Thirty-one

74.5K 951 42
                                    

ALEX

Pumasok na ako sa Aventar at sinalo lahat ng pang-aasar nila na tumataba ako. Yung iba niloloko ako na buntis pero ngumingiti lang ako. Mag-isa lang ako nag papa check up. Hmm, 2 months na rin ang nakakalipas, so mag 3 months na ang baby ko.

Balita ko nag de-design na daw ng kotse si Gasper sa New York.

Speaking of Gasper, hindi kami nakapag-skype nung isang araw. Wala ako sa mood, masama pakiramdam ko pero kain ako ng kain pero lagi naman ako inaantok. Buntis nga talaga ako at alam niyo ba habang wala akong ginagawa sa loob ng office ni Gasper, kumakain ako ng mangga tapos isasawsaw ko siya sa ketchup. Pupunta daw si Cheska, sister ni Gasper, mamaya nagshopping lang muna.

Busy si Gasper, nakakamiss tuloy. Ayan nagtutubig na yung mata ko. Biglang tumunog yung phone ko. Binasa ko iyong registered name at Gasper na may tatlong middle finger emoji ang nakita ko.

"Hello Gasper!" Pangalawang ring pa lang sinagot ko na, ako pa ba late E sobrang miss ko na.

I heared his soft chuckle "Hindi halatang na-miss mo ako Alex ko."

Namula ako ng sinabi niyang Alex ko. Erm.. enyebe. "Tss hindi ah duh~ hindi ka pa natutulog?" pag-iiba ko ng topic. Nakakahiyang umamin.

"I can't sleep, I just want to hear your voice." He paused for a moment. "I miss you so much. Baby wait for me, one month at two weeks na lang. Konting tiis."

halata sa pananalita niya 'yung pagkalungkot. Hindi niya alam umiiyak na ako dito sa kinauupuan ko pero hindi ako tumigil sa pagkagat at pagnguya ng mangga, hindi ko mapigilan.

"Ikaw ang mag tiis diyang loko ka, ako pa ngayun ha." sabay kagat ng manggang hilaw, tinatago nito yung hikbi ko.

"Takaw mo kahit kailan, pwede ka naman mamaya kumain diba. Nagseselos na ako sa pagkain mo." Natawa ako.

"Nagseselos ka sa manga?"

"Mangga?"

Bakas sa boses niya ang pagtataka. "Oo?" sagot ka. Bigla siyang tumahimik,

"Are you sure mangga yang kinakain mo, like I mean hilaw na mangga?" I nod kahit hindi niya nakikita. "Oo nga ang kulit ng itlog mo."

Bigla siyang ngumisi. "Makulit ba? Hindi mo naman ginagalaw paano naman 'to galaw?" Nag-init yung psingi ko.

"Pervert." tinawanan niya lang ako.

"Anyway, hindi ka naman mahilig sa mangga, kahit anong maasim. Mahilig ka sa maalat."

Nanlaki ang mata ko, oh shit! What to say, what to say!! "Ahm.. kasi binigyan ako, masasaktan siya pag hindi ko kinain." please kumagat ka please!

"Who the fuck is that guy?" oh yan kumagat nga iba pa ang inisip. I rolled my eyes, atleadt kumagat.

"Bungol, Ysa." narinig ko yung pag exhale niya, sign of relief. Ngayon pa ba ako magloloko kung kailan magkakaanak na kami.

Napangiti ako, binaba ko 'yung mangga ko at hinaplos ang tyan ko. Baby, kausap ko yung tatay mong bast-- huwag ka tutulad sa kaniya demonyo siya at ang sarap kitilin. Mag mana ka saakin maganda ugali, pero sana magmana ka ng itsura sa kaniya. Please lang lugi ka kasi.

"Musta ka diyan?" dagdag ko sa para mapahaba ang usapan, tahimik na kasi eh.

"Sobrang busy, parang pinapatay ako ni Dad. Subsob na subsob ako sa trabaho dito. Nakakainis talaga siya." medyo nag-iba yung timpla ko doon.

Sabi ni Ate Cheska mabait at sweet ang tatay nila. Pero nung panahon daw na nasaktan ng husto si Gasper sa isang babae, sa tingin ko si Angel ang tinitukoy niya. Hindi daw hinahayaan ng papa nila ang makipag date si Gasper. Over protective ang tatay nila kaysa sa nanay. Mas cool daw ang nanay nila. Kawawa naman si Gasper, palibhasa puro babae ang kapatid niya nadamay tuloy sa pagiging over protective ng tatay.

Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon