Chapter 9: Acquaintance Night!

553 19 8
                                    

Chasten Air Kyler:

"Yung mga kaklase kaya natin ano ang ichura?"  tanong ni Blate sakin.

"Malay ko, ako ba nag-ayos sakanila?"  sagot ko.

 

"Taray. Hahahaha. May dinadala, may regla ka Air?"   singit naman ni Chayi.

"Wag nga kayong magulo."  sabi ko. 

Tapos nagtawanan sila, pag kasi ganito alam nilang medyo napipikon na ako. Ang boring naman kasi ng party, kahit na maganda talaga 'tong venue. Bukas na ng hapon ang uwi namin, may lugar dito kung saan kami magpapahinga pagkatapos ng party. Dalawang tao sa isang kwarto,at hindi ko pa alam kung sinong makakasama ko. 

"Air, si Race oh. Ang ganda."  turo ni Blate sakin.

"Ah."  yun lang yung nasabi ko.

"Grabe pre, halatang interesado ka sakanya no? Lakas mong mag 'ah'. Iinom mo yan. Hahaha." sabi niya, tinapik ko nalang sya sa likod tapos umalis na ako dun.

Ang lakas ng tugtog, hindi ko alam kung may sanib ba mga tao dito. Teka, si Saki kaya pupunta? Malamang president 'yon.

Iniisip ko lang kung napaghandaan niya yun intermission, o sinunod niya yung sinabi kong wag niya nalang gawin yun? Eh, bahala siya. Kaya niya na ang sarili niya.

Napadpad ako sa pwesto nung dalawa niyang kabigan.

"Chasten, anong ginagawa mo dito?" medyo maarte yung pagtatanong niya. Hindi ko matandaan yung pangalan, pero yung boses niya, katulad na katulad nung magpakilala siya sakin sa park.

"Wala naman.  Naglalakad lakad lang." sagot ko.

"Ah ganun ba? Dito ka muna samin."  sabi niya.

"Aris, wala eh. Hindi ko macontact."  biglang nagsalita yung isa niyang kasama.

Ayun, Aris pala ang pangalan nito. 

"Ano ba yan Kyo. Baka hindi pumunta si Saki. Lagi nalang ganyan yan. Di bale na nga."  sabi ni Aris.

Kyo naman yung pangalan nitong lalaki.

Nakasandal lang ako sa pader habang pinapanuod silang magsigawan. Sigawan talaga kasi sa lakas ng tunog dito sa venue, kung magbubulungan kayo, wala kahit anong maririnig, kaya lahat ng tao dito aakalain mong galit. 

Biglang nawala yung tugtog, at namatay ang kakapirasong ilaw kanina.

"Hi. We, the officers prepared an intermission for you to enjoy. We're so lucky to have her as the BA's president. She will give us a number. So clap your hands for Miss Safia Kinn A. Rodriguez." 

Nagpalakpakan kami pero 'tong dalawang kaibigan ni Saki nakanganga.

Ay, shit.

President ng BA? Si Saki yun diba? 

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon