Chapter 39

226 9 4
                                    

Kyo’s point of view:

“Ano, sasama kayo?” tanong ko kay Saki at Aris. Uuwi kasi ako ng Cavite ngayong araw, sandali lang naman. Dadalawin ko lang sina mama. Baka lang gusto nila ng medyo sariwang hangin. Saka marami rin namang gagalaan dun sa Cavite. Malapit lang ring naman.

“Ako sasama ako. Haist. Kasi hindi ko alam address ni Chasten. Si Saki kasi eh. Ang bagal kumilos.”  Reklamo ni Aris.

“Bakit ano bang nangyari?” Tanong ko.

“Yang si Aris. Niyaya ako nung Sabado. Mall daw, yun pala ang balak eh mang stalk kay Chasten. Gusto niya daw malaman kung saan nakatira. Eh nakakapagod kaya.”  Sagot ni Saki.

“Eh nalaman niyo naman ba?”  tanong ko pa ulit.

“Hindi ngaaaa. Yan kasing kaibigan natin, daig pa pagoooong. Kakaasar. Huhuhuhu. Tapos binigyan pa siya ng bouquet ni Chasten. Tapos ano, naikwento sakin na sinama pala siya sa musiklaband at nakilala pa 'yong kapatid niya! Anooo yun, sakanya may gustooo? Uwaaa.”  Pagrereklamo pa ulit ni Aris.

“Bakit? Halata namang may gusto si Chasten kay Saki ha? Saka iyang si Saki, may gusto rin yan dun, natatakot lang umamin kasi ayaw niya kayong saktan. Diba? Hahaha. Pa-bouquet bouquet pa. Hahaha. Pa’no na ‘yung ex mo? Tibay no. Anong gayuma gamit mo ha babs?” Pang-asar ko.

“Ughhhh. Shuuuut upppp Kyooo. Akin si Chasten.”  Sigaw ni Aris. Tsk.

“Oh eto..” sabi ni Saki, sabay abot kay Aris ng isang papel. “Nahuli niya tayong sinusundan natin siya. Sabi niya sakin, kung tinanong nalang daw natin siya, sasagot naman siya, hindi raw yung nagpakahirap pa tayo.”  Pagpapaliwang ni Saki.

Niyakap naman siya agad ni Aris.

“Thankyouuuu frand. I don’t care if you like each other. Hindi pa naman kayo magjowa. Kaya kung mag-aminan kayo, hindi big deal yun. Hahahaha. Akala mo ah. Saka, malay mo, ako pala talaga ang gusto niya. Wahahahaha. Tara na sa Cavite. Balita ko daming gwapo at chix duuuun. Yeeeey.”  Sabi niya at saka hinila kaming dalawa ni Saki.

Mga babae nga naman.

Pakiramdam ko magiging magulo yung gala naming tatlo, pero mukhang magiging masaya naman. Goodnews pala. Nakamove on na ako kay Macey. Salamat kay Aris. Kahit baliw yan, malaking tulong niyan sakin. Pati rin si Saki na ipinamukha sakin lahat, sa umpisa lang. Napatunayan kong hindi ganun kadali, pero kung gusto mo, magagawa mo. Sa ngayon, byahe muna kami.

--x

"Halaaaaa. Fresh air nga anoooo? Gusto ko 'to. Hahaha. San tayo punta kyokyo?" Tanong ni Aris sakin.

Napahawak ako sa baba ko. Teka, wala nga pala akong plano. 

"Alam niyo ba yung TFIOS?" Biglang tanong ni Saki. Teka, ano nga ba yun?

"Oh gosh. Don't tell me hindi niyo alam yon? Urgh! I've read the book. Pero di ko pa siya napapanood sa big screen. Wanna watch? Teka, showing pa ba 'yon? Kung hindi na, bili tayo ng DVD, panuodin natin sainyo Kyokyo. Hahaha." Masayang sabi ni Aris. TFIOS huh? 

Nagpunta muna kaming mall. SM Bacoor na kami bumaba. Ewan ko na naman sa mga 'to, wala pa nga yung fresh air na sinasabi ko, nagrereact na agad. Tsk. Mga ignorante. 

"Waaaah. May pogi there. Follow natiiiin!" Sigaw ni Aris. 

Patakbo na sana siya, kaso pinigilan namin siya. Tsk. Bakit ba ang hilig sa gwapo nito? Nalayo pa, eh gwapo na nga ang katabi niya. Hahaha. Ge. Nahahawa na ako sa kabaliwan ng mga 'to. 

"I feel like eating. Pizza hut! Pizza hut!" Request nitong si Saki na sobrang hilig sa pizza. Putik naman o. Wag nilang sabihing ako ang taya dito?

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon