ALEXANDRA
"Hindi kita maintindihan Alex!" bulyaw ni Enzo habang nakatayo sa tabi ko.
"Enzo! Huwag mo namang sigawan si Alexandra!" suway ni Tita Jemma.
"E Ma, para naman magtanda 'to!" turo niya saakin. "Wala. na. siyang. Matitirahan. ayan mabagal para maintindihin mo ha. Alex aalis ka dito eh ito na nga lang tirahan mo tapos aalis ka pa?!"
Kasalukuyan akong namamaalam na umalis na sa bahay na tinitirahan ko. Andito ako kila Tita Jemma at nung sinabi ko yun ay nagulat silang dalawa. Kaya ayan nagsisigaw na si Enzo.
Hindi ako nagsalita, hinahayaan ko lang sigawan ako ni Enzo, hindi ko naman siya pinapansin eh labas lang sa kabilang tenga ko iyong mga dinadada niya. I'm just talking to Tita Jemma, I really don't like to talk to this guy as if he's older than me.
"Ah, anak, Alex. Sigurado ka ba sa desisyon mo? Paano ang titirahan mo iha?" Tanong ng napakaamong mukha ni Tita Jemma.
Napalunok ako. Sobrang nagi-guilty ako pag ang mukha ni Tita Jemma ang nakikita ko. I feel like i'm so cruel! She has a very innocent face and she's so very kind. Her heart is bigger than my breasts.
"Tita, I'm so sorry but I have to do this." I hold her two hands.
"Oh ayan! Ayan! Siya lang pinapansin mo! Kahit kailan talaga hindi mo ba maintindihan na itong babae na ito ini-English tayo eh." Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya.
Oh shit! I forgot my accent!
"Bakit parang Brit-"
"Tama na nga!" Tumayo ako at hinarap siya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Alam ko malaki ang utang na loob ko. Huwag kang mag-alala babayaran ko."
Sinapo niya yung noo niya. "Akala mo iyon yung ibig kong sabihin sa paninigaw ko? Ano ka ba naman Alexandra, paano ka na eh wala ka ngang matirahan!"
"Huwag mo akong pagsalian na parang mas matanda ka sa akin." Seryoso kong sinabi sa kaniya. Dumilim ang mukha niya at tumingin sa mga mata ko.
Sa pagkakataong ito, his face was dark but his eyes were not. Hurt. I can see through his eyes, I feel so horrible because of that. He's just concern but I found it over reacting.
"Okay." I sighed. I looked down to tita Jemma.
"I'm sorry, pero kailangan ko po itong gawin. Hayaan niyo naman po ako. Pangako, babalik ako dito, bibisitahin ko po kayong dalawa. Babayaran ko rin po kayo."
"Anong dahilan mo." Malamig na boses ang binigay sa akin ni Enzo. Nanlamig din ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kanila.
"Ano nga ba?" ulit nito.
Nakatingin lang sa akin si Tita Jemma naghihintay ng sagot ngunit umiwas ako ng tingin. I can see in my rare view that she nodded and sighed.
"Kung ano man ang kadahilanan ay hindi mo na kailangang sabihin. Kung ano rin ang iyong desisyon ay aming rerespituhin." Tumayo si Tita Jemma at niyakap ako.
Niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Mag-ingat po kayo." bulong ko.
"Osige." naglayo na kami at ngayon kahit galit si Enzo ay lumapit ako sa kaniya.
"Mag-ingat ka." gulo ko sa buhok niya.
He just stared at me. He's taller than me so he was looking down at me. After a few seconds.
"Tch baka ikaw ang mag-ingat. Ayaw mo pang magpahatid." Tumalikod na siya at umalis sa sala at dumiretso sa kwarto niya at sinara ito.
Napangiti ako. Atleast now, he accepted it.
BINABASA MO ANG
Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION If you have one chance to have a better life, will you grab it even though all he wants is your body? Para kay Alex pera na lang ang tanging paraan upang magbago ang buhay niya kaya niya aksidenteng napasok ang ganitong t...