Chapter 1: Huh!? Shooting?!

3.8K 59 24
                                    

This story is a work of fiction. The characters, places and incidents are products of author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance or similiraties to actual events, stories, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

 ©PieceOfWeirdness | May 21 2014

_____________________________________

Safia Kinn Rodriguez:

     "Saki! Hoy, holdap 'to! Wag kang lilingon, nako!" bago pa man ako makapagsalita, alam ko nang nakadrugs na naman 'tong si Aris.

     Sa kasamaang palad, si Aris po ay bestfriend ko. Hahahahaha. Ako pa luge?

     Sinakyan ko nalang ang pangangaladkad, este panghoholdap niya raw sakin.

     Nung marating na namin 'yong batong upuan sa public park kung nasaan kami,doon niya lang ako binitawan. Damang dama niya kasi, baka gustong maging holdaper nito. Uh, scared?!

     "Aris naman, hanggang ngayon ba eh,irereto mo parin ako? Nako ha, tigil-tigilan mo ko. Bubugbugin na talaga kita!" medyo iritable kong pagbabanta sakanya.

     "Excuse me frand, for your information, never na kitang irereto 'no! Nakakaawa na kasi 'yong mga kakilala kong lalaki, tinotorture mo lang, abno!" 

     Bigla nalang akong natawa. Naalala ko kasi 'yong mga kalokohan ko, makaiwas lang sa pangrereto nitong si Aris sakin. Hahaha. Medyo abno nga naman ako, medyo lang naman.

     "Wake up, frand! Tulala at tatawa-tawa ka na naman diyan. Gusto mo samahan kitang magpacheck up sa psychologist? Ang creepy mo. It freaks me out!"  tapos umarte pa siyang parang nandidiri na takot.

     "Hahaha! Pasensya naman. So, bakit mo nga ako kinaladkad dito? Istorbo ka kamo, bibili pa naman akong pagkain." nakuha ko pang magpout. Bagay kaya sakin ang pout effect?! Kadiring imagination, hahahaha!

     Medyo pinipigilan ko pa rin ang tawa ko, kasi naman eh, ang babaw lang.

     Tumigin nalang ako sa mga pwedeng makita sa park.

     "Gusto ko kasing makita mo rin 'yong magandang view. Iiih, naman kasi! Tingnan mo oh, ang cute cute niya. Grabe, ngayon ko lang siya nakita dito. Oh my gloooob! Ano kayang name niya?" naramdaman kong nag giggle pa siya. Maski ako eh, sino ba namang hindi?!

     "Oo nga eh, ang puti puti pa. Tapos ang cute nga 'no!" pag sang-ayon ko pa.

     Medyo tumahimik sandali. Pero binasag na ulit ni Aris ang katahimikan.

     "Saki, ikaw ba talaga yan? Sa mga panahong 'to dapat binabara mo na ako sa kalandian kong 'to. Anong cute ang pinagsasabi mo?" pagtatanong niya sakin.

     "Ba't naman kita babarahin, eh ang cute nga eh. Sarap niya iuwi tapos gawing keychain sa bag. Inosenteng inosente ang dating, may hawak pang bola at balloon, ano kayang pangalan ng ba-"

     "A-aray!! A--no ba? Aris naman eh!" hindi ako makapagsalita ng ayos kasi balak ata akong patayin nitong si Aris dahil sa pagsakal niya sakin!

     "Urgh! Saki naman eh. Sa iba ka naman nakatingin eh. Bata naman pala 'yang tinitignan mo. Ang tinutukoy ko, ayun oh. Yung naglalaro ng basketball." tinuro niya sakin yung lalaki gamit ang nguso niyang nagmamantika dahil sa lipgloss.

     Napakamot nalang ako sa ulo ko.

     "Malay ko ba naman sa pinagtuturo mo Aris. Akala ko kasi 'yong cute na bata rin 'yong tinutukoy mo. Yun palang patpatin na ang weak weak magbasketball ang tinitingnan mo."  sabay make face ko.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon