ALEXANDRA
"Ay kabayo!" napahawak ako sa dibdib ko.
Pagbukas ko ng ilaw sa bahay ko ay napatalon ako sa gulat. Si Enzo kasi nakaupo sa love couch, nakadekwatro habang seryosong nakatingin saakin.
"Gago ka talaga ginulat mo ako." Pero wala paring imik si Enzo. Ngayon ko lang napansin na galit siya saakin. Mas matanda ako sa kaniya, 18 years old palang siya at nasa second year college. Mag 3rd year na siya next month.
"Bakit ngayon ka lang." seryoso niyang tanong habang nakatingin sa mata ko. Galit nga siya. Hinayaan ko lang nakabukas ang pinto at lumapit sakaniya.
"May trabaho na ako." nakatayo ako sa harap niya at masiglang inanunsyo iyon.
"Hindi iyan ang sagot sa tanong ko. Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang alalang-alala na ako sayo!" maririnig mo talaga inis sa boses niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Parang kapatid na ang turing ko kay Enzo at masaya ako na nag aalala siya saakin.
"Nag-aalala ka lang pala. Tss, sa trabaho ako galing ikaw talaga." ginulo ko ang buhok niya at napansin kong namula ang mga pisngi niya.
Tinapik naman niya ang mga kamay ko. "Hindi na ako bata Alex" naiinis niyang bulyaw saakin.
"Ay ay? Hinahayaan na nga kitang tawagin akong Buchacha pero hoy! Mas matanda ako sayo Enzo, 'ate Alex' ang itawag mo saakin." nagkukunwari ako nagagalit sa kaniya.
"Ate? hssh..." bakit parang bitter siya? Ampalaya. Hinila ko siya papatayo at tinulak papalabas pero nakahawak siya sa magkabilang gilid ng frame ng pintuan para pigilan ako.
"Umuwi ka nga muna sa bahay niyo, pupunta na ako sa inyo para ibalita kay Tita Jemma. Tapos aalis na ako papuntang trabaho. " sabi ko.
Humarap siya saakin at nagulat. "Trabaho na naman?!" kinotongan ko siya. "Aray naman!" himas niya sa ulo niya.. yung ulo na may mukha a, may ilong at bibig. 'Yon!
"Tss leche, lumayas ka muna! maliligo ako!" tinutulak ko parin siya.
Sandali siyang tumahimik at tumayo ng tuwid kaya hindi ko na siya tinulak. Parang namula siya.
"Dito muna ako." nakaiwas yung tingin niya sa akin habang namumula.
"Ano ba!" tuluyan kong nilabas ang amazona ko at pwersang tinulak siya at sinarado ko yung pinto.
Pagkatapos kong naghanda para sa pagpasok ko sa trabaho ay bumaba muna ako at kila Tita Jemma. Pagbukas ng pinto ay agad niya akong sinalubong ng matamis na ngiti at niyakap ako.
"Buchacha, jusmiyo, bakit ngayon ka lang umuwing bata ka." kinalas niya yung yakap sa akin.
Napakamot ako sa batok ko "Hehehe kasi po may trabaho na ako"Nalaki ang mata niya at hinawakan ang mga kamay.
"Masaya ako sayo anak!"
"Thank you po Tita, dumaan lang po ako dito para ibalita sa inyo. Pupunta na po akong trabaho ko." paalam ko sa kaniya.
"Ah eh teka ano munang trabaho mo?" tanong niya.
"Sekretarya po Tita." sagot ko sa kaniya.
"Sekretarya?" biglang lumabas sa bahay si Enzo.
Ang gwapo naman netong batang toh. Nakataas yung buhok niya at nakablack leather jacket, pero my white v -neck shirt sa loob at naka black skinny jeans. Sobrang haba ng legs kaya pala mvp ng basketball nila at tinitilian dahil sa gwapo.
"Aba gwapong gwapo ang pormahan Enzo ah!" biro ko
"Tss." inirapan niya ako pero humagikgik si Tita Jemma na parang nakikiliti siya.
BINABASA MO ANG
Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION If you have one chance to have a better life, will you grab it even though all he wants is your body? Para kay Alex pera na lang ang tanging paraan upang magbago ang buhay niya kaya niya aksidenteng napasok ang ganitong t...