"Manong saan po ba 'yung.... Aventar Store?" Pagkatapos kong mabasa 'yun ay agad akong nagtanong sa matandang 'to. Syempre nasa hype na ako, excited ako kaya ngayon kaagad ako mag-a-apply kahit basang-basa na ako ng pawis at baskil na ako, ayos lang. Hindi ko hahayaang lumipas ang araw na wala akong kumpyansa na matanggap.
"Manong?" Kinukuha ko ang pansin siya pero hindi siya nakatingin saakin. Iba pala ang tumatawag ng pansin niya, yung cleavage ko. Nag-init ang ulo ko. Nakasuot ako ng sleeveless white sando at black pencil skirt.
Kinuwelyuhan ko siya. Grabe talaga! Hindi porque naka-formal attire ako ay hindi na ako mamaton maton. Ito ang na adopt ko sa paninirahan sa maingay at magulong ligar, kapag ina-alipusta ka at binabastos ng kahit na sino na tao, lumaban ka.
"Manong, gusto mo kunin ko iyang mga mata mo at ipakain ko sa mga baby sharks? Ano tinitingin-tingin mo, bakit nandito ba yung pustiso mo?" Pinandilatan ko siya at napalunok siya. Kitang kita ang nerbyos at takot sa mukha niya.
"Tinatanong kita kuya kung alam mob a kung saan ang Aventar?" Mariin ang pagsasalita ko. Kabastosbastos baa ng suot ko? Hindi naman diba?
"D-Doon po." Utal-utal pa siya habang tinuro ang direksyon sa likuran ko. Lumingon ako at nakitang may malaking building across the street. Doon lang pala. Kalmado ko siyang binitawan, hindi ko pinapansin ang mga mapanghusga na titig ng tao saakin.
"Salamat." Maikling na sambit ko at lumayas na sa harap niya.
Tumawid ako kaya aako nakarating sa malaking building na ito. Malamang diba, alanang lumipad ako. Hay napaka ko talaga e. Usually, yung mga car stores one floor pero kakaiba ito, mga three floors ang building. Tumingala ako at binasa yung malaking mga letra nan aka display sa labas ng building. Wow, company na ako ngayon. Level up ang ate niyo girl.
Papasok n asana ako kaso hinarang ako ng security guard.
"Good morning po ma'am, pa-check lang po ng bag." Sabi nito, agad ko naming binuksan yung shoulder bag ko na channel, take note channel hindi Chanel pero 150 pesos lang sa ukay-ukay. Tinusok-tusok niya yung bag ko, ang cute naman ni kuya parang tumutusok lang ng fishball. "Sige po pasok po kayo." Sumaludo ako at ngumiti. Syempre pa-cool ako e.
Lumapit ako sa costumer service.
"Good morning ma'am, how may I help you?" teh pahinga trabaho.
"Ah excuse me, saan po ba ako pupunta for application?" Bungad ko sa kaniya. Napangiti saakin si ate clerk.
"Ma'am sure po ba kayo na mag-a-apply kayo? Ganda niyo naman." Muntikan ko na siya sabihan na 'di joke lang ito lahat ate, bibili talaga ako ng bond paper dito.. Buti naagapan ko pa yung sarili ko. Ito si ate honest siya in all fairness.
"Pinalaki ka ng tama ng magulang mo ah, honest ka ah hahaha" sabay kaming tumawa. Humble ko talaga, well humble ang mga magaganda. Nakakaloka nakipag-tsismisan pa kami.
"Ahm, sa third floor po." Sabi nito at tinuro yung direction papuntang elevator.
"Thank you."
Pinindot ko yung down button at naghintay. Nung bumukas na yung elevator ay agad akong pumasok, syempre hindi ako tutunganga diba? Pero hindi lang pala ako mag-isa ang papasok. May dalawang matatangkad na lalaki ang nasa likod ko noong pumasok ako.
Yung isa gwapo pero mas gwapo yung kasama niya. 'Yung naka-gray suit at red neck tie. Nung papasok kami hindi ko sinasadyang nasagi ko yung naka gray suit dahil sa pagiging tanga tanga, kasalanan nila gwapo nila eh. Oh my, I love guys.
"Sorry ha!" Sabi ko pero parang hindi sincere pakinggan pero sorry talaga.
"Ayos lang." Nakakuno noong sabi niya. Gwapo niya shit kaso baka nagalit saakin.
BINABASA MO ANG
Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION If you have one chance to have a better life, will you grab it even though all he wants is your body? Para kay Alex pera na lang ang tanging paraan upang magbago ang buhay niya kaya niya aksidenteng napasok ang ganitong t...