Twenty

104K 1K 56
                                    

ALEX

Wala ngayon si Gasper, nasa Bulacan. May meeting sila, hindi niya ako pinasama lagi naman e. Parang tuloy wala akong kwenta, ang sinama pa niya yung babaeng isa sa pinakasexy na nagtatrabaho dito.

Kaya ito ako nasa cubicle ko, nakatengga at nag fe-facebook kasi ang trabaho ko lang dito ang umupo. Secretary ako pero etong si Gasper ayaw akong nagtatrabaho, parang naman buntis ako. Nagsesweldo ako pero hindi ako nagtatrabaho.

Andaldal ko hahaha

"Alex" Napalingon ako, si Jimmy kasi pumunta sa cubicle ko.

"Oh bakit?" Nakataas kilay pa ako huehue. Napatingin ako sa mga lalaking kasama niya, nagtatawanan na ewan.

"Gusto mo bang sumama saamin? Lunch tayo" Sabi niya an laki pa ng ngiti. Pero parang may naririnig akong kinikilig na mga babae. Ano kaya meron.

Hmmm sige hindi pa naman ako kakain eh. "Libre niyo?" hehehe sila nag-aya eh.

"Syempre naman." aba'tsige na nga! "Ayon! Oh tara na." kinuha ko yung purse ko, tatayona sana ako kaso may malaking kamay na nakapatong bigla sa ulo. "Ay tang--- sino ba yan?!" inis kong inalis yung kamay ko at tumingin sa gilid ko.

Si Henry, nakatayo sa gilid ng cubicle ko at seryosong nakatingin sa mga katrabaho ko. Teka nga diba siya yung naghatid kay Gasper?

"Sabi ni Sir Gasper bantayan ko daw muna yung girlfriend niya." Seryoso parin niyang sinasabi at nakatingin sa mga katrabaho ko. "Hindi siya sasama sa inyo, she's going to eat inside Sir Gasper's office."

Hindi pa nakapagsalita yung mg lalaki at nagsilayuan. Feeling ko nga nung narinig nila yung 'Sir', kahit walang pangalan natakot sila.

"Tsk sayang libre din yun." Pabulong kong sabi habang kinukuha ko yung lunch box ko. Binabaunan kasi ako ni Mom, para hindi gastos. Actually si Dad nagluluto, si Mom naghahanda.

Tumayo na ako at tinignan siya, nakatingin or should I say nakatulala lang siya saakin pero expressionless nga lang. Pamilyar siya saakin.

"Pamilyar ka talaga saakin eh." out of the blue nasabi ko. Biglang nanlaki yung mata niya "W-what?" napalunok pa siya. "Model ka ba?" Baka kasi nakita ko siya eh, hindi naman imposibleng model siya. Duh~ keh gwapo.

"Y-yes." tumango ako "Baka nga nakita kita sa kung saan. Kaya pala." then he cleared his throat.

Weird lang po~

#

ALEX

Medyo boring ngayong araw na 'to. Hindi tumatawag ni text si Gasper sa cellphone ko, kahit man lang sa opisina hindi talaga siya tumawag. Medyo matatagaln pa yung pag-uwi niya, 1 week siyang mawawala business trip dito sa Pilipinas. Mayaman na nga siya magpapayaman pa siya, paano na ako? Kawawa naman ako dito mag-isa lang. Buti na lang andito si Mae, si Mayet syempre kasama si Gasper. Tama lang naman yun kaysa ibang babae pa siya sumama, si Mayet may iniirog na yan. Subukan ni Gasper na galawin si Mayet, tatadtarin ko siya ng pinong pino.

Anyway kahit boring nagawa naming magbonding sa office, kami kami. Mae, Ysa, Jemaima at Nikki. Sila yung mga close kong babae dito sa floor na 'to. Sila kasi yung mas friendly compare mo sa iba. Masaya silang kasama sla yung tipong hindi nila ako hinusgahan ng malaman ng buong building na 'to na kami ni Gasper. Unang lilitaw na salita 'landi'. Nilandi ko daw ang 'sir' nila. Excuse me, siya kaya yung lumapit, hohoho kidding.

Siniko ko sa braso si Ysa, kanina pa siya tulala eh. "Kanina ka pa tulala." lahat naman ng atensyon nila napunta kay Ysa at halatang napansin nila yung pagkabalisa ni Ysa.

"Oo nga friend, marunong ka pa bang magbilang?" biro ni Jemaima pero andoon parin yung pag-aalala niya.

Nagulat na lang kami ng biglang may mga luha na tumulo sa mga mata niya, agad niya ako niyakap. "What happen?" I'm stroking her back.

Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon