa mga requirements ko. Nakaupo ako sa may karinderya, suki ako dito eh kaya tatambay ako ng tatambay dito!
Kanina nga nate-temp akong pumasok sa bar, gusto ko sanang mag bartender. Wala nga lang akong alam sa pag bartending, ang alam ko lang uminom. Mukhang wala talagang may balak saaking kumuha. Nag-apply ako bilang waitress, cook at cashier pero walang tumanggap saakin. Sabi nila...
"Napakaganda mo hija,atawagan ka na lang namin."
"We will contact you, thank you."
Ibig sabihin noon ay malamang hindi ako tanggap o pag-iisipan pa nila, yung isa pinuri-puri pa akoakala mo naman kukunin ako. tsk.
"Hello Alexandra my loves!" akmang yayakapin ako ng lalaki kaso kinuha ko agad yung stainless plate at pinukpok sa ulo niya.
"Hoy panot! Tigil-tigilan ma ako please lang ha! 'Wag mo ako binabanas, tarantado baka putpudin ko yang ulo mo." Nanggagalaiting sabi ko, padabog akong tumayo at hindi pinansin yung panot.
"Aling Nenah! Aalis na po ako!" Sigaw ko na akala mo ako may-ari ng karinderya. Bastos ko ba? Medyo lang. Lumabas naman kaagad si Aling Nenah.
"Ah eh ganun ba. Ito mag baon ka ng pagkain." lumapit sa akin si Aling Nenah at binigay ang lunch box.
"Salamat po." syempre tinanggap ko. Masarap ang libre hahaha.
"Sana matanggap ka na." tumango lang ako at binigyan siya ng ngiti. Hindi yung mala-demonyong ngiti ko ha. Mabait ako sa mga taong mabait saakin, give and take kungbaga.
Habang naglalakad sa ilalim ng tirik na araw sa may Manila Bay ay biglang lumakas ang hangin. Nagwe-wave yung buhok ko na nakalugay dahil sa malakas na hangin nang biglang....
"Pwe!" tinanggal ko agad sa mukha ko ang humarang na papel. Itatapon ko sana ng mahagip ko ang nakasulat.
[WANTED: SECRETARY-- please call 09********* or apply directily to our building Aventar Car Store
REQUIREMENTS:
College Graduate
Knows how to speak in English, blah blah and with... experience]
Hmm, so kailangan may experience sa pagiging secretary. I mean, it isn't that hard right? Assisting, talking, giving folders and such. Kapiraso ng keyk!
"Yes!" Napangisi ako. Ewan ko kung bakit pero parang napaka confient ko na ito na, magkakaroon na ako ng trabaho.
"May trabaho na ako yes naman!"
BINABASA MO ANG
Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION If you have one chance to have a better life, will you grab it even though all he wants is your body? Para kay Alex pera na lang ang tanging paraan upang magbago ang buhay niya kaya niya aksidenteng napasok ang ganitong t...