Chapter 3: Ang love ay parang..

713 28 8
                                    

Kerr Yohan Onizo:

Tinext ako ng girlfriend ko. Sabi niya, may school trip sila ng dalawang araw, pero may isang oras sila para gawin ang gusto nila. Right opportunity para magkita kami. I'm inlove with her for a long period of time, at 'yung long period of time na 'yon eh time rin na hanggang ngayon eh nasa long distance relationship pa rin kami. Tiwala, yan ang kailangan naming dalawa. Miss na miss ko na siya, miss na miss na. Wala kaming oras masyado para sa isa't isa, masyadong malayo, masyadong mahirap. Ang bading man, pero tuwang tuwa ako kasi makikita ko na ulit siya. Makikita ko na ulit ang girlfriend ko.

Kaya habang hindi pa nag hahapon, naiinis pa rin ako sa pag-iisip sa dapat kong isuot at sa dapat kong bilhin. Sakto, nalalapit na ang first day of school ko, bilang college student, maiinspired akong pumasok kahit papaano.

Inayos ko na ang sarili ko, una akong pumunta sa mall. 3:00 pm na, isang oras nalang at magkikita kami. Hindi ko alam kung anong bibilihin ko. Nagpunta ako sa accessories, sa clothing shop, shoes, bags. Hindi ko alam, pero dahil ngayon nalang ulit kami magkikita, bumili ako sa bawat isang shop na nadaanan ko.

"Sir, para sa girlfriend niyo po?" tanong nung sales lady sakin.

"Oo sana." tapos ngumiti ako sakanya.

Ibinalot na rin niya yung mga binili ko. Pagkatapos, nagdiretso na ako sa park kung saan kami magkikita. Pinara ko agad 'yong taxi na nakita ko, dahil konting minuto nalang ang natitira sakin. 30 minutes nalang. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Traffic. Nababadtrip ako, gustong gusto ko ng bumaba, at takbuhin nalang. Limang minuto nalang ang natitira pero hindi parin umaandar ang sinasakyan ko. Sobrang layo pa nito kung lalakarin ko pero wala na akong choice. Nagbayad na ako sa driver at tumakbo. Sobrang init, nanlalagkit na ako. Pero wala na akong pakialam, ang mahalaga sakin, maabutan ko siya doon, kahit sandali lang. Kahit limang minuto nalang, kahit mayakap ko lang siya, okay na.

Tumakbo lang ako ng tumakbo sa kalagitnaan ng init kahit hapon na. Hanggang sa marating ko na 'yong park. Dumating ako sa napag-usapan namin. Napaluhod nalang ako, sa pagod, sa panghihinayang. 4:30 na, wala na siya dito. Sabi niya isang oras diba? So dapat may 30 minutes pa kami, pero wala na siya. Pinigilan kong hindi maiyak at hinayaang pawis ko nalang ang lumaglag.

Napasandal ako sa pader, bumuntong hininga at tumingala. Nagpahinga lang ako sandali, lalo ko siyang namimiss. Gusto ko nalang magmura, naiinis ako. Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Uuwi nalang ako.

"Kyo?"

Napatigil ako sandali. Kinabahan, may tumawag sakin. Iniisip ko si Macey, siya na ba yan? Tumalikod ako para makita kung sino ang tumawag. Hindi si Macey.

Si Saki.

Yung ngiting dapat ipapakita ko sakaniya, napalitan ng pagkagulat sa tanong niya..

"Kyo, pwede ba kitang maging boyfriend?"

_____________________________________

Safia Kinn Rodriguez:

Wala akong nagawa. Wala kasi akong choice. Siya ang unang nakita ko kahapon.

"Kyo, pwede ba kitang maging boyfriend?" 'yan ang tanong na lumabas sa bibig ko. Na kahit kailan hinding hindi ko sasabihin sa lalaki, pero kinailangan ko.

Iniintay ko si Kyo ngayon. Ngayon ang usapan namin. Date kuno.

Nagulat siya sa tanong ko kahapon, pero inexplain ko naman sakanya.

"Pe-pero may girlfriend ako Saki." medyo nauutal niya pang sabi sakin.

"Listen Kyo, wala akong balak manira ng relasyon. Although nagulat ako kasi may girlfriend ka pala. Haha, chos. Tara, kape muna tayo tapos pag-usapan natin?" aya ko sakanya.

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon