GASPER
I'm trying not to touch her. Man, iba na 'to! Parang tino-torture ako. Tuwing kasama ko siya pinipilit kung tumingin sa ibang mga babae, I even tried sa mga breast pero parang ang laking kasalanan na yun!
Tsk ganun na ba talaga kahalata?****Flasback****
"Oh, nang engkanto ka nanaman." Pang-aasar ni Fidel.Akala ng iba kalmado yan. Kung alam niyo lang halimaw yan.
"Hoy Kuya, baka brother-in-law ka niyan, tsk tsk eh paniwala pa naman 'yang asawa mo sa kapatid niya" paalala ni Adam.Bigla na lang umakbay saakin si Fidel.
"Alam mo kapatid, lagi lang ako nandito. Pakiss nga--- oh! biro lang" akmang hahalikan ako ng loko kaya lumayo agad ako. Gayshit.
Lumagok ako ng beer. Andito nga pala kami sa bar ni Miguel. Wala siya tapos yung iba pa. May sarili rin silang buhay or should I say problema. Itong dalawa lang naman ang AKALA kong makakusap ng matino.
"Weh? Totoo? " react ni Adam.
"Honesto! Hahaha"
"Is it real? Is it real?" Gago din tong si Adam eh.
"Ang bakla niyo. Akala ko ba tutulungan niyo ako?" Lagok ko ulit ng beer na hawak ko.Tumingin saakin ng nakangisi si Adam.
"Bakit, natamaan ka na?" tinamaan ng ano? Ng beer?
"Hindi pa, pangalawang lagok ko pa lang." sabi ko tapos taas ng beer.
Narinig ko naman si Adam na nagpigil ng tawa.
"Pare iba nasa isip." Siko ni Fidel kay Adam. Huh? What?
"Hey, how's Vanessa sa school?" Biglang nagliwanag yung mukha ni Adam sa tanong ko. Gabi na pero mukha niya akala mo ipinalit sa araw-araw.
"Shades nga Fidel." Biro kong sabi.
"Ayaw ko, baka mas lalo kang pumogi. ikaw nanaman papaniwalaan ni Cheska."
"Ulol mo." sabay bato ko ng maning hubad.
"Ayos lang naman siya kaso parang nagtatampo minsan dahil sa co- teacher ko."ah nagselos ang bata, pag-ibig nga naman.
"Baka nagselos." Sabi ko.
Napatigil siya sa pag inom. Binaba niya ang iniinum niyang beer at nagkapit bisig. Si Fidel naman hawak parin yung bote ng beer pero malaki ang ngiti.
"Oh, ano meron?"
"Ikaw ba, have you ever felt... jealous?" Seryoso niyang tanong.
Unang pumasok sa isip ko... Alex kissed that guy's forehead. Oh God, what is this feeling."'Yan ang sinasabing tinamaan!" Pumalakpak pa si Fidel.
"What? I didn't say anything." iritable kong sagot.
"Huweh? Is it real? Is it real?" Adam
"Nesfruta..." tapos bigla niya akong tinuro, napausog yung mukha ko kasi katabi ko siya. "KITANG KITA!"
"REAL NA REAL!"
"TANGINA NIYO! TUMIGIL NA KAYO!"
And in the end the end medyo naliwanag ako sa nararamdaman ko.
Ang dami nilang sinabi. Manligaw daw para mapasakin. Me? Courting? Ni hindi nga mapagdikit! Pero para sa kaniya I think I might consider it. But, does she entertain suitors? Parang lahat ng lalaking lalapit sa kaniya susungitan na lang o ke-kwelyuhan pero bibigay pag gwapo... Oy, bibigay sa akin yan. Sigurado.. *cough*.
Pero may unang silang sinabi na nagustuhan ko talaga....
BINABASA MO ANG
Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION If you have one chance to have a better life, will you grab it even though all he wants is your body? Para kay Alex pera na lang ang tanging paraan upang magbago ang buhay niya kaya niya aksidenteng napasok ang ganitong t...