ALEXANDRA
Papasok ba ako ngayon o hindi? Sigh, that bastard. Hindi niya sinagot yung last na tawag ko. Ang dami ko nang missed call kaya hindi ko na ulit siya tinawagan. Mukha niya, ano ako tatawag ako buong magdamag? Tsk kasalanan ko ba na gan'un yung sinabi niya?
Hmp bahala siya doon. Right now, I should be the one to find a new school for my brother and sister. Syempre ipa-public ulit. Si Mom and Dad wala parin trabaho, dito na muna sila sa bahay.
"Magluluto pa papala ako." tumayo ako sa pagkakahiga at sinuot yung slippers ko. I tied my hair bago lumabas ng pinto. Kaso pagbukas ko ng pinto nagulat ako nasa tapat na si Axel.
"Dammit Axel! Nakakagulat ka!" sabi ko nakahawak pa sa dibdib ko. Pero siya straight face lang.
"You have work today, go clean yourself and go down. Kakain ka." Seryoso talaga 'tong kapatid ko.
"Hindi ako papasok." napataas naman siya ng kilay nung sinabi ko yun.
"Why?" he asked.
"Gusto ko lang." I simply replied.
"Really?" then he smirked. Bigla siyang sumigaw.
"She will not go to her work gasper! Go home!"
At first nagtataka ako bakit niya sinasabi yun, then nung nag process na yung sinabi niya saakin. May nagsalita.
"Tsk tsk bawas sweldo."
"Ay Gasper nga!" nagulat ako sa nagsalita. Shit si Gasper nga. Nakasmile pa, huh akala niya wala siyang atraso sa akin Bwishit. Tinarayan ko siya.
"Hey, mag-uusap din tayo. Fix yourself first, you have work today babe." Ang amo pa ng pagkasabi niya.
I snorted "Babe your face, hmp!" Pumasok ako sa loob ng kwarto at binalibag ang pinto.
Feeling girlfriend? Feeling? Feeling?? Ay kami na ba? Hindi ko alam.
Pagkatapos ko maligo at magdamit. Si Mom, dad at Lux tulog parin. Bumaba na ako, sabi ni Axel nasa labas daw si Gasper hihintayin niya daw ako. Kaya ko tinagalan yung pagkain ko. Ugatin ka sana diyan! Bwisit maramdaman mo man lang ang maghintay! Pero hindi ko hinintay na magising sila Mom and Dad, malamang gyera pagnakita ni Dad si Gasper.
"Bakit ang tagal mo?" nakapameywang pa ang loko pagkalabas na pagkalabas ko ng gate.
"Baka masarap kumain 'no? 'No?" Tapos inirapan ko ulit. Nag buntong hininga na lang siya at binuksan yung pinto ng kotse para saakin, syempre pumasok ako. Umikot naman siya at pumasok na din sa kotse at nagdrive sa likod ng kotse... malamang sa driver's seat.
Walang tugtog habang nagdadrive siya. Sobrang awakward, tingin lang siya ng tingin sa akin. Bakit ko alam? Nahahagilap ko sa peripheral view ko. Parang ine-examine niya ako, hinihintay na kumalma. Ekek niya.
Pero akala ko papunta kaming Aventar, hindi pala.
"Huy, saan mo ako dadalhin?" tanong ko.
Tinaasan niya ako ng kilay "Parang naman kinikidnap kita. Engot, may pupuntahan tayo." Napa 'O' ako. Sinabihan niya ba ako ng engot? Engot?
Tinignan ko na lang yung labas ng binatana at nagcross arm at bumulong
"Tss. Kung makapagsalita parang walang ginawang kasalanan." I threw my tantrums.
"What?" tss, narinig pa
"Wala." sagot ko. I remained stoic. Tinulugan ko na lang siya.
Kalahating oras ay tinigil niya ang kotse. Pagkamulat ko, parang nasa isang mataas na kami. Puro damo at may iilang puno, pero nangibabaw yung isang puno dahil nasa malapit na dulo na ito. Tinignan ko siya ng masama at nakakapanghinala.
BINABASA MO ANG
Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION If you have one chance to have a better life, will you grab it even though all he wants is your body? Para kay Alex pera na lang ang tanging paraan upang magbago ang buhay niya kaya niya aksidenteng napasok ang ganitong t...