ALEX
"Huwag kang iiyak, huwag kang iiyak." bulong ko habang nagtatype ako ng presentation, actually re-typing yung ginagawa ko, hindi ako 'yung gumawa.
Ngayon ang alis ni Gasper at hindi ako makakasama sa paghatid sa kaniya sa airport. Ayaw ko at nag-usap na kami ni Gasper tungkol dito. We spent a lot of time for each other this week para hindi namin ma miss ang isa't isa.
May nag-cough sa likod ko. Lumingon ako para makita kung sino yun. "Mae?"
"Mukha kang tanga." Tumawa siya.
Lumapit siya s likod ko, umikot ako at hindi ko na kaya. Niyakap ko siya habang umiiyak.
"Shhh... alam ko alam ko. Huwag kang mag alala babantayan ko 'yang asawa mo. Araw-araw kong dadalhin picture mo tapos isasabit ko sa leeg niya." Hinaagod niya yung likod ko.
"Hindi naman 'yun inaalala ko eh." bulong ko.
"eh ano?" ... ano nga ba?
"Hindi ko rin alam bakit ako umiiyak e."
"Baliw naman pala 'tong babae na 'to." Bumuntong hininga siya. "Hayaan mo na. Ako bahala. Itigil mo muna yang ginagawa mo, kain muna tayo?" Tumango ako.
"Guys kain tayo!"
"Sige!" sabi ni Dina.
-----------------
"Uy friend ayan na 'yung order mo nakabusangot ka parin." bulong niya.
"Bakit kasi nila in-invite 'yan?" nanggagalaiti kong bulong.
"Gaga hindi siya in-invite! Nakisama lang siya."
Kasi naman andito kami sa Fried Deli. Kaikain ako kasi nalulungkot ako! Nai-stress ako! Dahil lang sa boyfriend kong napakayamana at may hawak ng malaking kumpanya! At pwet ng inidoro, andito siya. Katabi ko pa.
"Naririnig kita." Bulong niya. Hindi ko na lang siya pinansin at sumubo na lang ako ng kanin. Paksiw yung inorder ko, parang gusto ko kasi ng mga maasim ngayon.
"Gusto mo pa?" nilapit niya saakin yung chicken niya, ambaho! Nilayo ko.
"Nanandya ka ba? Ba't ambaho niyan? Ikaw kumain niyan bwiset ka nag-eenjoy ako!" inis na inis na sabi ko. Lahat sila nagulat sa reaksyon ko, lalo na si Gasper. Argh! Ayaw ko naman talaang magalit pero hindi ko kasi mapigilan.
Kumunot iyong noo niya. "Sabihin mo nga, ano bang problema mo? Sobrang galit ka ngayon and I don't fucking understand." pabalang niyang tanong at ayaw ko ng tono.
Napatyo ako. "Did you just cuss on me? Tangina mo ba?" hindi ako makapaniwala na minura niya ako. Like what the hell diba dapat hindi niya ako minumura dahil girlfriend niya ako?
"What?" lumukot yung mukha niya mukha siyang naguguluhan. Medyo nakakaagaw pansin na kami dahil tumitingin na sila. "I didn't. I cuss in the situation but I didn't say it directly to. Hindi kita minura."
Tumawa ako ng sarcastic. "So now pinapalabas mo na sinungaling ako?" lahat sila tahimik at nakikinig at nanonood lang sa aming dalawa. Yung mga crew kahit patuloy sila sa pagtatrabaho alam kong nakikiousosyo na yan.
"What? No! Mali 'yung pagkakaimtindi mo." diffensive masyado.
I rolled my eyes. "So ang pinapalabas mo naman ngayon na hindi ako marunong umintindi? That I am shallow minded?!" matigas na bwelta ko.
Napafacepalm siya. "Dammit, ikaw lang nagsabi niyan." naiinis na bitaw na salita niya.
Nanlaki yung mata ko at tinuro siya.
BINABASA MO ANG
Pleasing The Mischievous Boss [UNEDITED]
General FictionPUBLISHED UNDER POP FICTION If you have one chance to have a better life, will you grab it even though all he wants is your body? Para kay Alex pera na lang ang tanging paraan upang magbago ang buhay niya kaya niya aksidenteng napasok ang ganitong t...