Chapter 2: Kyo and my school, Wicked Crest Academy.

883 29 10
                                    

Safia Kinn Rodriguez

Jusmiyo! Ayokong tumingin sa salamin. Madidisappoint lang ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ang itim itim ng ibabang part ng mata ko. Daig ko pa ang nagpakalunod sa kape. Hanggang ngayon fresh pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi. 

"Ate Saki, Ate Saki! I want to show you something."  sisigaw tapos bubulong ang kapatid ko.

"Ano 'yon Aliyah?"  medyo kinabahan ako sa mukha ng kapatid ko. Para kasi siyang natatakot na ano.  

Nag-iintay akong hilahin niya ako, dahil may ipapakita raw siya.

"Boo! Hahahahaha. You look like a ghost. Hahahaha."  tapos nagdiretso pa siya sa katatawa habang nakabaluktot na sa sahig. Ang cute cute ng kapatid ko. Itapat daw ba sakin ang salamin at sabihing multo ako? Ang sarap daganan eh.

Sabagay tama naman siya. Pero a 6 year old girl, making fun of her older sister huh?

"Aliyah. Kikilitiin ka ni ate hahaha!"  

"Waaaah! No, I don't like zombies tickling me! Hahahaha! I'm out here!" tapos nagtatakbo na siya sa palabas. 

Natawa nalang din ako kahit bangag na bangag pa ko. Pero inayos ko na rin ang sarili ko dahil may entrance exam pa kami ni Aris ngayon. Hindi ko pa naman alam papunta dun sa academy. For the first time in forever, mahaba-habang byahe ata ang gagawin ko. At saan ko naman malalaman ang direction?

Aris,Calling:

Sakto, tumatawag ang bruha. Picked up the phone.

"Yes, hello Aris. Pa'no ba ako makakapunta sa campus?"

"Kaya nga kita tinawagan diba, okay ganito. Sakay ka ng tricycle sainyo, papuntang LRT station. Then syempre dahil nasa LRT station ka, sasakay ka naman sa LRT, baba ka T. Plaza, pagkababa mo, sumakay ka ulit ng tricycle dahil walang nadaang jeep at bus doon. Magpababa ka sa tapat ng McDo, then doon ka sumakay papuntang Crest, lakarin mo 'yung path papuntang academy. At yung mga requirements wag mong kalimutan ha? Bago kasi tayo makapag exam mag-iinquire muna, at bilisan mo kasi baka marami ng tao doon, i'm on my way na okay? Ingat girl."

Tapos ibinaba na niya. Bakit kasi hindi nalang niya ako dinaanan samin? Kasi malayo? Haaaay! Di naman kasi ako sanay magbyahe, this would be really challenging for me. 

Ready na ako.

Sinunod ko 'yung sinabi sakin ni Aris, nagpababa ako sa LRT station. Mygahd. How can I ride a train if I don't know anything about this? 

Kinalbit ko 'yong kuyang nakita ko.

"Hoy, paano ba dito?" 

Medyo kumunot yung noo niya?

"Ano?" I asked him.

"You really don't know?" he asked me back.

"Tatanungin ba kita kung alam ko?" inis na tanong ko.

"Tss. Haha chill. Go there and buy a ticket. Tell the lady where to go, and then use that ticket para makapasok ka. Once na nakapasok ka na, itago mo 'yong ticket mo kasi gagamitin mo ulit 'yon para makalabas ka. Tapos ayun na."  he answered calmly and then smiled at me. 

"Thanks." matipid kong sagot. I hurriedly went to the booth to buy ticket and followed the instructions given by that stranger. Nung makasakay na ako, punong puno na. Ganito ba talaga dito? Para bang hindi ako Pilipino? Anong alam ko, eh tricycle at bus lang sinasakyan ko, ngayon ko lang maeexperience 'to, should I enjoy riding this one? Uhh.

Tumayo ako at humawak sa bakal. 

At sa hindi sinasadyang pagkakataon, hindi nga ba? Eh na-out of balance ako at nadaganan ko 'yung lalaking pinagtanungan ko kanina. Shit!

Rule 101: Say No To Love | Ongoing SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon